1: He is...

5.5K 90 2
                                    

Kahit late na ako umuwi ay sinisugurado ko namang maaga akong magising para asikasuhin ang baby boy ko. Maaga din kasi siyang nagigising kaya no choice ako.

"Thor, say apple."

"Aaap-ple."

"Yehey! Very good naman ng baby ko."

Habang tinuturuan ko ng letters and words ang baby ko ay bigla namang nagring ang phone ko. Pagcheck ko unregistered ang number and since curious akong malaman kung sino, sinagot ko nalang.

"Hello? Sino to?"

"Is this Shane Theodore Perez?"

(Kailangan full name kuya?Tsss.)

" Yes. Ako nga, Sino ba to?"

"I'm Nathan from Blends Industries. Kesha told me that you were looking for a part time job. We actually have an opening. Can we discuss it over lunch?"

" Sure. Saan po ba ito?"

"I'll text you the details. We also offer full time post baka maisipan mo din. Sige see you later."

"Ah sige po. Salamat talaga."

Pinahabilin ko ulit sa Tita ko yung baby ko since malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Sinigurado ko ring presentable ako para dagdag points at matanggap agad.

Sa makati ang office na pupuntahan ko at tinext ko narin si Kesha para magpasalamat. Nagbiro pa nga siya na wala naman siyang kakilalang Nathan. Weird.

Nang makarating ako sa building tinext ko ulit si Nathan kung saan ko siya pupuntahan. Sinabihan niya akong dumiretso sa 11th floor which is the very top floor of the building. Pagbukas ng elevator bigla akong nagdalwang isip na lumabas. Sino ba naman ang di kakabahan kapag makita nila ang signage na President.
Isasara ko na sa ulit ang elevator ng biglang nagsalita ang receptionist.

"Miss Perez?"

"Opo, ako nga. Hinahanap ko kasi si Nathan Gonzales at mukhang nagkamali ako ng floor."

" Dito nga po kayo pinapadiretso. Pasok na po kayo sa Office ni sir."

"Ahh andyan si Nathan?"

"Ahmmm...hindi po si Nathan pero yung Boss po namin inexpect ang pagdating nyo."

"Sinong boss?" pagtataka ko.

"Pasok nalang po kayo Miss Perez."

Ngumiti nalang ako sa kanya. Sumunod ako sa kanya hanggang makapasok kami sa office ng sa tingin kong President nila.

"Sir, Ms. Perez is here." sabi ng receptionist sa taong nakaupo sa swivel chair. Hindi ko pa makita ang mukha niya kasi nakatalikod siya sa amin at nakatingin sa view ng makati.

Sumenyas lang siya gamit ang kamay niya at umalis na ang babae. Ako naman nganga at hindi alam ang gagawin.

"Shane Theodore right?" tanong niya pero nakatalikod parin siya

" Opo...kahit Shane nalang po. Medyo panglalaki po kasi pangalan ko eh." tapos natawa siya.

"I noticed that." tapos humarap siya...and oh! It's Mr. Crazy guy. Akala ko makikita ko siyang naka 3 piece suit pero hindi. Naka polo lang siya, jeans and chucks. Ngayon ko lang din napansin ang undercut hair nya which I find in guys attractive.

"Ikaw?!"

"Ako nga. Hehe! Nakasimangot ka parin Shane. Hindi bagay sa maganda mong suot ang nakasimangot mong mukha."

" Haist. Pinagtritripan nyo po ba ako Sir?" inemphasize ko talaga ang salitang Sir.

"Nope. Pinapunta kita dito to offer a full time post."

"Ano naman po yun?"

"Be my wife Shane." seryoso niyang sabi

Napabuga ako kahit wala naman akong iniinom na tubig. He's really crazy! Paano naging presidente ng kompanya tong baliw na to?

"Ikaw lalaki ka! Wala akong oras makipaglokohan sayo. Kung wala palang trabaho para sa akin dito sa company nyo might as well kung umalis na ako."

"I'm not joking Shane. It's serious." tapos may kinuha siya sa drawer niyang mga papel at inabot sa akin.

Natameme talaga ako ng mabasa ang mga nakalagay sa papel na yun. It shows all our properties and even our business...sinalba niya lahat. Nakalagay din dun na nabayaran na niya yung utang namin sa bangko at utang sa kung kani-kanino pa.

"Your dad is free to go as well. Yung properties sayo na nakapangalan ngayon maliban sa company nyo."

"Wait.Wait.Wait. Bakit mo to ginawa?"

"To help." maikli nyang sagot

"To help? Pero gusto mo akong maging asawa bilang kapalit nito?"

"I dont have a choice Shane. You decide. Gusto mo bang lumaking walang wala ang anak mo? Or have the same life you had before pero kasama ko na."

"Bakit mo ito ginagawa? Kilala mo ba kami?" medyo naiinis na ako sa kanya kasi blinablackmail niya ako. Wala akong choice.

"I cant tell it now. I'm a friend Shane, so dont be mad at me."

"Friend? Then bakit ka humihiling ng gantong kapalit? Para magawa mo kung anong gusto mo sa akin?"

"Wag ka magisip ng masama. I know your still in shock right now. I'm not asking you think about it kasi no matter what magpapakasal tayo. Umuwi kana and let your dad discuss it to you." tapos tinalikuran niya ako.

Woooow! What a news! I'm marrying a guy na kilala ko lang as Mr.Crazy guy. Nice. Very nice. Nung isang araw halos magunaw na mundo ko dahil sa pagbagsak namin pero ngayong nasalba na lahat magpapakasal naman ako sa kanya as kapalit. Baliw na talaga!

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Papa na umiinom ng kape. Seriously parang walang nangyari.

"Papa! Sabihin mo ang totoo! Sino yung lalaking nagbayad sa mga utang natin?"

"Anak...I guess you already met him. He's Daniel Sy. Anak ng kilalang importer ng mga kape dito sa bansa. Marami pa silang business maliban dun kasi may-" pinigilan ko siya sa pagsasalita

"I dont freaking care kung ano pang business nila. Paanong kailangan ko siyang pakasalan as kapalit ng pagligtas sayo? Sa buhay natin?"

"I have no choice Shane. Nung nagpakita siya sa akin ayos na lahat at kahit ayaw ng pride ko pumayag ako sa gusto niyang pakasalan ka para kapalit ng ginawa niya. Mukha naman siyang mabait na tao Shane.Utang natin sa kanya ang lahat ng ito. Isipin mo nalang kung saan tayo pupulitin kung hindi siya dumating." medyo naluluhang sabi ni Papa

Hindi na ako nakasagot dahil tama naman ang sinabi niya. Gusto ko mang pasalamatan ang Daniel na yun sa ginawa niya pero hindi ko parin matanggap ang gusto niyang kapalit. Being married to a person that I dont even know is like a nightmare. Malay ko ba kung psychotic pala yun.


Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now