13: Flashback

2K 27 2
                                    

Bandang hapon na ng itext ako ni Mason na may lakad daw kami mamayang 8:00 pm. Birthday kasi ng bestfriend nya na si Toby at gaganapin daw yung celebration sa Sky Lounge sa The Fort. I'm really excited to go since ibang klase din namang magpaparty itong si Toby. Talagang parteeeeeeh! Hehe!

I wore a white crop top partnered with a floral mini skirt then my favourite chucks. Hehe! Mas bet ko ang rubber shoes kaysa sa heels dahil baka matisod lang ako. I was busy checking myself in the mirror ng magring ang phone ko.

"Hello Love? Are you ready?"

"Yes Love. San kana?"

"Kakarating ko lang dito sa labas ng bahay nyo."

"Sige. Just wait for me there nalang, ok?Hehe!"

"Alright then, I love you..."

"Awwww...I love you too." then I ended the call. Gustong gusto ko talaga si Mason kapag sinabi nya sa akin yun kahit alam naman niyang magkikita din kami agad. I really find it super sweet.

Nung makita niya akong palabas ay agad niya akong sinalubong ng yakap at halik. I like this side of him.

"Miss you love."

"Miss mo ako agad? Diba magkasama lang tayo kahapon? Hehe!"

"Well lady... I miss you every day." then he gave me quick kiss

"Bolero! Tara na nga at baka hinihintay kana ni Toby. Lagot ka dun."

"Hayaan mo siya. Hehe!" at pinagbuksan pa nya ako ng pinto ng kotse


Nang makarating kami sa Sky Lounge ay sobrang dami na agad na tao. Sobrang friendly kasi nitong si Toby kaya hindi narin ako magtataka kung bakit marami siyang bisita at friends. Buti nalang at hindi kami nahirapang hanapin siya.

"Happy birthday boss Toby!" bati ko then niyakap siya

"Thank you Shane. You look pretty as always."

"Ofcourse. Hindi na mapagkakaila yan. Haha!"

"She's not just pretty, she's a goddess." dagdag naman ni Mason. Hay nako talaga tong Love ko. Hehe!

"I think I'm gonna vomit. Haha!" sabi ni Toby

"Hahaha! Well, happy birthday bro!" tapos nagfist bump sila

"Thanks bro. Tara na dun sa table nyo at kayo nalang ang hinihintay nina Justin, Nicholas at Floydd."



I think I already lost count kung ilan na ang nainom ko. Vodka, margarita, tequila, beer, hindi ko narin alam kung ano na iniinom ko basta I'm just enjoying the night. Nagpaalam sina Mason na pupuntahan lang nila si Toby para pagtripan kaya kaming mga girlfriend nila ang naiwan. Okey din naman silang mga kasama dahil wala namang mga arte sa katawan kaya na-enjoy ko parin kahit wala siya.


Nang hindi ko na kinaya ay nagpaalam ako sa mga girls na c-cr lang ako. Ang malas lang dahil ang daming nakapilang wasted at nahihilo narin na katulad ko na mga babae. Hindi ko na talaga kayang maghintay kaya lumapit ako sa bouncer at nagtanong ng iba pang cr dito sa building. Sinabihan nya akong may CR daw para sa mga guest ng hotel sa 30th floor kaya agad akong sumakay ng elevator. 2 floors down lang naman yun kaya keri ko pa.


Pabalik na sana ako nang biglang hindi ko kinaya ang hilo. Naramdaman ko nalang ng may dalawang kamay na umalalay sa akin.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now