34: Grand opening

1.8K 37 3
                                    

Nalalapit na ang pagbubukas ng Brewery nina Daniel kaya naman ay sobrang busy niya nitong mga nakaraang araw. Nasa Cebu siya samantalang ako ay andito sa Manila. Susunduin ko lang dapat si Thor tapos babalik kami ng Cebu pero naisip ko na sumabay nalang kina mom dahil alam kong magiging pagulo lang kami sa pagtratrabaho ni Daniel.

Naisipan kong pumunta ng mall at maghanap ng mabibigay kay Daniel. Ang pagkakaalam ko ay ang Brewery ang kauuna-unahan niyang hands-on na project kaya naman gusto ko siyang bigyan ng gift for his hardwork.

Nalibot ko na ang buong mall at napasukan ko na ata lahat ng stall dito pero wala parin akong mapili para sa kanya. Bakit naman kasi lahat ng meron dito meron na siya. Haaaayyy... saan naman kaya makapunta?



"Excuse me magandang binibini." natigil ako sa pag-iisip ng may magsalita sa tabi ko. Pagtingin ko sa taong nagsalita ay ngiti agad ang sinalubong nya sa akin.

"Dim? Anong ginagawa mo dito?"

"Wala naman. Naghahanap lang ako ng masusuot ko for the opening. Ikaw Mrs.Sy? Anong ginagawa mo dito at mag-isa ka lang ata?"

"Oo nga eh. Naghahanap lang sana ako ng mareregalo kay Daniel kaso wala akong mahanap eh."

"Hmmm...how about this? I'll just pick-up a tux then samahan kita maghanap ng gift for Daniel. Lalaki ako and I know what guys like. Well, if that's fine with you." napaisip ako sa alok niya pero wala naman mawawala kung papayag ako.

"Sure. Wala naman problema dun." at ngumiti ako sa kanya.

"Don't do that please." seryoso niyang sabi sa akin kaya naguluhan ako.

"Ang alin?"

Natawa siya bago sumagot sa akin."Wala.Binibiro lang kita. Tara. Malapit lang yung shop dito."tumango ako sa kanya at sumabay ng maglakad sa kanya.

Nakakatuwa palang kasama tong si Dim. Maloko pero may sense kausap. Hindi ko akalain na may pagka-nerdy side siya kaya naman marami akong natutunan sa kanyang kalokohan este mga random facts sa kung anu-anong bagay.

"Hahah! Grabe ang sakit na ng tyan ko Dim. Tigilan mo na yang mga jokes mo please lang."

"Hala! Hindi ako nagjojoke Mrs.Sy, pawang mga katotohanan ang sinasabi ko." maang-maangan niya.

"Nako ka talaga. Salamat nga pala sa dinner at sa pagtulong sa pagpili ng regalo ko for Daniel. Matutuwa yun for sure."

"No prob Mrs.Sy. Ikaw pa. Malakas ka sa akin eh."

"Shane nalang. Parang napaka-formal naman ng Mrs.Sy." napangiti siya sa sinabi ko kaya naman hindi ko napigilan na magtanong.

"Mali ba yung nasabi ko?"

"Hindi naman. It's just that... I'm happy. Well, you should get going now. It's already late at ayaw kong mag-alala ang asawa mo sayo."

"Salamat ulit Dim. I enjoyed your company. Sige una na ako. Bye."

"Bye din...Shane."



Andito na kaming lahat sa Cebu pero hindi pa kami nagkikita ni Daniel dahil busy parin siya sa preparetions for the Grand Opening mamaya. Mga kilala at bigatin din kasi ang mga naimbitahan nilang dumalo sa araw na ito kaya naman gusto niya na perfect lahat. Ano na kayang itsura ng asawa ko este ni Daniel ngayon? Sa dami ng mga ginawa niya siguradong hagardness na yun.

Matapos naming makapag-handa ay sabay- sabay kaming pumunta sa Brewery. Pagdating namin ay sumalubong agad sa amin ang dami ng tao. Pumunta na kami sa main hall pero hindi parin namin nakikita si Daniel. Hindi parin siya sumasagot sa mga text at tawag ko. Medyo naiinis na ako kasi hindi man lang niya kami naisip na salubungin man lang or what. Shit! I'm becoming a b*tch wife na.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now