17: Friend

1.9K 38 1
                                    

From: Boss Toby

SHANE!

My birthday. Sky Lounge. Tonight. See you. :)

P.S Please lang pumunta kana this time. I miss you Shane. Haha!

Hindi ko mapigilang mapangiti ng mabasa ang text sa akin ni Toby, as always bossy parin siya. Dalawang taon narin kasi ang nakalipas nung last ko syang nakita. Madalas nya akong iniimbitahan sa birthday nya pero hindi ako pumupunta dahil baka makita ko si Mason doon. Since okey narin naman kami, I decided to come.


Nahihirapan lang ako bumwelo kay Daniel dahil feeling ko hindi nya ako papayagan na pumunta, Medyo seloso din kasi tong lalaki nato eh. Konting me dumikit lang sa akin o makipag-usap sa labas nagsasalubong na ang kilay. Kaya ba mahal na mahal ko siya ehh. Hehe.


"Ahmm h-hon..." baka mahirapan ako nito ah

"Yes hon?" sagot nya sa akin habang busy siya sa pagaayos ng paperworks nya sa bag

"Birthday kasi ng isa sa mga friends ko, pwede ba akong pumunta sa party nya mamayang gabi?"

"Is it a guy or a girl friend?"

"Actually he's a guy. Yung party rin kasi gaganapin sa Sky Lounge."

"Hmmmm...ok." seriously? pumayag siya agad-agad?

"Ok? As in OK pinapayagan mo ako?"

"Oo OK."

"Wow! This is a first Daniel." matawa-tawa ko pang sabi

"But ofcourse I'll come with you. I don't want you hanging around with other guys." seryoso nyang sabi sa akin. Haayyyy...may magagawa pa ba ako?

"Hahaha! Baliw na baliw ka talaga sa akin hon noh?" tumigil sya sa ginagawa nya at lumapit sa akin.

"Hindi lang ako baliw na baliw sayo hon. I think I'm getting insane." he cupped my face then kissed me on my lips.

I thought that the kiss would just be like a minute or 2 kiss pero nagkamali ako. Kahit papasok na sana siya sa opisina ay hindi nya napigilang angkinin ako. Humihiling pa nga siya ulit ng isa pa pero pinagtabuyan ko na. Sa pagkakaalam ko kasi ay meron siyang importanteng meeting ngayon.




It's almost 8:00 pm na pero hindi parin ako tapos sa pag-aayos sa sarili ko. Nakailang palit kasi ako ng damit dahil hindi ko talaga alam kung anong susuotin. After 1578458 years ay napagdesisyunan kong isang Sleeveless White Lace Dress na above the knee ang suotin ko then tinernuhan ko ng red kong vans. Love na love ko talaga ang rubber shoes.Hehe!



"Hey hon. Dyan ba ang party sa banyo?" tanong sa akin ni Daniel na alam kong inip na inip na

"Pasensya naman hindi ko kasi alam ang susuotin. Palabas na ako." then tinapos ko lang paglalagay ng blush on sa cheeks ko


Nang matapos ako ay wala na si Daniel sa kwarto, nainip na talaga siguro kaya lumabas na. Dumiretso na ako sa garahe at naabutan ko siyang kakapasok lang sa kotse nya.


"Mas excited ka pa ba sa akin hon? Nauna kana dito sa kotse." tanong ko sakanya ng makapasok ako sa loob. Hindi ko pa sya tinatapunan ng tingin kasi inuna ko ang paglalagay nung seatbelt ko.

Just Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon