11: What the!?

1.9K 38 0
                                    

"Daniel pwede bang pakawalan mo na ako!" pagpupumilit ko sa kanya

"No! Ayaw ko."

"Daniel naman! Hindi na ako makahinga sa ginagawa mo."

"No!"

Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa lalaki nato! Nakayakap lang naman niya sa akin ngayon at ayaw akong pakawalan. Halos 15 minutes ng nag-aalaram ang phone ko pero hindi pa ako nakakapagayos dahil sa ginagawa niya. Tsssss.

"Wag mong hintayin na gamitin ko ang secret weapon ko Daniel."pagbabanta ko sa kanya

"Hahaha! Meron ba hon?"

Since nakaharap lang kami sa isa't isa, lumapit ako sa may tenga niya at hinipan yun ng dahan dahan. Malakas kasi ang kiliti ni Daniel sa spot na yun kaya sigurado akong mabibitawan niya ako. Haha! Nang makatakas ako ay agad narin akong pumunta ng banyo para makaligo. Hindi ko na siya naabutan sa kwarto after kong maligo pero hindi naman niya nakalimutang ihanda ang susuotin ko... pati narin underwear ko. Pervert! Haha!




It's been 2 weeks now simula ng "TAMPUHAN" event namin ni Daniel. Since then ay naging super sweet na niya pero syempre hindi parin mawawala ang pagiging mapang-asar niya sa akin. Tsssss! Hindi narin nga ata siya pumapasok kasi lagi nalang siya nakatamabay sa Coffee Shop. Kapag sinisita ko naman siya sa pagpunta niya ay ang lagi niyang sagot.. "Hindi ikaw ang pinupuntahan ko.Coffee Shop to diba? Masama bang magkape?", tapos tatawa lang siya. Hindi ko talaga alam tumatakbo sa isip ng lalaki na to. Haaaayyy.


"Oh ano nanamang ginagawa mo dito?" pagmamataray ko sa kanya

"Suplada mo talaga Hon. Hehe! May event nga pala akong pupuntahan mamaya, I just wanted to know if you can be my date?"

"Hmmmm...let me think." tapos nagkunwari akong parang nag-iisip.Haha!

"Hon naman, wag mo na pag-isipan. I'm sure magugustuhan mo dun kasi puro kape makikita mo. Hahah!"

"Ewan ko sayo! Sa tingin mo may magagawa pa ba ako? Mamaya andun pa yung Nadia na yun."

"Hahaha! Heard that Hon. Wag ka magalala, Im all yours." sabay kindat sa akin

"Che! Maupo kana nga muna dun at may parating na customer."

"Haha! Love you hon." hindi na niya hinintay kung sasagot ba ako o hindi at umalis nalang. Mukhang nasasanay na siya ah.Haaayyyy.




After ng shift ko ay dumaan muna kami sa isang boutique para bumili ng dress ko. Kahit anong pilit ko sa kanya na wag na akong ibili ay nanalo parin siya. Siya na kasi ang pumili ng dress ng susuotin ko kaya no choice talaga.



Sa The Peninsula Manila ang event and like before nakakuha narin siya ng room namin. Papasunorin sana ni Daniel sina Thor pero sinama pala siya ni Sabrina sa rest house nila sa Tagaytay. Talagang love na love ni Sabrina ang baby ko ahh. Hehe! Dahil 7:30 pm pang ang event ay nagpahinga na muna kami ni Daniel. Sa couch siya natulog dahil baka daw hindi na kami makapunta sa event kapag tumabi sya sa akin. Loko loko talaga. Hahah!



"Hon kanina ka pa dyan sa banyo. Hindi ka pa ba tapos mag-ayos?"

"Sandali lang naman. Hindi naman ako magician."

"Wala ka naman dapat i-magic pa kasi kahit wala kang make-up maganda kana."

"Che! Ayan na patapos na ako."

Pagbukas ko ng pinto ay natulala bigla ang baliw na si Daniel nung nakita ako. Agad naman akong bumalik sa banyo para i-check ang itsura ko at mukhang okey naman ang mukha ko. Ano nanaman kayang problema nito?

"Hoy Daniel! Bakit tulala ka dyan?" tapos kinurot ko siya sa pisngi

"Huh?Ahmmm..." at nakita ko ang pamumula ng pisngi nya

"Anong problema? Sabi na nga ba at di bagay tong binili mo sa akin eh."

"Hindi hon. Bagay na bagay nga sayo eh. Masyado lang akong namesmerized sa itsura mo. Hehe! I really like it when you're wearing a dress." and I didn't expect what he did next. Marahan niya akong sinandal sa pader and he started kissing me. I can't believe I'm saying this but his kisses makes me feel like I'm in a cloud or something.

After ilang minutes ay tumigil narin siya sabay ngiti sa akin..."As much as I want to continue what were doing, I don't wanna waste the night and just keep you in the room. .." at alam kong nagblush ako sa sinabi niya

"Ewan ko sayo! Baliw kana talaga! Tara na nga sa baba." Oh my gosh! Bakit parang bago ulit sa akin itong mga nangyayari? Haaaayyyy. Nababaliw narin ako.


Habang naglalakad kami papuntang Ballroom ay parang gusto kong pagtutusukin ang mata ng mga babaeng nakatingin kay Daniel. Hindi lang tingin ang ginagawa nila dahil may kasama pa atang pagnanasa. Bakit ba naman kasi ang gwapo nitong si Daniel sa kanyang tux. Nakakainis!

"Hon, galit kaba?" natatawa pa niyang tanong

"Huh? Hindi ah. Bakit mo naman nasabi?"

"Haha! Look at my hand." sa sobrang inis ko pala kanina ay napangigilan ko na siya, kaya yung mga kuko ko bakat na bakat sa palad niya.

"Ay shit! Sorry hon. May iniisip kasi ako kanina ehh, hnd ko namalayan..." then he cut me off

"What did you say?"

"Sorry nga diba kasi may iniisip ako tapos..." he cut me off again

"No, what did you say after Sorry?" natatawa niyang tanong kaya napaisip ako. Shocks! Natawag ko na pala siya sa endearment niya sa akin

"Haaayyy nako. Ayaw ko ng ulitin." sabay belat ko sa kanya at natawa nalang siya sa ginawa ko

Nang makarating na kami sa ballroom ay marami na agad tao sa loob. Hindi lang pala siya basta-bastang event dahil mga kilala sa businessworld ang mga tao dito. Hindi ko man sila kilala pero nakikita ko naman sila sa mga cover ng business related magazines and I know there known. Haha!


Hinayaan ko na muna si Daniel makipagsocialize dahil wala naman din akong care sa paguusapan nila. Naglibot nalang ako at tinikman ang iba't ibang klase ng kape na binibida dito sa event. Wala rin naman akong masabi sa mga natikman ko dahil lahat sila talaga pang international, lalong lalo na yung kina Daniel, ofcourse. Hehe!


Nang napadaan ako sa pwesto nina Daniel ay sinenyasan ko siyang sa Veranda na muna ako. Sumenyas narin lang siya sa akin na susunod siya. Medyo malamig pala dito sa labas pero mas okey na kasi tahimik. Naririndi kasi ako sa mga pinaguusapan sa loob lalo na kapag about sa business. Hindi ko ata talaga kayang magpalakad ng isang business o kompanya kaya masaya narin ako bilang empleyado.


Nagitla nalang ako ng biglang may nagpatong ng coat sa balikat ko..." Thank you Dani..." at nung humarap ako. Oh shit!



"What the heck!" sigaw ko sa kanya


Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now