5: Selos

2.6K 48 1
                                    

I still can't believe what I saw?! What the!


Bakit naman ako nagagalit? Ano namang pakielam ko doon? Halos magiisang bwan palang din naman kami nagsasama bilang mag-asawa, feeling ko asawa na niya talaga ako? You wish Shane! You shouldn't feel that way anyway!



Matapos ng makita ko ay agad na akong umalis sa opisina niya at ang baliw hindi man lang ako tinangkang sundan. Probably the reason why he married me is to be a front on the real situation. Yung babaeng kahalikan niya siguro ang totoong gusto niya pero hindi naman gusto ng pamilya niya. Hmmmm...tama!At ako ngayon ang ginamit niya at pinakasalan para mapagpatuloy parin ang relasyon nila. Tama! I know now! Gets ko na! Should I ask him? No! No! Basta yun ang iisipin kong rason.



Kakarating ko lang sa bahay at hindi inaasahan na makita ang kotse ni baliw. Pagkabukas ko ng pinto ay agad bumungad sa akin ang mukha niya. Why the heck is he smiling?! Nakakainis talaga!


"Hi Hon. San ka galing?"

"S-sa tabi tabi lang. Akyat na muna ako." pahakbang na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko

"Ahmmm...about earlier. Can we talk about it?"

"Huh? Wala naman dapat pagusapan dun. Okey lang yun . Sige pagod na ako, akyat na ako."


Papunta na ako sa kwarto pero itong lalaking to nakasunod parin sa akin. Medyo nakakailang dahil hindi man siya nagsasalita pero alam ko namang pinapanuod niya ang mga ginagawa ko.


"Will you stop that Daniel." suway ko sa kanya habang pumipili ng pamalit

"Ang alin hon?" talagang nasasabi parin niya ang endearment niyang yun sa akin. Tssss.

"Stop staring! Lumabas ka nga lang."

"Hahaha! I'm just watching you. I just wanted to see something."

"Hindi ako TV para panuorin mo. Nakakainis ka talaga minsan alam mo ba yun!"

"Hahaha! Ok. Chill hon. Kunin ko lang si Thor sa kwarto niya. Maglalaro kami dito ha."


Hindi na ako sumagot at dumiretso nalang sa banyo para makapagpalit. Nakakainis na talaga ang lalaking yun. Bakit nga ba ako naiinis sa kanya? Dahil gusto niyang pag-usapan ang kissing action nila ng pangit na babaeng yun at ipamukha sa akin na this is all na act. Ofcourse Shane! This is just an act. What's gotten to you!?



Matapos ko sa banyo ay nakita ko sila sa mini sofa sa kwarto na naglalaro. Infaireness talaga, he can be a really good dad.


"Mommy!" sigaw ni Thor

"Oh hi baby." lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi

"Buti pa si baby may kiss kapag nakikita mo. Ako na asawa, wala man lang." parinig sa akin ni Daniel habang kinukuha ang iba pang laruan ni Thor

"Hindi naman talaga tayo mag-asawa. For what I know sa papel lang tayo mag-asawa diba. People who get married are those who should have mutual feelings with each other. Meaning LOVE."

"Not all who get married have that thing called LOVE, hon. But I'm sure will end up with that LOVE your pertaining to." then he looked at me showing of his killer smile

"Wag ka mag-ilusyon. Paano mo naman naisip na maiinlove ako sayo?" ngayong alam ko namang may iba kang gusto

"I just know and I'll make sure."

"Tssss...you wish! Meron ka na ngang babae tapos gusto mo pa akong magkagusto sayo. Kapal ha!"

"Babae? Hahaha! Parang kabit lang ang dating ah."

"Ewan ko sayo!"

"Hindi mo ba talaga gustong malaman kung sino yung BABAE ko?" nakangiti niyang tanong sa akin

"Hindi ko gustong malaman. I'm sure she's someone special." tapos umiwas ako ng tingin sa kanya

Narinig ko lang siyang nagbuntong hininga tapos tumayo. Nagulat nalang ako ng tumabi siya sa akin.


"That's what I wanted to see."

"Ang alin?"

"You getting jealous." napatingin tuloy ako sa sinabi niya

"Bakit mo nasabing nagseselos ako? Ako na si Shane? Nagseselos sa babaeng yun? At ng dahil sayo? Wow ! Not gonna happen." napailing pa ako

"It already did. May chance pala talaga ako." tapos natawa siya sa kawalan

"Ano bang sinasabi mo Daniel? I'm not jealous."

"Sabi mo eh..." pero halata parin sa pagkasabi niyang hindi siya naniniwala sa akin

"Haaay nako! Nakakainis ka talagang baliw ka noh!"

"Hahaha! I love you too, hon. Sa office muna pala ako at may tatapusin lang."



Ow shit! I know it's a joke! Pero the way he said it made my heart beat so fast. Ano bang nangyayari sa akin?! Nakakahawa pala talaga ang pagkabaliw niya. Pinilit kong hindi isipin ang sinabi niya at patuloy lang na nakipaglaro kay Thor. Inopen ka nalang din muna ang facebook account ko para macheck ang bago sa mga friends ko.


"Haaayyy ano ba yan puro dubsmash nalang." tapos after ng ilang scroll nanlaki ang mata ko sa nakita ko




My pretty wife Shane is jealous. Thank you for this day! (Hon, she's my cousin.) ;))

711 likes ® 123 comments



Sa tingin ko baliw na talaga ako kasi napangiti lang ako sa nabasa ko.

Agad kong kinarga si Thor para pumunta sa office ni Daniel.  Nang makita niya ako ay mas lalong lumaki ang ngiti sa mukha niya kaya napabuntong hininga nalang ako . Why can't he stop smiling? Nakakairita! Hindi pa muna ako nakapagsalita dahil may kausap pa siya sa cellphone.


"Got to go cous. My pretty wife is here." then he hang up the phone

"What was that Daniel? Kailangan lantaran?" kunwari ay naiinis ako

"Haha! I'm just happy that's all, kaya shinare ko sa facebook."

"Haaay nako! Cousin mo pero kahalikan mo?!" hindi ko na mapigilang magtanong

"Hon, she's from Europe that is why she's kinda wild and playful. While she was kissing me which obviously I didn't like and didn't respond to, she was on skype with his boyfriend. She's making him jealous."



At doon lang nagsink sa akin ang lahat. Hindi ko man nagustuhan ang narinig ko at least hindi niya pala babae yun. Napailing nalang ako sa sarili ko.


"Cute mo pala mag-selos hon. Kain na nga tayo para kumalma kana. I'll cook for you, bawi ko since hindi kita nasundo kanina."

"Wag na! Hindi mo na kailangang gawin yan." hindi niya ako pinakinggan at kinuha nalang sa akin si Thor sabay labas ng office



Simula ng iwan ako ng father ni Thor, I already got this perception that all guys are the same. All of them are freaking liers, irresponsible and does not really know the true meaning of LOVE... but why do I have this feeling na hindi sila lahat ganon?


Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now