46: Trust

1.6K 35 10
                                    

"Message me if wala ka plans tomorrow. Maaga ang meeting ko bukas at 2 hours lang ata so we have plenty of time to go around SG." Sabi ni Dim ng maihatid ako sa room ko.

"I will. Thanks for the dinner Dim."

"No problemo. Good night my dear Shane." Sabay kindat sa akin.

"Baliw. Good night." At sinira ko narin ang pinto.

Nang makahiga na ako sa kama ay tsaka ko lang na-realize na hindi pa pala ako kinokontak ng taong nagpapunta sa akin dito. Nakakasigurado akong alam niyang andito ako pero bakit wala pa? Haist. Ipapahinga ko na nga lang muna itong isip ko.


Ang sarap na sana ng tulog ko pero naputol pa dahil sa walang tigil na pag-ring ng phone ko. Tiningnan ko ang wall clock at 3:00am pa lang. Nang makita ang pangalan sa screen ay napataas kilay ako dahil sobrang aga naman niyang tumawag sa akin.

"Yes Dim?"

"Shane..." Nahihirapan niyang sabihin at naputol ang linya.

Ano yun? OMG! Baka kung ano nang nangyari kay Dim. Agad akong nagpalit ng damit at pumunta sa kwarto niya.

Nang makarating ako sa harap ng room niya ay nakabukas ng bahagya ang pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan at laking gulat ng makitang magulo ang ilang gamit sa suite niya.

"Dim!" Sigaw ko dahil baka andito lang siya kung saan.

"Dim!" Pero walang sumasagot. Lalabas na sana ako para tumawag ng tulong pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Si Dim ay nakatayo sa may pintuan. Nakangiti siya as always. Nakakapagtaka na parang wala lang sa kanya ang nangyari sa suite niya.

"Dim? Anong nangyari? Ok ka lang ba?" Umiling siya. Hindi parin nawawala ang ngiti niya.

"Dim? Anong problema?"

"Shane, I'm s-sorry."

"Huh? Bakit?"

"For this."

Magtatanong pa sana ako pero bigla nalang nagdilim ang lahat.




"Arghhh." Ang sakit ng kamay ko. Wait! Bakit nakatali ang kamay ko? At bakit naka-blind fold ako?

"Sleeping beauty is finally awake." Sabi ng isang lalaki. Bakit parang pamilyar ang boses?

"Sino ka!"

"That's rude Shane. Hindi mo ako kilala?"

"Kung tinatanggal mo itong takip sa mata ko eh di sana malalaman ko na kung sino ka." Hindi ata nagiisip itong tao na ito eh!

"Yan! Yan ang gusto ko sayo Shane. Matapang ka kahit alam mong dehado kana."

"Bakit ganun? Magkapareho sila ng boses?" Tanong ko lang dapat sa sarili ko pero narinig parin niya.

"Sino Shane? Sabihin mo. Sino kaya ako?"

"Wa-wala."

"Say it Shane! Say his name. Sino kaya ang kaboses ko."

"Ano bang paki mo! Kaboses mo lang siya! Malayong malayo kayo dahil hindi siya kasing sama mo!"

Tumawa siya. Isang nakakatakot at nakakakilabot na tawa. Gusto ko na talagang matakot, maiyak...pero pinilit kong paniwalain ang sarili ko na matapang ako.

"I've always love Singapore. This is the best place to be with you. Look... hindi naman kita pinilit na pumunta dito pero andito ka ngayon. Tandaan mong desisyon mo na gamitin ang ticket na pindala ko at pumunta dito."

"Anong sinasabi mo? So anong point mo? Hindi kita maintindihan." Naguguluhan ako sa kanya.

"Maiintindihan mo rin Shane. Ipapaintindi ko sayo, little by little."

Napasinghap ako ng bigla niyang hawakan ang tyan ko."Wag mo akong hawakan!"

"That monster inside you? I'll make sure na mawala yan sayo. Ikaw lang ang kailangan ko at wala ng iba."

"A-anong sinasabi mo! Wag mong galawin ang anak ko! Pumunta ako dito para makilala ka at malaman kung bakit ka galit sa akin. Bakit mo pa idadamay ang anak ko?"

"Hahahaha! Actually, I wasn't expecting you to be stupid Shane. Pumunta ka sa ibang bansa na nag-iisa para makipagkita sa isang tao na pinagtangkaan ang buhay mo at tinatakot ka? At hindi pa alam ng kahit sino na andito ka? Pero salamat sa katangahan mo dahil napapunta kita dito ng walang kahirap-hirap."

Wala akong nasabi sa narinig ko. Tama siya. Ang tanga tanga ko. Ngayon madadamay pa ang anak ko sa ginawa ko. Pero mali siya, mayroon na nakakaalam na andito ako.

"Mali ka!"

"Saan naman?"

"May nakakaalam na andito ako. Sigurado akong tutulungan niya ako."

"Si Dimitry ba ang tinutukoy mo?"

"Bakit mo siya kilala?" Pagtataka ko.

"Dahil andito lang siya the whole time."

Sa isang iglap ay natanggal na ang takip ko sa mata. Nang mag-adjust na ang paningin ko ay nakita ko si Dim na komportableng naka-upo sa harap ko. Walang blindfold, walang tali. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya in which first time kong nakita. Anong nangyayari?

"D-dim? Anong, bakit ka narito? Alam mo ba lahat ito?"

Hindi siya sumagot. Iniwas niya ang tingin niya at nagsalita nanaman ang kausap ko pero hindi ko siya makita.

"Mukhang ayaw kang kausap ni Dimitry or should I say Dim. Siya ba ang tinutukoy mong nakakaalam na andito ka? Mukhang alam nga niya talaga ah, pero bakit kasama namin siya? Tsk tsk. Mukhang wala ng may alam ngayon Shane." Gusto kong i-headbat patalikod itong nagsasalita. Nasa likod ko kasi siya kaya hindi ko parin makita kung sino siya.

Pero hindi parin ako makapaniwala na kasabwat si Dim. Wala naman akong natatandaan na ginawa sa kanyang masama. I've treated him as a friend.

"O? Iiyak kana ba? Akala ko ba matapang ka?"

"Ano pa bang hinihintay mo? Bakit hindi mo pa sabihin ang kailangan mo at dinamay pa ang iba tao dito!"

"Hindi ko basta lang dinamay si Dimitry dito. In fact, siya ang nagkusa.  As you can see Shane, hindi lahat ng tao na akala mong mabait, ay mananatiling mabait."

Magsasalita pa sana ako pero bago ko pa man ginawa yun ay nagsalita si Dim.

"I told you...you shouldn't trust easily."

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now