5: T***a!

2.8K 52 1
                                    

The next day ay balik normal nanaman ang buhay ko. Si Daniel ay pumasok sa company na pagmamay-ari niya samantalang ako naman ay sa coffee shop na pagmamay-ari ng kaibigan ko. Gusto ko mang tumigil sa pagtratrabaho para mabantayan nalang si Thor pero ayaw ko talagang umasa at dumepende sa yaman ni Daniel.



Buti nalang at dito na ako nilipat ni Dustin sa Makati branch. Si Dustin nga pala yung kaibigan ko na may ari ng shop. Mas mapapadali akong makauwi since malapit lang dito ang village nina Daniel. Gusto ko narin dito kasi mas konti lang ang customer unlike doon sa Quezon City na mukha na akong ewan after ng shift dahil sa dami ng mga umoorder.



Kasalukuyan akong nagaayos ng mga pastries ng may bagong customer na dumating. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya dahil medyo blurred yung glass display case. Nung umangat ako para batiin siya ay laking gulat ko sa nakita ko.

"Hi hon." masigla niyang bati sa akin

"What are you doing here?" pabulong ko lang na tanong sa kanya kasi baka marinig ako ng supervisor ko

"I'm a customer... and I'm your husband, that's why I'm here." sabay ngiti ng loko. Baliw talaga!

"Haaaayyy. Pinagtritripan mo ba akong baliw ka?"

"Bakit mo naman naisip yan? Tapos na ako sa work ko kaya I decided to come here. Hindi ka ba masayang makita ako?"

"Lagi na nga kitang makikita sa bahay pati ba naman dito. Tsaka 1:00 pm palang tapos kana agad?"

"Boss ako doon so pagsinabi kong tapos na ang work ko then tapos na talaga. Kung hindi kita makakasama sa office ko then I'll come here at your work."

"Awwww...how sweet! Che! Ano bang order mo?"

"Pwede ikaw nalang?" sabay ngisi niya

"Pervert! Ano bang gusto mo dali na at baka may dumating na customer?"

"Haha! Cute mo talagang magalit hon. Isang mocha frappe and New York cheesecake."

"Sige Sige upo kana. Ako na magbabayad nito."

"How sweet.Hehe! Anong gusto mong kapalit nyan hon?"

"Wala! Libre ko na nga diba. Umupo ka nga dun Daniel."

Tumawa lang ang loko sabay upo malapit sa glass window. Infairness ang pogi ng lolo nyo sa kanyang V neck white shirt na tinernuhan ng acid wash na pants at chucks. Did I forgot to tell na naka-aviator shades pa siya na lalong nagpagwapo sa kanya. Gwapo nga. Hot nga. Mayaman nga. Baliw naman! One hell of a crazy guy!




3 hours na ang nakalipas pero hindi parin umaalis si Daniel. Nung nakita na niya akong nakapagpalit ng damit ay agad siyang tumayo para puntahan ako. Sasabayan na sana niya ako ng biglang dumating si Dustin na agad akong niyakap. Nakita ko ang biglang pagkunot ng noo ni Daniel kaya napaalis ako sa pagkakayakap niya.

"Kamusta na Shane? Okey ka naman ba dito?" tanong ni Dustin sa akin

"Oo naman, mas gusto ko nga dito Dustin eh." tapos biglang umubo si Daniel para mapansin na andyan siya

"Nga pala Dustin, this is Daniel."

"Her husband." dugtong ni baliw sabay hapit sa baywang ko

"Owww! Didn't expect na may husband kana pala Shane."

Just Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon