44: Let's play

1.3K 23 5
                                    

Sino ka ba talaga?

Ano bang makukuha mo sa panggugulo sa akin?

Bakit ako pa?

Ito ang palaging tanong ko sa sarili ko. Kung babalikan ko ang mga pangyayari sa buhay ko ay wala naman akong naaalala na nakaaway ko, maliban nalang talaga kay Nadia. Siya lang naman ang babaeng kinakainisan ko sa buhay ko at marahil ganun rin ang nararamadaman niya sa akin. Pero kung hindi siya ang gumagawa ng lahat ng ito then sino?

Gusto ko man sabihin kay Daniel ang nangyayari per o alam kong magiging mahigpit siya sa akin at baka mahirapan akong malaman kung sino ang gumagawa ng lahat ng ito. Alam ko din naman na mali na hindi sabihin sa kanya dahil baka mas lalong mapahamak ang buhay namin pero ano bang dapat kong gawin? Ano kaba Shane! Hindi ka si Detective Conan.




"Masakit ba ang ulo mo hon?" Tanong ni Daniel. Napansin niya siguro na kanina ko pa hinihilot ang sintido ko.

"Ayos lang ako, nagugutom na kasi ako. Pwede mo ba akong ipaghanda ng sandwich at milk."

"Sure. Hindi mo naman sinabi sa akin kaagad. Give me 10 minutes and I'll be back."

Nang makaalis na si Daniel ay agad kong tinawagan ang numero na huling nagpadala ng mensahe sa akin. Sa totoo lang ay pang-sampung beses ko na itong tinatawagan pero parati akong sa voicemail napupunta. Still, I'm taking chances na sana ay sagutin ng kung sino mang nilalang itong phone niya dahil doon lang ako makakakuha ng clue.

Ring

Ring

Ring

Ring

Ring

(Answered) Pero walang nagsalita.

Hello? Sino ka ba?

(Hahahahah!) Isang nakakalokong tawa ang narinig ko sa kabilang linya. Hindi ko malaman kung boses babae o lalaki ang tumatawa.

Sino ka ba ha! Anong ginawa ko sayo! Bakit mo kami ginugulo?

(Let's play a game) Sigurado akong hindi siya ang nagsalita. Pareho kasi nung boses yung sa SAW MOVIE.Marahil ay nilapit niya ang phone niya sa speaker ng kung ano at pinarinig sa akin ang sound clip.Sa totoo lang talaga ang creepy na pero hindi ko ipapahalatang natatakot ako.

"Please tumigil ka na. Ano bang ginawa ko sayo? Anp bang kailangan mo sa akin?"

(I love seeing you in pain. I like to make you suffer for my own pleasure. I love hearing you scream bitch! I love seeing you in pain. I like to make you suffer for my own pleasure. I love hearing you scream bitch! I love seeing you in pain) Paulit-ulit lang niyang sinabi ang mga katagang iyon. Hindi ko parin malaman kung babae o lalaki siya dahil parang mayroon siyang gamit na machine para mag-iba ang boses niya.

Please tumigil kana. Tigilan mo na ako. Tigilan mo na kami.

(I love seeing you in pain. I like to make you suffer for my own pleasure. I love hearing you scream bitch! I love seeing you in pain. I like to make you suffer for my own pleasure. I love hearing you scream bitch! I love seeing you in pain. Hahahaha!)

Please itigil-

"Hon? You ok?" Rinig kong sabi ni Daniel mula sa labas ng pinto ng banyo.

(Hon? Disgusting. Hahahaha.) Medyo kinikilabutan na ako sa paraan niya ng pagtawa. Talagang natatakot na ako pero kailangan kong makakuha ng kahit na anong clue sa kanya.

Tinakpan ko muna ang phone ko bago sumagot kay Daniel. "I'll be out in a minute. Lagay mo lang dyan sa table."

"Andito sa side table hon. If you need anything, nasa study room lang ako."

"Sige."

Nang marinig kong isara na ni Daniel ang pinto ng kwarto ay binalik ko na sa tenga ko ang phone. Tanging paghinga lang niya ang naririnig ko. Walang machine. Walang kahit ano. Alam kong siya na talaga ang nasa linya.

Alam kong ikaw na yan. Anong ba talagang kailangan mo sa akin? Anong kailangan kong gawin para tumigil kana?

(Let's play a game) Yun na naman. Yung sound clip sa SAW MOVIE.

Ok. What kind of game?

Silence. Mukhang hindi niya inaasahan ang sagot ko sa kanya.

Hello? Andyan ka pa ba?

(Let's play a game)

Ang kulit mo! Naririndi na ako ha! Ano nga! Ano ngang gusto mo!

Tooot (End of Call)


Shit! Muli ko siyang tinawagan pero naka-off na ang phone niya. Shit! Ilang sandali lang ay tumunog ang phone ko at isang email ang natanggap ko. Galing ito sa isang unknown email address at ang laman ay...

"Booked tickets to Singapore."

The booked date is 3 days from now. Para saan ito? Tumunog ulit ang phone ko at isang mensahe naman ang natanggap ko.

FROM: 0997*******

And the game starts in the Lion City.




Seryoso ba itong nilalang na ito! Papupuntahin niya ako sa Singapore para patayin o saktan? Pero laban ko ito, kaya naman gagawin ko ang gusto niya para matapos na ang kahibangan niya. Hay nako ka Shane! Gagayahin mo pa yung mga bidang artista sa pang-hapon na drama. Ito yung mga eksena kung saan sila napapahamak eh.



"Hon? You've been there for almost an hour now. I think your hiding something from me." Oo nga pala andito parin ako sa banyo. Agad kong tinago ang phone ko sa back pocket at lumabas na ng banyo.

"Sorry. Medyo sumama talaga ang tyan ko, pero yung normal na sakit na tyan lang yunkaya wag ka nang ano dyan." Ngumiti pa ako para ma-convince ko siya na walang problema.

"You've been weird these past few days. You sure you're not hiding anything from me?" Seryoso niyang tanong sa akin. Ito na yun Shane, sabihin mo na sa kanya.

"Wala hon. Ano naman ang itatago ko sayo? Oo nga pala, pwede ba munang mag-out of town kaming mga girls. Alam mo yun, bonding since matagal narin nung huli ko silang nakita."

"Let me think about it."

"Hon naman eh. There's nothing to think about it. Promise, I will take care of myself." Napabuntong hininga siya pero niyakap din naman ako.

"Fine. Alam mo naman na mahal kita and I will give you anything you want." Niyakap ko rin siya pabalik at nagpasalamat.




I'm really sorry Daniel. I'm sorry for doing this alone. I love you too, but this is my fight, and I need to do this on my own.

Let the games begin b****!

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now