35: Back

1.7K 28 0
                                    

Gusto ko nang imulat ang mata ko at ipaalam na gising ako pero nahihiya parin ako. Alam kong gising na si Daniel dahil narinig ko siyang may kausap sa phone at mukhang hindi maganda ang gising niya. Oh my goodness! Paano ko ipapaliwanag ang ginawa at sinabi ko kagabi?

Nang magising ako isang oras na ang nakakalipas ay naalala ko nalang ang huling sinabi ko kay Dim. It came out wrong and for sure, like for sure, iba ang iniisip ni Daniel sa mga salitang yun. Gusto ko sana siyang kausapin pero nahihiya ako. Yes, nahihiya ako...kaya ito ako pagod na sa pagpikit.

"Mauuna na ako sa baba. Nasa resto na sila. Sunod ka nalang." at yun ang mga huling salita na narinig ko bago magsara ang pinto. Alam naman pala niya na gising ako pinahirapan pa ako lalo. Hay Daniel.

Matapos kong maligo at mag-ayos ay sumunod narin ako sa resto. Babatiin ko ba siya ng "Good Morning" na para bang normal lang o "Good Morning Hon, You look handsome as always" na parang abnoy naman ako nun o kaya "Good Morning Labidabicutiepie" na mas lalo akong mukhang tanga. Haaayyy bahala na nga!

Papasok na sana ako pero parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil makakasabay ko pang pumasok si Dim. Napakaswerte ko nga naman talaga.

"Good morning Shane. Wala kabang hangover?" at yun pa nga talaga ang tinanong niya.

"Wala naman. Hindi naman ako masyadong lasing noh. Ang lakas ko kaya." natatawa nalang ako sa mga sinasabi ko.

"Haha! Well I beleive you don't worry. Gusto mo bang hatid kita sa table nyo?" alok niya.

"Nako wag na. Salamat nalang Dim. Sige happy eating." at ngumiti ako sa kanya bago umalis.

Nang makarating ako sa table namin ay kumakain na sila. Tiningnan ko si Daniel pero busy siya sa pakikipag-usap kay Papa. Naka-aviator shades pa siya na talaga namang nagpagwapo sa kanya lalo. Haaayyy pagkagwapo talaga ng lalaking to. May pinagmanahan talaga ang anak ko.

"Hija, laway mo tumutulo na.Hehe." nagulat naman ako kay Mom.

"Grabe ka naman Mom. Natulala lang ako sa ganda nung garden na nasa likod nina Papa.Hehe." palusot ko.

"If you say so. Hehe. Let's go shopping later para naman may madala tayo sa Manila."

"Sige po."




Ang usapan namin ni Mom ay after lunch kami magkita sa lobby. Since may oras pa ako ay naisipan kong mag-swimming muna para makapagrelax. Gusto ko sanang isama si Thor pero tulog nanaman siya. Si Daniel naman no where to be seen. Eh di ako na solo flight.

Nasa gilid ako ng pool ng mapansin yung mga babae na may tinitingnan sa likod ko at parang mga teenager kung kiligin. Anong problema ng mga to? At pagtalikod ko.

"Nasan ang kanin?" napailing nalang ako sa sinabi ko.

Hindi lang isang machete ang dumarating kundi dalawa. Anak ng tinapay! Ano ba to papasko sa mga babae? Kailangan pareho silang naka-board shorts lang at exposed na exposed ang firm at well sculpted na abs? Syempre dun ako kay Daniel nakatingin ng matagal. Haha.

"Bakit magkasama kayo?" tanong ko ng tumabi siya sa akin sa pool.

"Nagkasabay lang. Kayo nga magkasama, kami pa kayang parehong lalaki?" at ayun na nga humugot na siya.

"Well about dun Daniel. Gusto ko sanang mag-explain."

"Wag dito Hon. I can't let you explain here and let me get mad at you. Lalo na't ganyan lang ang suot mo. You don't want them to see and know how good I'm right?" Anak ng tokwa! Ngumisi pa ang loko.

"Grabe. Like wala akong masabi. Hindi ko alam kung mag-eexplain pa ba ako sayo."

"You should be, but not here. Lalo na kapag mag-eexplain ka kung gaano ako kagaling sa-" at tinakpan ko na ang bibig niya ng kamay ko. Ano bang nangyayari sa lalaking to? Nababaliw na talaga. Tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.

Kukunin ko na sana ng towel ko pero natigilan ako sa nakita ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit pinayagan pa siyang bumalik sa lupa? At in fairness bagay sa kanya yung design ng 2 piece nya...balat ng ahas.

"Well, Hi there Shane..." matapos ay tumingin naman ng malagkit sa katabi ko."Hi Daniel."

"Well lang ang masasabi namin sayo."

"There's no reason to get mad Shane. My Dad was invited yesterday that's why I'm here. Hindi ko na nga nagawang batiin si Daniel dahil sobrang busy niya sa pagaasikaso sa mga bisita."

"Thanks Nadia." at tiningnan ko ulit ng masama yung katabi ko.

"Welcome as always Daniel. I'll get going na. I'm here for my fiancee." At sinundan ng mata ko ang bawat lakad nya hanggang marating niya ang pwesto ng sinasabi niyang fiancee. Seryoso ba tong nakikita ko? Pinatulan ni Dim ang babaeng yun?

"Hon, masyado na atang mahigpit ang hawak mo sa kamay ko. Mukhang hindi ka masaya sa nakikita mo."

"No Daniel. It's not what you think. I just hate her. Alam kong may binabalak nanaman siya. Nararamdaman kong meron."

"May fiancee na siya Hon. Nung huli kaming nag-usap, she told me that she moved on and just wanted to be friends. Nag-sorry din siya sa ginawa niya. Nahihiya lang siya na kausapin ka dahil alam naman niyang galit ka parin sa kanya."

"And you believe her? At kailan kayo nag-usap? Matapos ng ginawa niya ay ganun-ganun mo nalang siya papatawarin? Wag mo nalang pala ako sagutin, aakyat na ako sa room dahil nawalan na ako ng gana mag-swimming." hindi ko na siya nilingon pa ng tinawag niya ang pangalan ko. Bahala siya! Magsama sila ng babaeng yun.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now