8: Bakit?

2K 42 0
                                    

"Hon..."

"Hmmm..."

"Hon...gising na..."

"Ayaw ko pa inaantok pa ako."

Wait! Bakit ang lapit ng boses niya? At bakit parang ang tigas ng unan na yakap ko ngayon? Minulat ko ang mata ko...

"Waaaahhhh!" sigaw ko ng makita kong yakap yakap ko pala siya.

"Haha! Magugulatin kana talaga hon. Sarap ba akong kayakap kaya ayaw mo pang gumising?" sabay ngisi niya

"Che!" tumayo na agad ako at pumuntang banyo. Shit! Ang baho pa ata ng hininga ko nung nagsalita ako. Nakakahiya! Waaaahh!

"Hon, malapit ng mag-6am baka malate ka." sigaw niya mula sa labas.

"Shit! Nakalimutan kong maaga ako ngayon. Liligo na!"

Hindi talaga ako sanay na maligo na hindi pa handa ang susuotin ko pero no choice dahil malalate na ako. Mamaya ko nalang  proproblemahin yun. After 15 minutes ay agad narin akong lumabas at tanging tuwalya lang ang suot. Hinanap muna ng mata ko si baliw at baka silipan pa ako pero wala na siya sa kwarto. Pagtingin ko sa kama ay laking gulat ko na nakahanda na pala ang susuotin kong damit at un...underwear?! May iniwan pa siyang note sa tabi nun.

I like this on you. Red fits you. Hahahahaha!Love you hon.

"Maniac talaga!" sigaw ko pero natuwa ako sa ginawa niyang paghahanda ng damit ko.

Nang matapos ako ay agad narin akong bumaba para makaalis na. Sa coffee shop nalang ako magaalmusal. Nang nasa may garahe na ako biglang bumukas ang makina ng kotse ni Daniel.

"Sakay na hon. Hahatid na kita."

"Wala ka namang pasok ngayon ah? Wag na Daniel."

"I insist hon. Magpapahinga nalang ulit ako matapos kitang ihatid."

"Sige na nga."

Hindi ko alam kung me topak ba itong lalaki tong ngayon, kasi ba naman ngiting ngiti habang nagmamaneho.

"Anong nakakatawa baliw?" tanong ko sa kanya

"I'm smiling hon..May naalala lang ako.Hehe!"

"Ano naman yun?"

"Mamaya ko nalang sasabihin paguwi mo kasi baka masira araw mo. Hehe!"

"Ano?! Tungkol sa akin yan? Ano nga yun!"

"Ayyy...andito na tayo hon. Later, Ok?" at ngumiti nanaman ang loko

"Haaayyy nako! Sige na nga. Salamat sa paghatid." pababa na sana ako ng nagsalita siya ulit.

"San na ang goodbye kiss ko hon?"

"Excuse me bat ko naman gagawin yun?"

"Hmmmm...coz I'm your husband?" sinabi nya yun in a way na kinoconvince nya ako.

"Late na ako. Bye na." sabay sarado ko ng pinto. Bahala na nga siya.


Hindi ko namalayan na 2:00 pm na pala at tapos na ang shift ko. Mukhang maganda ang gantong oras ah kaso nga lang pahirapan sa pag-gising. As expected nasa labas na ang kotse ni Daniel.

"Sipag mo talaga maghatid sundo noh?" sabi ko agad pagkapasok sa kotse

Nagulat nalang ako ng bigla siyang humalik sa pisngi ko...then tumingin sa backseat.

"Hi Sabrina. Sorry hindi ko alam na kasama ka."

"Ok lang ate. Sabi ko din kay kuya gusto kitang isurprise.Hehe! Let's go to the hotel na kuya."

Just Married A Strangerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن