7: Close

2.3K 45 0
                                    

Off ko ngayon at parang gusto ko lang magkulong sa kwarto ni Thor. Hindi ko parin makalimutan ang ginawa ng baliw na yun kagabi. Matapos niyang mag-sweet dreams ay ngumiti lang siya sa akin sabay balik sa kwarto niya. My gosh! What gotten to him?


Since hiyang-hiya parin ako sa nangyari, yung yaya nalang ni Thor ang inutusan kong kumuha ng breakfast ko. Hindi ko ata kayang makasabay siya sa pagkain. Nagaayos ako ng gamit ni Thor ng marinig kong magbukas ang pinto.



"Paki-iwan mo nalang dyan sa side table Mira." utos ko pero hindi ko parin siya nililingon

Hindi ko siya narinig na sumagot pero narinig ko ang yapak niyang papalapit sa akin. Hindi ko nalang pinansin yun at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko.

"Good morning, hon." sabay halik sa pisngi ko

"Anak ng!" napatalon pa ako sa gulat dahil hindi ko inaasahan na andyan siya at hindi ko inaasahan ang ginawa niya

"Magugulatin ka na ngayon ah? Anong meron? Hehe!" tanong niya pero alam kong pinagtritripan niya lang ako

"Ewan ko sayo! Will you stop k-kissing me! A-ano bang ginagawa mo dito?!" pati sasabihin ko hindi ko masabi agad

"Sabi ni Mira dito ka nalang daw kakain, anong problema? Iniiwasan mo ba ako?" sabay ngisi niya. Shocks ! His really a crazy guy

"Bakit naman kita iiwasan? May rason ba? Tinatamad akong bumaba kaya sabi ko pakidala nalang dito yung breakfast ko."

"May rason nga ba, hon? Hehe! Dun kana sa baba kumain at andun na si Thor."

"Dito nalang Daniel."

"No, your eating with us." sabay hila ng kamay ko



Not again. Bakit kapag nagkakadikit kaming dalawa bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko? Hindi ko nga rin alam bakit bigla nalang ako naiilang sa kanya kapag tumitingin siya sakin.



"Wag mo na masyadong isipin yung kagabi, hon. Masaya lang akong nagselos ka ulit. Haha."

"Excuse me? Kanino naman ako nagselos ha?"

"Hahaha! Alam mo nakikilala na talaga kita. Alam ko na ngayon kapag nagseselos ka."

"Kanino ako nagseselos? Dun sa Nadia na yun? Excuse me, mas maganda ako dun." sabay irap sa kanya

"Hehehe! I know hon, kaya wala ka dapat ika-selos sa kanya. Ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko."

"Tsssss! Whatever! Kala mo naman totoo. If I know masaya ka kahapon kapag hinahawakan niya ang balikat mo."

"Hahahahahaha!" natawa lang talaga siya

"Baliw kana talaga! Tapos na ako kumain. Doon lang kami sa swimming pool ni Thor. Mag-swiswimming nalang ako para mawala init ng ulo ko sayo."

"Hahaha! Sige sunod ako hon." at pinakita nanaman niya ang pinakasweet niyang smile. Nakakainis!


Ang init-init na nga ng panahon pinapainit pa ni Daniel ang ulo ko. Haaaaaayyy. Pina-una ko na muna si Mira at Thor na lumusong sa swimming pool pero syempre dun lang sila sa mababaw. Nagpapahid pa ako ng sunblock lotion ng biglang may yumakap sa akin sabay buhat sa akin papuntang pool.





Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now