2: Mr. Crazy guy

4.1K 74 0
                                    

"Sino kayo? Anong ginagawa nyo dito sa bahay ko? Wag nyo ngang hawakan ang anak ko." sabay tulak ko sa babaeng nakahawak kay Thor.

"Shane pinapunta sila ni Daniel dito. Hindi ko pala nasabi kagabi na ngayon ang kasal nyo anak. Andito sila para ayusan at bihisan tayo."

"Whaaaat?!" parang gusto kong magbasag ng gamit pero naisip ko sayang kaya nagtimpi nalang ako.

Damn that Daniel! Dinaan niya sa biglaan ang lahat. Gusto ko na talagang tumakas pero dinala ni Papa si Thor sa kabilang kwarto. Mautak talaga! Alangan namang iwan ko ang anak ko.

Hinayaan ko nalang ang mga pesteng tao na to na gawin ang gusto nila.Make-up dito. Blower doon. Curl dito. Bihis naman tapos sukat ng sapatos. Exhausting.

"Madam...ang ganda ganda nyo po lalo." tapos hinarap nila sa akin ang isang full length mirror.

"Wow!" ang ganda ganda ko nga talaga. Ang ganda din ng wedding gown na suot ko ngayon na halatang pinagawa talaga dahil sa unique na design nito.

Nang tumingin ako sa pintuan nakita ko si Papa na umiiyak. Ngayon ko lang siya ulit nakitang umiyak. Nung unang beses ay yung nabalitaan niyang buntis ako at iniwan ng ama ng anak ko.

"Don't cry Papa. I'm not gonna die yet." biro ko sa kanya

"Alam kong galit na galit ka sa akin ngayon anak. Kasalan ko talaga ito kung bakit nangyayari ito. Alam kong ayaw na ayaw mong pinipilit sa ayaw mo. Alam kong mas lalong ayaw mong makasal sa taong di mo naman kilala at mahal. Sorry anak."

Naawa naman ako sa kanya kaya kahit kabaligtaran ng gusto ko mang sabihin ay sinabi ko nalang...

"Okey na Papa...naisip ko ring okey naman talaga ang ginawa nung lalaki na yun. Ayaw kong lumaking wala si Thor. Hindi mapapakain ng pride ang anak ko o ang sarili ko."

" Kinausap naman niya ako na wala siyang gagawin na masama sa inyo anak. Aalagaan nya kayong mag-ina."

"Haaaayyy.Bahala na Papa. Alam mo namang hindi ako nagpapa-api diba? Tara na."

" Again...sorry Shane." hindi na ako sumagot at niyakap nalang si Papa.

Ang gwapo ni Thor sa suot niyang suit and tie. Siya daw kasi ang ring bearer. Magiging okey sana lalo kung andun si Kesha at Lyrin pero I doubt it.

Talagang pinaghandaan ng baliw ang kasal nato. Isang Hammer lang naman ang nagdala sa aming lahat sa venue ng kasal.

Nanlaki bigla ang mata ko ng makita na isang garden wedding pala ang prinepare niya. Sa pinakamagandang lugar pa dito sa Tagaytay ang nakuha niya. Ang magical ng lahat. Ang ganda ng ayos ng mga lanterns sa paligid , ang mga bulaklak lahat paborito ko, kulay blue pa ang motif in which paborito kong kulay. Naiiyak ako kasi ito ang pangarap kong wedding pero hindi siya ang groom sa pangrap ko.

"Anak...tara na. Nagsisimula na silang maglakad." tumango lang ako kay Papa bilang sagot.

Nagulat nalang ako ng makita sina Kesha at Lyrin na naglalakad na papuntang unahan. Kailangan ko talaga silang makausap.

Nang malapit na akong maglakad biglang nagiba ang naunang kanta na Thousand Years at naging violin version ng Tadhana ng UpDharmaDown. Wow! Is he a freaking mind reader! How can he possibly know na ito ang gusto kong kanta sa kasal ko.

Habang naglalakad kami ni Papa hindi ko na napigilan ang maiyak. Naiiyak ako kasi I'll now be marrying a guy who I just knew 2 days ago. Hindi pa nga ata umaabot sa 1,000 words ang conversation namin and now I'm about to exchange vows with him...with A Crazy good looking  guy.

Nang ibinigay ni Papa ang kamay ko sa kanya.Hindi ko inaasahan ang sinabi niya kay Papa...

"I'll take care of them just like what I promised."  tinapik lang siya ni Papa sa balikat at ngumiti.

Buong ceremony lutang lang talaga ako. Nagtawanan pa nga ang mga bisita nung sasabihin ko na dapat yung vow ko. Ang sabi ko kasi pass na muna ako since  hindi ko alam na ikakasal ako. Akala nila joke yun? Nagimbento nalang ako ng kung ano matapos lang.

And then sa part na "You May Kiss The Bride..."

Hinarap ko sa kanya ang cheeks ko para yun ang halikan niya pero he's really Crazy dahil matapos niyang halikan ang pisngi ko na akala ko tapos na tsaka naman niya biglang hinalikan ang labi ko.

"Lagot ka talaga sa aking Baliw ka!" bulong ko matapos niyang gawin yun

"I'll wait for you revenge Hon." sabay ngiti niya

Nang nasa reception na kami....nangawit na ang labi ko kakangiti dahil sa dami ng bisita nitong si Daniel. Nang makita ko ang table nina Kesha ay agad akong pumunta sa kanila pero bumulong muna si Daniel sa akin bago ako umalis..." You can't tell..." Inalis ko nalang agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya sumagot pa.

"Kesha, Lyrin. I miss you na."

"Miss agad teh? Kasama ka lang namin nung isang araw. Grabe hindi namin inaasahan na may boyfriend ka palang super gwapo at yaman at talagang hindi mo pinaalam sa amin na ikakasal ka ah. Bakit ganyan ka friend?" sabi sa akin ni Lyrin

"Pasensya na talaga. Gusto ko lang din masupresa kayo."

"Nasupresa talaga kami. Alam mo bang siya mismo ang pumunta sa bahay para ibigay ang invitation at magkwento ng love story nyo. Ang sweet sweet pala niya friend. Buti nalang talaga hindi na bumalik yung hinayupak na ama ni Thor kasi si Daniel talaga ang para sayo."

"Para sa akin? Nagbibiro ba kayo?"hindi ko namalayan na natanong ko

"Hindi kaba masaya sa kasal nyo Shane? " tanong sa akin ni Kesha

"Huh? Masaya ako. Masayang masaya."

"Sana nga maging mas masaya ka pa Shane. We wish you and Daniel the best. Kapag nakapabalik kayo sa Honeymoon nyo magkita tayo agad para naman makwento mo ang lahat lahat about sa inyo ah."

"Oo naman Kesha. Honeymoon?! Shit nakalimutan ko yun ah."

"Wag ka magalala, dahil alam namin na hindi ikaw yung tipong prepared sa ganyan kami na ang naghanda para sa iyo. Si Daniel na magbibigay sayo nun.Hahaha!"

"Hindi ko gusto tawa nyong dalawa."

Natigilan kami ng biglang lumapit si Daniel sa amin at hinawakan ako sa bewang.

"Excuse me girls. I'll just take my wife to greet my parents and sister." sabay kindat sa mga kaibigan ko

"Sure sure.Later nalang Mr. and Mrs.Sy. Hehe!" sabi ni Lyrin

Habang naglalakad na kami papunta sa table ng parents at kapatid niya hindi ko mapigilan ang hindi kabahan.

"There nice. Hindi ka pa nila nakilala, gusto kana nila."

"Huh?" paano nangyari yun

Nang nasa table na kami tumayo silang lahat para mabeso ako.

"Pasenaya kana hija kung ngayon kalang namin formally nakilala. Ito kasing si Daniel akalain mo nailihim lahat." mukhang namang mabait ang mama niya

"Oo nga...kung tutuusin busy din kami kaya siguro hindi na nakwento nitong si Daniel. Buti nalang at nakakuha kami ng maagang flight kahapon para maabutan ang kasal nyo." sabi naman ng Papa niya na kasing gwapo din niya

"Ate Shane, ang pretty pretty mo. I think that's the reason why kuya dont wanna share you."

"Sabrina." bababala ng kuya niya

"Hehehe! Just kidding kuya. I didnt actually believe you kuya when you said na kapag kinasal ka ay sa mismong kasal na namin makikilala ang girl. Your really something kuya."

"Kapag sinabi ko that's final."

"Our family and Shane do have all the time in the world para magkakilala since magasawa na kayo, diba Shane?"

"Opo tita?"

"Hahaha! Call me Mom."

"Hehe! Pasensya na po, Yes Mom."

And my tears fell down the moment I said the word MOM.


Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now