45 : SG

1.4K 23 7
                                    

Singapore.




This is it pansit! Hindi ko ba alam kung tanga ako o sadyang tanga lang dahil talagang pumunta ako dito ng nag-iisa. Well technically, dalawa pala kami ng baby ko, pero andito na ako so wala ng atrasan.


Nawalan na ako ng gana kumain kakaisip sa mga pwedeng mangyari sa akin kaya naman ay agad narin akong dumiretso sa hotel. I was about to close the elevator door ng mayroong biglang sumigaw ng "Wait please!"

"Thank y-"Natigilan siya ng nakita ako. "Shane? Anong ginagawa mo dito?"

Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko naman inaasahan na makita siya dito. "Ah eh....Hi Dim! I'm just visiting a friend. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"You know, business. Wow! Small world. Akalain mong dito pa tayo sa SG nagkita. Nasaan si Daniel?"

"Oo nga eh. Hehe." Napilitan nalang akong tumawa. "Wala si Daniel. Ako lang mag-isa."

"Oooh I see. Well it's nice seeing you here."

"You too, so hanggang kailan ka dito?"

"Depende."

"Bakit depende?"

"Hindi ko kasi alam kung magiging successful ang plano ko."

"Plano?" Hindi agad siya sumagot at tumawa muna. "Plan to win over someone. You know how business is."

"Ikaw na talaga."

"Anong room number mo? Let's have dinner later after mo magpahinga."

"2011. Sige, puntahan mo lang ako. Hindi ko parin kasi alam ang gagawin ko mamaya eh."

"I thought you'll be visiting your friend?"

"Ah eh Oo nga pala. Hindi ko pa kasi siya nakakausap ulit."

"I bet you'll be speaking to her soon." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya.

"Paano mo nasabi?"

"It's because, bakit ka naman papapuntahin dito kung hindi rin naman pala kayo magkikita. Syempre magkakausap din kayo agad. Yun ang ibig kong sabihin. Hehe."

"Ahhh akala ko kasi...ah wala. Sige Dim, see you later ah."

Nang makapasok na ako sa room ko ay agad akong humiga sa kama sa sobrang pagod. Pagod sa byahe. Pagod sa kakaisip.Pagod sa nangyayari sa akin. I hope it ends here.






Isang malakas na kalabog ang pumutol sa pagtulog ko. Kasabay nito ang walang tigil na pag-ring ng phone ko. Nang tingnan ko ito ay si Dim pala ang tumatawag.

"Dim?"

"Shane? Sa wakas sumagot karin. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sayo. Almost 1 hour din akong tumatawag sayo. Nakakaloka!" Natawa naman ako dun sa huli niyang sinabi kasi parang boses ni Kris Aquino.

"Pasensya kana Dim. Naging heavy sleeper na ako simula ng magbuntis ulit ako."

"It's OK, I just got worried. I'm on the way to your room now. I bet you haven't had dinner yet."

"Haha. Tama ka. I'll get ready na."


Pagtapos ko ng tawag ay isa nanamang kalabog ang narinig ko sa pintuan.


"Ang bilis naman ni Dim, kakatapos lang namin mag-usap." Sabi ko sarili habang papalapit sa pintuan.

Pagkabukas ko ng pinto ay wala namang tao o kahit na ano akong nakita. Hmmm...I'm sure mayron akong narinig kanina. Isasarado ko na sana ang pinto pero nakita ko na si Dim sa hallway. Nakangiti siya, as always, habang hawak ang isang bouquet ng roses.

"Bakit nasa labas kana? Can't wait to see me?" Biro niya.

"Loko ka. Akala ko kasi ay mayroong kumatok kanina, yun pala wala."

"I advise na 'wag ka agad agad magbubukas ng pinto mo. Marami nang masamang tao ngayon. Kahit pa sabihin natin na nasa isang secured and 5 star hotel tayo," Seryoso niyang sabi.

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama nga siya. Napaka-dami talagang masasamang tao ngayon, at ako pa mismo ang lumapit sa taong yun.

"Ano ba naman yan! Ang seryoso ng usapan natin. Haha! Para nga pala sayo itong flowers, napulot ko lang sa baba. Sayang naman kung hindi magamit." Tapos ay kinindatan ako.

"Talaga lang ah. Thank you dito. Kunin ko lang ang bag ko para makaalis na tayo."

"Sure my dear." Sabi niya. Hindi ko nalang pinansin dahil alam kong binibiro nanaman niya ako.

Kumain kami ni Dim sa isang Italian resto dahil nag-crave ako sa pasta. Kahit pa nga daw sa Italy kami pumunta ay dadalhin niya ako doon para masiguradong makain ko ang gusto ko. Tinawanan ko nalang siya sa mga kalokohan niya.

"Does your husband know that you're here?" Tanong nya habang naghihintay kami sa order naming.

"Si Daniel?" Ang tanga ng tanong ko.

"Well, may iba ka pa bang asawa? Haha! Joker karin pala Shane."

"Heheh! O-oo naman, alam niya." Napainom tuloy ako ng tubig kahit hindi ako nauuhaw.

"I see." Maikli nyang sagot kaya naman ay agad ko itong dinugtungan.

"If possible, can you not tell him na nagkita tayo dito? Just in case na magkausap kayo or what."

"Can I ask why?"

"Alam mo naman si Daniel diba? Yung ugali niya towards other guy so, kung magkaroon ng chance na magkausap kayo don't tell him."

"Ofcourse. This will be our little secret." Tapos ay tinaas baba pa ang kilay niya kaya naman natawa ako.

"Thank you Dim."

"No problem. Nga pala, nakausap mo naba ang friend mo? Kailan kayo magkikita para mahatid kita kung available ako. At kung hindi pa kayo magkikita, mamasyal na muna tayo."

"I haven't heard anything from him, or her, este her pala. Heheh! Sorry nalilito ako."

"If in case that you don't have any plans tomorrow, then let me know so we can go around SG together. Yun ay kung okey lang sayo syempre."

"It's fine. Hindi ko rin alam bakit wala pa akong naririnig mula sa kanya."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatingin sa labas ng resto. Bakit parang feeling ko mayroong nakatingin sa akin? Mga sasakyan at ilang mga taong dumadaan lang ang nakita ko. Nothing unsual. Pero somethings telling me that somewhere sa labas ay may taong nakatingin sa akin. This is so weird.

"You ok Shane?" Rinig kong tanong ni Dim.

"Ow. Oo, akala ko kasi ay... " Napailing nalang ako. "Wala lang yun. Ok lang ako."

"Ok then." Ngumiti siya to assure na naniniwala siya sa akin pero... there was something different with the way he smile.

"You know Shane, you shouldn't trust easily."

"What do you mean?"

Ngumiti muli siya sa akin. Hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang order nami.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now