25: The Truth

1.8K 34 1
                                    

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Hindi ko...Hindi ko na alam ang dapat gawin. I'm seeing red now and I know that I'm close on being a mad man.



What we saw was a CCTV footage on Toby's party. It was the time when he was bringing me back to the hotel room. It also shows there that the whole night ay hindi ko kasama si Mason. There was also a video of him talking to his friends about having a baby with me. What I can't actually believe ay ang picture ng isang DNA test result showing that he's indeed the father of my son.






"Explain this to me Daniel! Anong ibig sabihin nito!!!" sigaw ko sa kanya at wala na akong pakielam kung andito pa ang pamilya niya.

"Shane, hija. Please calm down." sabi ng Mom niya sakin.

"I'm sorry mom, but what I saw is something I can't calm down to." sabi ko without looking at her. I don't want to look in anyone else but him.

"I'm so sorry hon." naglakad siya palapit sa akin pero umatras ako.

"Wag na wag mo akong matatawag na hon! Hindi na kita kilala...hindi pala talaga kita kilala!" nakita ko ang pagiba ng emosyon ng mukha nya. Nasaktan siya? Pwes nababagay sa kanya yun.

"Hon, I did what I did because I love you."

"Then f*ck you and your love! Ginawa mo akong tanga Daniel! Sinaktan mo na ako at ginawa mo pa akong tanga!" at hindi ko na napigilang umiyak

"That's not true hon. Please don't cry. I know I'm f*cked up when I did that but again it's because I'm so madly inlove with you." habang lumalapit siya ay siya namang paglayo ko sa kanya. "Gusto ko talagang sabihin sayo ang lahat pero ito ang ikinakatakot kong mangyari. Natatakot akong mawala ka. Mawala kayo ng anak natin."

"My real intention that time was just to help you and then leave. Pero paano ko magagawang umalis kung abot kamay ko na ang babaeng mahal ko all these years. I know your drunk that time but still I did what I did. Alam kong mali na hinayaan kitang isipin na ako si Mason pero it was the first time you look at me that way. It's as if your inlove with me too. I'm really sorry Shane. It was never my intention to hurt you."

"You f*cking know all this time na ikaw ang ama ni Thor! And still made me believe na si Mason ang may kasalanan ng pagdurusa ko noon." 

"Akala mo siguro matatago mo ito ng matagal ano?! " natawa ako ng mapakala bago ko tinuloy ang sasabihin ko..."Akalain mong may nagawang mabuti yang babaeng yan!" sabay tingin ko kay Nadia na halatang masaya sa nakikita niya ngayon.






Tumingin ulit ako sa kanya pero hindi na si Daniel na mahal na mahal ko ang nakikita ko. Para sa akin ay isa nalang siyang estranghero. Isang estranghero na pinakasalan ko at hinding hindi ko na babalikan.


Agad kong kinuha si Thor sa mama ni Daniel. Pipigilan pa sana niya ako pero umiling ako kaya mas pinili na lamang niya na hindi magsalita. Sumunod din naman sa akin ang dalawang bestfriend ko. Umuwi agad kami sa mansyon at inimpake lahat ng gamit ko pati narin ng kay Thor. Galit na galit ako sa ginawa niya.Sa panloloko at panlilinlang niya.




Bumalik kami sa bahay namin at hindi ko napigilang umiyak sa ama ko. Alam ko dapat na maging masaya ako dahil siya pala talaga ang tunay na ama ni Thor pero sa maling paraan nangyari at yun ang hindi ko matanggap. Ang masakit pa doon ay hindi niya sinabi sa akin ang totoo. Hinayaan niya akong isipin na si Mason ang ama at pinabayaan niya kami.




"Hush now my princess. Stop crying." sabi sa akin ni papa habang yakap-yakap ako.

"Magpahinga kana muna at ako na ang bahala kay Thor."

"No Dad. I want to leave."

"Please anak. Think about it first. Mahal ka ni Daniel kaya niya nagawa yun and I'm sure pinagsisihan niya ang ginawa nya." hindi ko inaasahan ang sinabi niya sa akin.

"Why do you know Dad? I haven't told you anything."

"Anak I'm sorry, before the marriage he told me everything. Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa niya kaya kahit na binayaran niya lahat ng utang natin ay nagawa ko parin siyang bugbugin. Ama mo parin ako at mahal kita."

"Pero bakit hindi mo sinabi sa akin Dad! Pinagmukha mo rin pala akong tanga." umalis ako sa pagkakayakap nya sa akin.

"Anak, ang usapan kasi naman ay siya ang magsasabi sayo kaya hindi na ako nakielam. Gusto ko ring mamuhay kayo ng maayos kasama talaga ang ama ng anak mo. I'm sorry talaga anak. Tandaan mo mahal na mahal ka ni Daniel at ang tanging kabutihan mo lang inisip niya all this years."




Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Dad at umakyat nalang sa kwarto ko. I'm really mad right now but hindi maalis sa isip ko na masaya ako dahil isang pamilya pala talaga kami ni Daniel. I shook my head. No! He betrayed me, he lied to me and he hurt me. I hate him!






3rd person POV

"Shane! Shane! Please talk to me!" sigaw ng sigaw si Daniel sa labas ng bahay nina Shane pero walang humaharap sa kanya.

"Shane! Hon! I'm sorry! Please hon, umuwi kana. I love you. Listen to me please."


Bumukas ang gate pero hindi si Shane ang sumalubong sa kanya kundi ang ama ng asawa.


"They left Daniel. I think it would be better if you just let them be for the meantime. Kailangan nyang mag-isip dahil hindi naman niya agad matatanggap agad ang mga nalaman niya. Alam kong mahal ka niya at siguradong babalik siya."

"But I can't. Hindi ko kayang hindi siya makita ngayon. I took the risk of having her and now na nasa akin na siya hindi ako papayag na mawala siya. Alam nyo po ba kung nasan siya ngayon?"

"I'm sorry Daniel pero umalis sila agad at hindi sinabi kung saan pupunta."

"Hahanapin ko po sila." tumango lang ama ni Shane as a sign na naiintindihan niya ang ginagawa ni Daniel.




Pagkasakay niya sa kotse ay tinawagan niya agad lahat ng kakilala na makakatulong sa kanya sa paghahanap kay Shane. Hindi siya makakapayag na iwan siya ng asawa. Lilibutin niya ang buong Pilipinas pati narin ang mundo mahanap lang sila.


Just Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon