14: Forgive, Forget, For now.

1.8K 28 1
                                    

Hindi ko alam ang dapat gawin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit at itulak siya, o yakapin siya at damayan. Matapos niyang sabihin ang salitang "Love" ay naguunahang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Naaawa talaga ako sa itsura niya ngayon. Kahit papaano ay matagal rin naman ang pinagsamahan namin ni Mason at nasasaktan ako para sa kanya.

"Bitawan mo na ako Mason. If you want to talk, then let's talk. Papauwiin ko muna sina Daniel then itetext ko sayo kung san tayo magkikita." tumingin lang siya sa akin at tumango.


Agad narin akong umalis para balikan sina Daniel. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya ng mapansing hindi natanggal ang mantsa sa damit ko kaya nagdahilan akong sira ang faucet sa CR. Ayaw ko mang magsinungaling sa kanya pero kailangan ko tong gawin para maayos ko kung ano dapat ayusin namin ni Mason. Gusto ko na talagang totally makapagmove-on sa kanya.

"Ahmmm Daniel, niyaya pala ako nina Kesha lumabas. Okey lang ba na mauna na kayo ni Thor umuwi?"

"Ayaw mo bang ihatid ka namin?"

"No need. Kaya ko naman. Mag-gigirl bonding daw kami. Hehe!"

"Wag ka masyadong maglalasing ha. Lasengga ka pa naman. Baka kung sino nalang makatsansing sayo." seryoso nyang sabi sa akin

"Opo boss. Hehe!"


Nang marating na namin ang kotse ay parang bigla akong nakonsensya sa gagawin ko. Alam kong wala naman akong gagawin na masama pero parang hindi parin maganda ang magsinungaling.

"Alis na kami hon. Ingat ka ha. Text me once your there."

"Opo nga boss. Sige, ingat kayo ha." sasakay na sana siya sa kotse pero hinigit ko siya pabalik sa akin para halikan sa labi.

Mukhang hindi niya inasahan ang ginawa ko kasi nakita ko sa kanya ang pagkagulat. Nawala rin naman agad yun dahil lumabas na ang kanya walang kupas na ngisi.

"Wow hon. Didn't expect that you'll miss me already. Bilisan umuwi ha." natatawa niyang sabi sakin

Ngumiti lang ako sa kanya at naunang umalis dahil nahiya ako sa ginawa ko. Ano ba namang naisip ko? Agad ko namang tinext si Mason na magkita na kami sa isang rooftop cafe ng matapos natong kalokohan nato. Buti nalang at hindi na niya ako pinaghintay ng matagal dahil malipas ng ilang minuto ay dumating narin siya.


"Thank you for giving me this chance Love."nakangiti pa nyang sabi sa akin ng makaupo siya

"Please don't call me Love. Umpisahan mo ng matapos na tayo." diretso kong sabi sa kanya at nakita ko na biglang siyang nalungkot sa inasta ko

"First of all, Lo...Shane...I'm really sorry for what I did. Sorry kung iniwan nalang kita ng basta at hindi man lang pinanindigan ang responsibilidad ko bilang ama ni Thor. Hindi mo lang alam kung gaano ako nagsisi sa ginawa ko. When I was ready to face and tell you all of this bigla naman akong pinadala ni papa sa states para asikasuhin ang business namin doon. I tried to catch up to you pero hindi ko alam bakit parang ang daming humahadlang. Buti nalang talaga at nakita kita sa convention. Hindi mo lang alam kung gaano ako nabuhayan ng makita kita doon, I really really miss you Shane." tapos hinawakan niya ang kamay ko.


Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko inalis ang kamay niya. Tiningnan ko siya at nakita kong ang sincerity sa mga mata niya. Tama ba itong gagawin ko? Bumuntong hininga muna ako bago ko sabihin ang sasabihin ko.


"Let's all forget about that Mason. Pinapatawad na kita. Hindi ko man nagustuhan ang rason mo pero naiintidihan kita. Alam ko naman kahit dati pa na hindi ka pa talaga ready sa ganoong klaseng responsibilidad. That's why we never did it. It just so happen that we were so drunk that night. Basta... just leave your own life for now. I will let you visit Thor time to time. Let me just first talk to Daniel about this. Asawa ko siya and he needed to know about my decision."

"May tanong lang ako sayo Shane..." seryoso niyang sabi sa akin

"Ano yun?"

"Do you Love him?"



Parang sirang plaka na nagreplay sa utak ko yung tanong niya. Do I love Daniel? Does giving myself to him means that I really love him? Is Daniel worth my love? Yan ang ilang mga tanong na pumasok sa isip ko. At ang tanga ko na siguro kung sasabihin kong...



"Hindi. I don't love him." sabi ko sa kanya then I held his hand...

"I love him so much that if he leaves me mas mahihirapan ako. Feeling ko mas masakit kapag siya ang nawala. I don't want to compare both of you. You're my soulmate but I think he's my partner in life." ngumiti lang siya sa sinabi ko

"I want you to be happy Shane. Hahayaan na kita sa kanya at hindi na pagsisiksikan ang sarili ko sayo. Lagi mo lang tatandaan na, I'm always here for you. I'm your bestfriend and eventhough I'm not your partner in life, ako naman ang iyong partner in crime." tapos ginulo niya ang buhok ko.

When everything was clear about us, about our relationship, pinagkwentuhan naman namin ang mga happenings sa buhay-buhay namin. I told him a little about Daniel pero hindi ang arrange marriage. He then told me his life in the States and how he hated going there. Alam ko kasing ayaw na ayaw nya pumunta dun eh. Hindi parin pala talaga siya nagbabago, siya parin ang Mason na nakilala ko.



"So before we go, still friends right?" sabay abot nya ng kamay sa akin

"Hmmmm...ofcourse." I smiled and then reached out his hand



Ang laking tinik ang nawala sa akin nung nagusap kami ni Mason. Tama nga sila na madadaan lagi sa maayos na usapan ang lahat at hindi dapat laging pinapairal ang galit. Masaya akong umuwi sa bahay at gusto ko rin sabihin ang totoong ginawa ko kay Daniel.



Nang makababa ako sa taxi ay napansin ko ang isa pang kotseng nakaparada sa tapat ng gate. At shit! Napamura talaga ako ng makita kung kanino yun. Papasok na ako sa loob ng bahay ng makasalubong ko siya.



"Kesha, anong ginagawa mo dito?"

"Bibisitahin lang sana kita kaso sabi ni Daniel may lakad ka daw? Ayos lang ba kayo ni Daniel? Mukha siyang pissed off? If that's the right term." shit! Lagot ako nito.

"Ah...ehh...Oo naman." hindi pa ako sigurado sa isasagot ko.

"Well, anyways, una nalang ako girl. I feel something fishy about you two. Ayusin nyo na muna ha. Heheh!" sabay beso nya sa akin

"Ah...sige. Ingat ka ah."


Nang makapasok ako sa loob ay bigla akong nanlamig ng makita syang nakatayo sa tabi ng pool. I'm so dead. Bakit ba kasi ang tanga ko? Bakit hindi ko ba sinabihan si Kesha about sa plano ko? Stupid ka talaga Shane!

Nung makalapit na ako sa kanya ay doon ko lang narealize na may kausap siya sa phone.




"Paalis na ako. Wait for me Nadia."




What the heck Nadia?


Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now