24: Anniversary

1.6K 31 0
                                    

"Hija, what time ang out mo ngayon" tanong sa akin ni mom.

"Mga 6 pm po. Bakit po mom?"

"Opening kasi mamaya ng hotel ng isa sa mga close friend namin at gusto ko sana lahat tayo ay pumunta. But I would understand kung hindi ka makakasama dahil pagod kana."

Tumingin ako kay Daniel at nagulat ako dahil nakatingin narin pala siya sa akin. Binalik ko na muna ang tingin ko sa pagkain bago sumagot.

"Off ko naman po bukas kaya okey lang po mom."

"Oh my gosh! I'm so excited na. I heard that the new hotel is so awesome." sabi ni Sabrina.

"Hijo, have you already talked to Nadia about the business plans?"

Biglang nag-init ang tenga ko ng marinig ang pangalan nya. Hindi ako tumingin kay Daniel at hinintay nalang ang sagot nya.

"I...I actually talked to his Dad instead. Yung Dad naman talaga ang investor ng company so dumiretso na ako sa kanya."

"I see...well that's fine, as long na nadiscuss mo na sa kanila."

"Ahmmm...mom, dad, sabrina, alis na po ako." paalam ko sa kanila

"Sige. See you later nalang hija." sabi ni Mom at nginitian naman ako nina Dad at Sabrina.

Tatayo na sana si Daniel pero pinigilan ko siya..."No need Daniel. Papahatid nalang alo kay Manong." sabay halik sa pisngi nya ng mabilis.

Lumapit din ako kay Thor at hinalikan siya bago tuluyang umalis. Dalawang linggo na pero hindi parin kami okey ni Daniel. Akala ko kapag sinabi nya ang totoo ay maayos na ang lahat, pero nagkamali ako. Alam kong may mali. Nararamdaman ko.



Katulad ng nakaraang araw ay lutang nanaman ako dito sa trabaho. Lagi nalang daw akong may sariling mundo sabi ng manager ko pero hindi ko nalang yun pinapansin.

Nang sumapit na ang 6pm ay agad na akong nagpaalam dahil nga sa may dadaluhan pa kaming buong pamilya. Pagkalabas ko ng coffee shop ay hindi ko naman inaasahang makita ang sasakayn ni Daniel. Last week kasi ay nagattempt din siyang sunduin ako pero nilagpasan ko lang ang sasakyan nya at sumakay ng taxi. Hindi ko naman inaasahang uulitin nya ngayon.

Papara na sana ako ng taxi ng biglang bumukas ang likurang bintana ng sasakyan niya.
"Ate Shane, hindi mo ba kami nakita? Hahaha! Bakit papara ka ng taxi?" tanong sa akin ni Sabrina

"Ayy sorry Sab. Heheh.Akala ko kasi hindi kay Daniel." at sumakay narin ako ng sasakyan. At take note, without looking at Daniel.

"Sumama ako kuya sa pagsundo kasi nabobored ako sa bahay. Hehe."

"Lagi ka namang nabobored Sab. Hehe."

Natigilan ako ng biglang may umubo sa drivers seat. Hindi ako tumingin at tumahimik nalang.

"Okey kalang ba kuya?"

"May bumara lang sa lalamunan ko. Sige tuloy nyo lang usapan nyo."

"Ahmmm ate...we have a surprise later. Hala! Ayyy nasabi kong may surprise, so hindi na surprise.Hahah!"

"Sab!" sita ni Daniel sa kapatid at halata sa mukha niyang hindi inaasahan na sasabihin yun ng kapatid. Ano naman kaya yun?

"Sige iisipin ko nalang na wala akong narinig. Hehe! Kunwari masusurprise ako. Hehe!"

"Wala nalang palang surprise.Alam mo na eh." at natawa nalang ako sa kanya.

Nang makapag-ayos na kaming lahat ay sabay-sabay kaming umalis gamit ang isang luxury van. Kaming dalawa lang ni Daniel ang nasa likuran dahil nakay-Mom si Thor.

"Nakakapagod talaga tong araw na ito. Maka-idlip nga muna." sabi ng katabi ko

"Nasa bahay kalang napagod kapa." bulong ko naman.

"Ayy palaka!" nagulat naman ako ng bigla syang humiga sa may hita ko.

"May problema ba hija?"

"Wala po dad. Si Daniel po kiniliti ako." sabay ngiti sa kanila.

"Kabataan talaga. Hahaha!" natatawang sabi ni Dad.

Tinataboy ko ang ulo ni Daniel sa hita ko pero ang tibay talaga niya. Hinayaan ko nalang din siya dahil ako lang ang mapapagod.

Nang makarating kami sa Hotel ay marami naring tao. May mga reporters din pero hanggang sa labas lang sila dahil tanging mga inimbitahan lang makakapasok sa event hall.

Nakapasok na kami sa Hall at nagtama ang mata namin ng impakta. Siya pa talaga ang unang nakikta ko. Nakatitig lang siya sa akin matapos ay...hindi ko alam kung papaano sasabihin pero hindi ko gusto ang ngiti niya. Hindi ko lang gusto dahil parang natakot pa ako.

"Ang ganda naman nitong hotel nina ate Nadia."

"Sa kanya pala ito?" tanong ko kay Sab.

"Technically sa Dad niya pero iconsider narin natin siya as may-ari nito. Hehe."

"I see..." tanging naisagot ko nalang.

Agad narin kaming naupo at nagsimula na ang Ceremony. Medyo mabilis lang din ang event pero nagstay lang ang iba dahil sa after party.

Nang makalabas kami ng event hall ay niyaya ako nina mom sa di naman kalayuan na ballroom. Nagulat pa nga ako ng takpan ni mom ang mata ko na para bang may surprise. Oo nga pala! May surpirse daw sila sa akin pero ano naman yun? Hindi ko naman birthday.

"Don't peek." at marahan nila akong hinila papasok sa loob. Narinig kong nagsarado ang pinto sabay tanggal ng kamay ni mom sa mata ko. Pagmulat ko ay wala akong makita... as in wala dahil sobrang dilim. Maglalakad na sana ako palabas ng biglang may mga kandilang isa-isang umilaw. Nung una ay hindi ko mainitidihan kung para san yun pero napatakip ako ng bibig ng mabasa ko ang nabuo nitong mga salita.





"Happy Anniversary Hon."

Oo nga pala 1 year Anniversary na namin ngayon. Nakalimutan ko na dahil sa sobrang lutang ako. Hindi ko na napigilang maiyak dahil hindi ko inaasahan ito. Lalo pa akong naiyak ng makita ang mga pictures at videos namin nina Daniel at Thor. Papaano niya kaya nalaman na ito ang gusto ko na mangyari sa aking 1 year marriage anniversary. Kahit nung kasal namin alam niya mga gusto ko.

"Ahmmm...mic test." at natawa siya.

"I know that you see me as a jerk, a pain in the ass and a lying bastard right now, but honey...I have never been faithful all my life. Your the only girl I will always love. You and Thor complete me and I will never let anything ruin us because I love you both very much." bumababa siya ng stage at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko na ngayon ay puro luha na.

"Shane, mahal na mahal kita. I'm really sorry and again happy anniversary."

Natouch talaga ako sa ginawa niya kaya hindi ko na napigilan at hinalikan siya. Nabingi naman ako sa sigawan ng pamilya at mga kaibigan namin na hindi akalaing andito rin.

"Sorry to cut off...but Daniel, hindi mo pa napapakita kay Shane ang totoong surprise." tiningnan ko si Daniel at halata na hindi niya alam ang tinutukoy ni Nadia. 

Namatay muli ang ilaw at may video na nagplay sa screen.















Matapos kong mapanuod ang video ay isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya...sa taong minahal ko ng lubusan.










Just Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon