20: I just knew

1.5K 31 0
                                    

"Hon, I'll be leaving for a business trip tomorrow." sabi agad sa akin ni Daniel ng makapasok sya sa kwarto namin.

"For how many days hon? Tsaka saan?"

"Sa singapore. It would be for 3 days. Gusto kasi nung mga investors personally ko ipresent ang proposal ko sa kanila and they want me to fly there right away."

"That's a good news then. Ahmmm hon...pwede ba kaming sumama ni Thor? Nakaleave kasi ako sa coffee shop for a week. Pwede pa naman akong bumili ng ticket ngayon, kahit ako na ang magbayad."

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya nung sinabi ko yun sa kanya. Yung feeling na parang may mali.

"Hindi ko kayo maaasikaso dun. It would be much better if you just stay here at kapag nakabalik na ako tska tayo magout of the country."

"Pero hon, hindi ka naman namin guguluhin dun. Habang nasa meeting ka, eh di mamamasyal kami ni Thor."

"I said.Stay.Here." pinagdiinan pa talaga nya sa akin. Ano nanaman kayang problema ni Daniel?

May sasabihin pa sana ako pero agad syang nagpaalam na may aasikasuhin sa office nya. He's really acting weird. Bakit hindi nya ba kayang mag-open up sa akin kung ano talaga ang problema? Haaaayyyy...

Medyo nakakatampo na talaga si Daniel sa ginagawa nyang treatment sa akin kaya after kong ayusin ang gamit nya para sa Singapore ay sa kwarto ni Thor ako natulog.

Bahala sya magisang matulog since ayaw din nya kaming kasama.






"I'm leaving baby.Pakiss naman si Daddy." paalam nya kay Thor.

Dahil alam kong matalino ang anak ko ay agad syang lumapit kay Daniel at nagkiss.Narinig ko pa nga ang cute nyang "Ba-bye Dy."

Since nagtatampo parin ako sa kanya ay napagdesisyonan ko nalang na bumalik sa kwarto. Nakakailang hakbang na ako sa hagdan ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Hon...wag ka ng magalit sa akin. It's a business trip at kailangan focus ako. Baka kasi kapag sumama kayo hindi ako mapakali kakaisip kung okey ba kayo ni Thor o hindi. Please understand. Ayaw kong umalis na galit ka sa akin." paglalambing nya sa akin sabay halik sa lips ko.

"Ewan ko sayo Daniel. Ang galing mo talaga mag-excuse." natatawa kong sabi.

"Totoo hon. Always remember that I love you so freaking much. I would do anything for you hon. Anything." seryoso nyang sabi sa akin

"Ibang klase ka talaga hon. Sige na at baka malate ka pa sa flight mo. I love you too hon." and gave him one romantic kiss

"God. I'm gonna miss that Hon." marahan nya akong hinila at mahigpit na niyakap..."Again, I love you so much Shane."

"And again...I love you Daniel."







3 days. 3 freaking days at wala man lang akong nareceive na tawag o text kay Daniel. Hindi man lang ako nagawang i-message kahit sa facebook. Kung hindi pa bumisita ang Dad nya ngayon ay hindi ko pa malalaman na nag-extend ng 2 days si Daniel.Mukha daw kasing nagustuhan ng investors ang proposal nya.

I don't know why pero kakaiba ang feeling ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad nagbook ng flight, earliest flight tomorrow. I just want to make sure that everything is really ok.










It's a good thing and meron pang available room sa hotel kung nasan si Daniel. I asked his Dad to get in touch with him para malaman ko kung nasan siya. Ang sabi ko kasi ay sosorpresahin ko sya. Sabi ni Dad ay matatapos daw ang meeting niya by 4 and magpapahinga na rin siya sa hotel after.


Around 4pm ay nagabang na ako sa may lobby. Nagawa ko pa ngang magdisguise para hindi nya ako mahuli. After 20 minutes ay nakita ko syang dumating. Nagliwanag ang mata ko nung makita sya. Lalapitan ko na sana sya pero hindi ko inaasahan ang kasunod nya....it was freaking NADINE!

Biglang nanlambot ang binti ko at halos hindi ko maigalaw. Alam ko namang it doesn't justify anything...baka naman hindi rin inaasahan ni Daniel na andito si Nadine. She was just following him and he doesn't look happy.



I stayed in the lobby at naghintay lang na baka bumaba pa siya o sila ulit. Makalipas ng dalawang oras ay nakita ko nga silang palabas. Nakapagpalit na silang dalawa ng casual clothes. Sinundan ko silang dalawa at buti nalang naglalakad lang sila. Pumasok sila sa fine dining restau at buti nalang kita sa labas yung mga tao sa loob. I can see them clearly...so clear that I want to stab that girl's neck thousand times.Haaayyyy...just kidding.

Daniel is just staring at her blanky and it was Nadine who keeps on talking. Manhid teh? Ayaw ka ngang kausap eh. Nung bumalik ang tingin ko kay Daniel ay hindi ko inaasahan na magtama ang mata naming dalawa. Halata sa mukha nya ang pagkagulat. Hindi ko alam pero biglang may tumulong luha sa mata ko. Nung nakita ko siyang tumayo ay agad akong tumalikod at pumara ng taxi. Hindi ko alam kung saan pupunta pero I need to think and clear my mind.


I decided na sa may Bay nalang magpababa sa taxi driver.

"I shouldn't be crying. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Kumakain lang sila. Hahaha! Ang tanga mo minsan Shane." nababaliw na ata ako.

"Your really crazy Daniel...and your making this heart of mine crazy too..."

I've stayed there for 2 hours and just decided to go back to the Philippines. Naglalakad na ako ng may bigla akong nabanggang tao.

"Sorry. I wasn't loo-" at hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang nabangga ko.

"Shane? Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko siya. Niyakap ko siya hindi dahil gusto ko pa siya, niyakap ko siya kasi he used to be my friend...and I really need a friend right now.

















"It's so good to see you Mason..."




Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now