28: Welcome Kiss

1.8K 32 0
                                    

"Welcome back ate!" salubong sa akin ni Sabrina.

Ngumiti lang ako sa kanya dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Kinuha naman agad ng mga katulong ang gamit namin ni Thor at inakyat sa taas.

"Hija, I'm so happy to see you again. Especially my grandson." napansin niya atang hindi ako naging komportable sa sinabi niya kaya iniba nalang niya ang usapan.

Niyaya nila akong sabayan sila kumain pero tinanggihan ko ito dahil inaantok na si Thor. Nang makapasok ako sa kwarto ni Thor ay mas dumami ang mga laruan dito. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang pagbabalik namin ah. Makalipas ang isang oras ay nakatulog din siya kaya pumunta naman ako sa kwarto na...namin. Haaayyy, bakit ba ang malas ko sa buhay.





Kung dumami ang laruan sa kwarto ni Thor, dumami naman ang mga picture frame dito. Para akong nasa hall of mirrors dahil puro mukha ko ang nakikita ko. Hindi ko nalang yun pinansin at inayos na ang mga gamit ko sa closet. Nang matapos ko yun ay naisipan kong magbabad sa bubble bath para narin marelax ang sarili ko at makalimutan muna ang hinayupak na si Daniel. I so hate him right now.





Nakapikit ako habang nararamdaman ang mumunting bula na pumupunta sa mukha ko. Hahawiin ko sana ito pero hindi ko inaasahan na isang pisngi ang mahahawakan ko. Agad akong napamulat at isang nakakalokong ngisi ang bumungad sa akin.

"Hello Hon. Welcome back." he said in a very husky voice. Tiningnan ko muna ang sarili ko at thank you sa mga bubbles at natatakpan ang buong katawan ko.

"Don't you know how to knock? And could you please go out." naiinis kong sabi sa kanya

"I was knocking just so you know. Binigay ko lang ang welcome kiss ko." he said in a cool way

"Don't need that so please get out!" kung pwede lang tumayo para paalisin siya pero hindi ko naman magagawa. Tsk! Hate you Daniel.

Pumikit na ako dahil nakita ko naman siyang parang paalis na pero lumipas na ang ilang segundo ay wala parin akong naririnig na pagsara ng pinto. Minulat ko ulit ang mata ko at hindi inaasahan na makita ang mukha niyang sobrang lapit sa mukha ko. Halos magkadikit narin ang mga tungki ng ilong namin sa lapit niya.

"God! I missed you hon...I'm sorry for this." magtatanong pa sana ako pero agad niyang hinawakan ang mukha ko at sinumulan akong halikan.

Hindi ako tumugon sa halik na binigay niya at patuloy lang sa pagpalo sa kanya. Nanlaki naman ang mata ko ng pumasok narin siya sa loob ng bath tub at ginamit ang katawan niyang pangharang sa kamay ko para hindi ko siya mapalo. Tinuloy niya muli ang paghalik sa akin pero katulad kanina ay hindi ko to sinabayan.

Oh shit! Bakit ba niya ako ganito halikan? He was kissing me like my lips was the most fragile thing in the world. It was slow but my heart was beating fast. It was sweet which makes my stomach feel sour. It was so freaking hot that makes my cold heart melt. Oh shit Daniel! Itigil mo na bago pa magbago ang isip ko.

I was on the verge of responding when he stopped and kissed the tip of my nose.

"You despise me, I know that. But hating me won't stop me on doing this to you. That kiss that I gave you, it's just for a day of missing you. " He paused, then..."And you don't have an idea what I'll do just to fill up the 4 months of missing you." at umalis na siya leaving me speechless.





I'm heck scared of what that 4 months would feel like.





We were eating dinner and it was the usual one's we used to have before. Masayang nagkwekwento si Sabrina about sa nangyari sa kanya sa school. Si mom and dad naman ay natatawa lang sa mga sinasabi ni Sab. Sa kaliwa ko naman ay si Daniel na tahimik lang na kumakain at hindi ko talaga gusto ang presensya niya.

"Hija, may gusto kabang paluto bukas? I bet you've missed my cooking." sabi sa akin ni Mom

"Ah...wala naman po mo-m. Lahat naman po ng luto nyo masarap." alam kong nararamdaman parin nila na hindi ako komportable at nagpapasalamat ako dahil mukhang naiintindihan nila.

"I'll cook your favourite then. Sasarapan ko ang paella and I'll bake the best carrot cake tomorrow."

"Thank you po." maikli kong sagot.

Nang matapos kaming kumain ay tumambay muna ako sa tabi ng swimming pool para magbasa ng libro. Sina Mom, Dad at Sab naman ay pumunta na sa kwarto nila. I was busy reading a book ng marinig ko na parang may lumalangoy sa pool.

Binaba ko ang libro below my eye level at nagtama agad ang mga mata namin. He was shirtless, ofcourse and this is not good. Pinasadahan ko ng tingin ang upper body niya at mukhang naging mas masculine pa ang katawan niya. Mas naging toned pa ang abs niya at parang ang sarap hawakan. Napailing nalang ako sa inisip ko. I think I need to stop reading this type of books. Agad akong tumayo at akmang aalis na ng tawagin nya ako.

"Hon, can you please bring me a towel."

"Wala kang paa?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

He smirked, "Meron naman, pero nung nakita kita diyan bigla nalang naghina ang paa ko. I think I got frozen on my spot."

I just rolled my eyes on him at kumuha ng towel para sa kanya. Nagswimming pa siya kaya iniwan ko nalang yun sa mesa. Bahala siya.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now