19: Conflict

1.6K 29 2
                                    

"May problema ba tayo Daniel? Bakit nagkakaganyan ka?" medyo napataas na nga ang boses ko.

"Nothing."

"Shit Daniel! Anong nothing?! Bigla ka nalang nagkaganyan? Biglang ka nalang parang wala sa sarili mo, parang wala lagi dito sa amin yang isip mo. Ano ba kasing nangyayari? Please naman sabihin mo sa akin kasi nahihirapan na ako."

"Wala nga diba! Ano pa bang gusto mong malaman?!" And wow! That was actually the first time he shouted at me.




What's going on with him? It's been 2 weeks at parang ibang tao na siya.What did really happen when he left the office? Ano bang napagusapan nila ni Nadia that made him change to an alien? Haaaist!


Sa pagkakaalam ko naman wala kaming pinagawayan o naging problema. Hinayaan ko na nga lang syang makipagkita kay Nadia dahil ang excuse nya meron silang business affair na pupuntahan or whatever. Nung umuwi sya ng kinagabihan bigla nalang syang naging malamig sa akin. Hindi narin sya ganun kasweet at ka-vocal. It's as if may baliw talaga akong kasama. Gusto ko lang gawing joke ang nangyayari pero this is really a freaking serious matter!




"I'm sorry hon. I've got a lot of things going on my mind. Hayaan mo na muna ako. I would tell it to you kapag ready na ako."sabi nya sa akin

"Alright, if that's what you like then I'll let you be. Pero sana naman just still be the Daniel I know, para kasing ang layo-layo mo sa akin ehh, parang kahit ang tabihan ako hindi mo man lang magawa. May nagawa ba ako sayo? Kahit yan lang naman sagutin mo."

"Wala hon. Kahit kalian wala kang nagawang masama. I love you and always remember that. I love you so much that's why I..." naputol ang sasabihan nya ng biglang may kumatok sa pinto ng room namin

"Come in." sabi ko

"Ma'am pasensya na po. Andyan na po sina Ma'am Kesha."

"SIge salamat. Pakisabi nalang pababa na ako."

Lalabas na sana ako ng maalala kong naputol nga pala ang sasabihin ni Daniel sa akin.

"Hon, ano nga ba yung sinasabi mo?"

"Next time nalang hon. Puntahan mo na sina Kesha at magpapahinga na muna ako." hindi na ako sumagot sa kanya at nginitian nalang sya. Lumapit din ako sa kanya at bingyan sya ng isang matamis na halik. Gusto ko lang malaman nya na I'm always here no matter what and I love him.






Almost the whole day kami nag-girl bonding nina Kesha at Lyrin. Mukhang kailangan ko rin ito dahil na-stress talaga ako kakaisip sa baliw kong asawa. Kung anong kinagwapo yun naman kalaki ang topak. Haha! Pero I love him and that will never change.



Nasa loob kami ng forever21 ng makita ko ang bruhilda. Nagmamaganda as ever! Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagshoshoping. May nakita akong magandang bag at nung nahawakan ko na siya saka naman mayroon pang isang kamay na humawak dito.






"Oh it's you Shane. Hindi ko napansin na ikaw pala yan." may something sa way ng pagkakasabi nyang yun and I don't like it.

"Hi Nadia. Hindi rin kita napansin. Hmmm...gusto mo ba nitong bag? Sige sayo nalang."

"No, ikaw naman talaga ang nauna so sayo nalang."

"I think mas mabuti kung hindi ko nalang sya kunin. Mahirap na kasi kapag may pareho tayong gusto."

"You're right. Bakit nga ba kasi nagkakataon na pareho ang gusto natin?" WTH! Gusto mo pala ng gantong usapan ah.

"Kasi parehong ang taste natin? But it just so happen na ako nanaman ang nauna." at hindi ko mapigilang mapangisi

"Yeah, why is it I'm always one foot behind you? But you know what? There are things that some people might get at first but eventually will know the real color of what they got, last. That would be so depressing." I don't know if I'm imagining or what, but I saw her smirk as well. Bwisit lang!

"That's fine. I value whatever it is that I got right now and will always show worth on it."


Natigilan kaming dalawa ng biglang dumating sina Kesha. Hindi na namin natapos ang usapan namin about sa BAG at nagplastikan nalang nung nagpaalam kami sa isa't isa. I really can't stand her! Mayroon talagang something sa kanya na sa una palang ayaw ko na.





Nang makauwi ako sa bahay ay naabutan ko si Daniel na nanunuod ng TV sa kwarto namin. Hindi ko nga alam kung nanunuod ba talaga sya kasi comedy naman yung palabas pero hindi sya tumatawa. Ano ba namang gagawin ko dito sa asawa ko? Haaaayyy. Agad narin akong naglinis at nagpalit para naman malambing ko sya. Baka nga yun lang ang kulang.


"Hey hon. Hindi kaba makatulog?" tanong ko sa kanya

"Can't sleep hon. Naging insomniac na ata ako."

"Do you want me to massage you hon? Para naman marelax ka. Hindi na ako mangungulit sayo just let me do this for you." I asked him sincerely




Bumuntong hininga sya at sa wakas nakita ko nanaman syang ngumiti. Namiss ko talaga ang ngiti nyang yun kaya naman para akong baliw na bigla nalang syang sinunggaban. I pulled him closer to me and gave him a very very passionate kiss. It was supposed to be, but again we went crazy. It was one crazy and wild night.




"I love you hon always remember that." sabi ni Daniel sa akin habang nakahiga ako sa braso nya

"I always know that hon. Gusto kong magtanong pero nangako ako sayo kanina kaya hindi na. I love you so much and whatever it is that's happening, I know may reason bakit ayaw mong sabihin. I trust you Daniel, I really do."






Isang buntong hininga lang ang nakuha kong sagot sa kanya. He was staring blanky in the ceiling. Why does he look so fragile right now? Another question, yet again no answer.



Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now