3: Hon? Ey? Moon?

3.7K 66 1
                                    

"Are you okey, hon? "tanong sa akin ni Daniel

Tapos na ang reception at ngayon papunta na kaming airport para sa pesteng honeymoon daw namin. Bago kami umalis ay sinigurado ko munang nayakap ko ng matagal si Thor dahil first time ko siyang hindi makikita ng matagal. Hindi ko nga ba alam kung bakit pumayag pa akong matuloy itong so called HoneyMoon na ito!

"Yeah." walang gana kong sagot sa kanya

"Medyo emotional ka kanina? Is it about your mom?" may halong concern sa tono ng boses niya

"Yes and please let's not talk about her."

Buti naman at nagkakaintindihan kami dahil hindi na niya ako kinausap simula nun.



Nang makarating kami sa airport at makasakay na sa private plane nila ay doon ko lang narealize na hindi ko pala alam kung saan kami pupunta.

"Saan tayo pupunta? Saan ang honey...ang byahe natin?"

"Maldives hon." at ngumiti nanaman itong baliw nato

"Could you please stop calling me Hon! Maldives? Ang layo naman at papaano mo nagawang maplano ang lahat ng ito ng dalawang araw?"

"I can call you whatever I want. Your my wife now." tapos ngumiti siya ulit..."Matagal ko na itong naplano. Nasa bucketlist ko ang kasal na yun."

"Bucketlist talaga? Daniel pwede ko na bang malaman kung bakit sa dami ng pwede mong tulungan, pamilya ko pa at ako pa ang naisipan mo pakasalan?"

"Hmmmm...I just feel like marrying you. That's all." at tumawa siya

"Baliw ka na talaga alam mo ba yun?!"

"Maybe. Baliw kasi ako sayo eh." nakangiti niyang sinabi sa akin



Gosh! Even a crazy joke makes me blush. What's going on with me?! Hindi ko na siya kinausap pa at naisipan nalang na matulog. Ilang oras din ang lumipas ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin.

"Aray naman! Makayugyog wala ng bukas teh!?"

"Haha! Sorry Hon, tulog mantika ka kasi eh. I just wanna let you know that were here."

Pagtingin ko sa paligid...wala na kami sa plane dahil nasa isang malaking villa na kami.

"Nagsleepwalk ba ako? Paano tayo nakarating dito?"

"Kinarga kita syempre. Diba sabi ko nga tulog mantika ka. Mamaya na sana kita gigisingin pero ayaw ko naman masayang itong view." sabay turo niya sa labas ng villa

"Oh shit! Is this paradise?" nasabi ko dahil sa sobrang mangha sa nakita ko

Yung villa nakatayo sa mismong dagat tapos sa labas lang ng kwarto ay may sarili kaming infinity pool. Sa gilid nito ay may wooden stairs just in case gusto mong lumangoy sa dagat. Ang talagang nagpangiti sa akin ay ng makita ko ang jet ski sa ibaba ng stair case.

"Libre ba yun gamitin?"  nahihiya ko pang tanong sa kanya

"Ofcourse. Para sa atin yan hon."

"Haaayyy nako!  Okey na sana kaso kapag tinatawag mo akong Hon nandidiri ako." pinakita ko pang parang nandidiri ako sa kanya

"Hahaha! Alam mo nakakatuwa ka talaga. You'll get used to it. We have forever."

"Walang forever! Papaano ba ako makakatakas sa marriage na ito?" bigla kong natanong sa kanya.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now