18: Tanong

1.7K 33 0
                                    

"Hon, meet Andrei and Ken my college friends. Common friend namin si Toby."

"Hi." maiksing bati ko sa kanila. Hindi ko parin kasi magets yung sinabi nila. First time ko lang din sila nakita kaya nagtataka ako kung papaano nila ako nakilala.

"Hi Shane. It's a pleasure and a surprise to finally meet you." sabi ni Andrei na pinagtaka ko nanaman.

"Yeah. We did not see this coming. Haha!" dagdag pa ni Ken. Ano bang pinagsasabi ng mga lalaking to? Lasing naba sila?

"Itigil nyo na nga yang kalokohan nyo, ginugulo nyo isip ng asawa ko."

"What??!!" sabay pa nilang sabi.

"Mag-asawa kayo? Nako Daniel! Madami ka talagang dapat na ikwento sa amin pero bago yun, let's drink."


Tumingin ako kay Daniel at alam kong nakita nya ang malaking question mark sa mukha ko. Ngumiti lang siya sa akin pero parang may kakaiba sa ngiti niya. Actually, kakaiba na siya simula ng makarating kami dito sa party ni Toby. Hindi nalang ako nagtanong at hinayaan na muna siyang makipagusap sa mga kaibigan nya. Pinuntahan ko nalang ang pwesto nina Toby na masayang kakwentuhan sina Mason.


"Oh ayan na pala si Mrs. Sy." kantyaw ni Toby sa akin. Hindi man lang nya naisip na andito si Mason.

"Baliw! Lasing kana ata birthday boy eh."

"I'm the boss remember? Hindi ako malalasing. Haha! Here .Let's drink till we're wasted." sabay abot nya sa akin ng baso ng alak.

"Matatanggihan ba kita? CHEERS GUYS!" at nagtoast kaming lahat. Nginitian ko rin si Mason at nakipag-cheers sa kanya.

Since maayos na kami ni Mason ay nagagawa ko naring makipagkwentuhan sa kanya. Hindi ko nga alam kung saan na nagpunta si Daniel. Bigla nalang silang nawala ng mga kaibigan nya.



Nakakailang bote narin kami pero hindi parin bumbalik yung baliw kong asawa. Saan naman kaya yun dinala nung mga weird nyang kaibigan? Bumalik nalang ulit ako sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko. Makalipas ng ilang oras ay bumalik narin si Daniel kasama yung dalawa. Pero wait? Bakit me pasa sya sa mukha?


"Hey hon? What happened?" tanong ko agad sa kanya ng makalapit ako

"N-nothing hon. I accidentally hit on something." sagot nya sa akin, pero hindi sya makatingin ng maayos.

"Are you sure?"


"Yes, hon. Sure na sure." tumawa siya pero halatang napipilitan lang

"Ahmmm... Shane, I think it would be better kung iuwi mo na tong si Daniel. Marami-rami rin kasi nainom nya at for sure masama na pakiradman nyan." huh? anon nanamang ibig sabihin nitong si Andrei

"Ah sige. Magpapaalam lang ako kay Toby at sa mga kaibigan ko."

"Pasensya kana hon."

"Okey lang yun hon. Don't worry." umalis na ako at iniwan ko na sila ulit sa me kitchen area.




Nang makapagpaalam na ako ay binalikan ko na si Daniel para yayain ng umuwi. Ilang hakbang nalang at makakapasok na ako sa loob ng kitchen pero parang pinigilan ako ng mga paa ko. Narinig ko kasi silang naguusap at mukhang seryoso dahil sa tono ng boses ni Andrei.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now