10: Naguguluhan, Nararamdaman, Nalaman

1.9K 37 0
                                    

Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero isang linggo ko ng iniiwasan si Daniel. Kapag nakikita ko kasi siya parang may kakaiba akong nararamdaman. Talagang kinakabahan ako sa hindi malamang kadahilanan.


Sinama ni Sabrina si Thor sa mall kaya mag-isa lang ako dito sa mansion. Friday ngayon pero hindi ako pumasok dahil sa sakit ng tyan ko kaninang umaga.Hindi kasi ako kumain kagabi para makaiwas kay Daniel. Ano ba naman tong nangyayari sa akin? Mukha namang nahahalata niyang ayaw ko siyang kausapin kasi after ng isang araw niyang pangungulit kung anong problema ko ay tumigil narin siya. Haaaayyyy.






Nagpadala ako sa maid ng makakain dahil hindi ko na talaga kinaya ang bumababa.Nakatakip ako ng kumot ng marinig kong magbukas ang pinto.


"Ahmmm...palagay nalang dyan sa table malapit sa TV. Salamat ah..."


Sa katabing table ko narinig ang pagbaba ng tray kaya agad kong tinanggal ang kumot ko.


 "Hon..." sa isang salita palang nya na yun kakaiba na agad ang pakiramdam ko. Shit! Kailangan kong makalayo dito.

"Shane...ano bang problema? Hindi ka na kumakain para maiwasan lang ako." seryoso niyang sabi

"Hindi kita iniiwasan."

"So anong ginagawa mo? Anong ginagawa mo nitong buong linggo?"

"Wala...wala kang ginagawa. Magpapahinga na ako."

"Tingnan mo yang ginagawa mo.Nagpadala ka ng pagkain tapos ngayon na ako ang nagdala magpapahinga ka lang.May nagawa ba akong kinagalit mo?"

"Wala nga! Ang kulit mo Daniel. Bakit ka ba andito? Diba may trabaho ka pa?"

"Bahala kana nga kung ayaw mong sabihin. Hindi na ako papasok. Magstay na ako dito." first time ko syang nakita na nagalit din

At nagpatuloy pa siya..." Wag ka mag-alala kasi sa office ako magstay." sabay labas niya ng kwarto


Ano ba yan?! Bakit naman ako pa ang nakokonsensya sa ginawa ko? Ako naman kasi ang may problema hindi siya eh. Paano ko naman ieexplain yun?


Nakauwi na at lahat sina Sabrina pero hindi parin lumalabas si Daniel sa office niya. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang gumugulo sa isip ko para hindi na kami magkaganito? Hindi ko naman ata kaya...haaaayyyy!





Oras na ng usual na tulog ni Daniel pero hindi parin siya bumabalik sa kwarto kaya naisipan kong puntahan na siya sa office. Hahawakan ko palang ang doorknob ng biglang nagbukas ito.


"Ayy palaka!" napahawak pa ako sa dibdbib ko sa gulat

"Bakit gising ka pa? At anong ginagawa mo dito?"

"Ahhh...hindi ka pa kasi lumalabas dyan simula kanina kaya naisipan na kitang puntahan."

"Wag ka mag-alala buhay pa ako. Dito nalang ako matutulog. Matulog kana." shit! Bakit parang ang sakit?

"Saan ka pupunta?" nilakasan ko parin ang loob ko para makapagtanong

"Kakain ako sa baba."

"Paghanda na kita."

"No need Shane. I can handle it. Matulog kana."

"Pero..."

"Una na ako sa baba." tapos naglakad na siya papuntang hagdanan

Nakakainis siya! Siya pa ngayon ang may ganang magalit? Siya na nga ang nagpapagulo sa isipan ko eh. Nakakainis talaga. Andito na ako sa kwarto pero hindi parin ako makatulog. Tuwing pipikit kasi ako mukha lang niya ang nakikita ko. Arggghhh! Kill me now!


Hindi ko na talaga kinaya kaya binalikan ko siya sa office niya. Hindi ko alam ang gagawin kong ito pero bahala na!

"Why are you still up Shane? Sabi ko matulog kana diba kasi dito ako matutulog." seryoso niyang sabi pero nakatingin parin sa monitor ng laptop niya

"Nakakainis ka talaga alam mo ba yun!" at dun ko nakuha ang atensyon niya

"Sabihin mo nga. Ano nga ba ang ginawa ko?"

"Gusto mo talagang malaman?" tapos tumayo siya at unti-unting lumapit sa akin.

"Sige Shane...sabihin mo sa akin. Ano nga ba ang ginawa ko sayo at halos pagtaguan mo ako sa bahay na ito, maiwasan lang." at patuloy lang siya sa paglapit sa akin hanggang masandal na ako sa pader

"Ahmmmm...pwede ba dumistansya ka. Ang lapit mo masyado. Hindi ako..."

"Hindi ako?"

"Hindi ako makahinga! Langya ka! Doon ka nga." turo ko sa swivel chair niya. Nakita ko siyang napangisi pero hinayaan ko nalang yun

"Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganto pero bigla nalang kasi akong kinakabahan kapag kaharap kita eh. Hindi ko talaga alam bakit nagkaganto. Hindi ko pa nga ma-explain sayo ngayon oh." tuloy tuloy kong sabi habang nakatingin sa lapag

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero para kasing ano eh. Hindi ko talaga alam papaano sasabihin ito. I know were already adults and this should be discussed with no hesitation pero ang hirap eh. Gets mo ba?"

Wala akong narinig na response kaya agad akong tumingala para tingnan siya sa pwesto niya. Laking gulat ko ng nasa harapan ko na pala siya at shit! He's smiling like a crazy guy.


"You know what?" nakangiting tanong niya

"What?" nahihiya ko pang tanong pabalik

"Makita lang kitang hindi alam ang sasabihin sa akin, napapasaya mo na ako. It means I really have an effect on you."

"Ang kapal ahh...excuse me pero mali ang..." at hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.


Marahan niya akong sinandal sa pader at hinalikan na parang walang bukas. Hindi na ako pumalag pa at hinawakan siya sa batok para mapalalim pa ang paghalik niya sa akin.


The next thing I know ay nasa kama na kami, hindi parin siya tumitigil sa paghalik sa akin na parang bang sabik na sabik maangkin ang aking labi. Kung saan-saan na napupunta ang kamay niya sa katawan  ko pero hinhayaan ko lang yun dahil kahit ako naman hindi ko mapigilang haplusin ang mga pandesal niya. Hahaha!

"Bakit ka natatawa?" tanong niya habang mahigpit na nakayakap sa akin

"Wala. May naalala lang ako. Tsaka pwede bang alisin mo ng pagkakayakap mo sa akin."

"Hahaha! Ayaw ko nga hon. Minsan kana nga lang topakin eh. Haha!"

"Baliw ka talaga!"

"Baliw na baliw sayo hon. Buti nalang nakapagpigil ka hon. Alam ko namang gusto mo ng magnext level eh. Hahaha!"

"Kapal mo talagang baliw ka! Hindi kaya! Ang sakit na talaga ng tyan ko."

"Tara kain tayo sa baba. I'll cook for you hon. I love you." he was waiting for a response pero hindi ako nakasagot agad.

"I'm sorry Daniel..." he just smiled on what I said.

"That's fine. At least nalaman ko na ang epekto ko sayo." then he kissed me on the forehead


Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now