43: Guess

1.2K 19 2
                                    

"Hon? Are you serious?" Tanong sa akin ni Daniel ng makababa na ako.

"Anong ibig mong sabihin sa tanong mo?" Pagtataka ko naman.

"Yan talaga ang susuotin mo sa event? Gusto mo bang mapaaway ako? Magpalit ka ng iba." Seryoso niyang sabi pero tinawanan ko lang.

"Sorry hon pero ito lang ang damit na mayroon ako for tonight at kung mayroon mang iba ay hindi ako magpapalit. Ako mismo ang pumili ng damit na ito and for what I remember you agreed over the phone na pwede kong suotin ang kahit na anong gusto ko." Napabuntong hininga siya at lumapit sa akin.

"Fine. I'll let you win, but I'm telling you kapag napaaway ako hwag mo akong sisisihin." Natawa nalang ako sa kanya tapos ay hinalikan siiya sa labi.

We were invited for a charity event tonight and since Nadia would also be there, I wanted the perfect dress for our confrontation. I'm wearing a Gold V Neck Open Back Fitted Mermaid dress na parang tinadhana talaga sa akin. It fitted me perfectly and I really love it. Alam ko naman na hindi ito magugustuhan ni Daniel but what can I do? I fell in love with it.





Nang makarating na kami sa event ay punong-puno na ito ng mga tao. Ayon kay Daniel ay hindi lang daw mga kilalang tao sa businessworld ang invited dahil kasama narin ang mga nasa elite world. Bakit ba ang daming world sa mundo natin?

"Hon is it ok if I-" Dahil alam ko na ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya.

"Okey lang hon. Alam mo naman na hindi ko kaya ang skills mo sa pakikihalubilo. Doon lang ako sa table natin."

"Thanks hon. Promise mabilis lang ako." Bago pa man siya umalis ay naramdaman ko muna ang kamay niya sa exposed kong likod tsaka bumulong. "You already caught some men's attention ng dumating tayo, nagpipigil lang ako. I'll be watching you." Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako ng halikan niya ako sa labi.Napailing nalang ako ng makita ang malaking ngisi sa labi niya bago siya tuluyang umalis.





The event was B.O.R.I.N.G. Hindi ko naman talaga kasi scene ito. Wala parin ang bruhang si Nadia kaya naman mas lalo akong bored to death. I was about to leave my table ng mayroong biglang humarang sa akin. Maiinis na sana ako pero ng makita ko ang mukha niya ay natawa nalang ako.

"Hi Dear." Bati niya sa akin.

"Hi Dim. Akala ko ay hindi kana pupunta dito."

"Hindi nga dapat kaso nga lang ang aking fian-fian...fianc-...sorry nahihirapan akong sabihin. Hahaha! Si Nadia kasi kailangang may kasama ngayon dahil may injury siya."

"Injury? Anong injury?"

"Gusto niya kasing maging professional equestrian kaso nga lang nung nasa training nung Wednesday, tumaob siya sa kabayo at mali ang bagsak. Nabalian siya ng buto sa braso so naka-cast ngayon. Dapat ay hindi kami pupunta pero pinilit siya ng Dad niya at pinilit din naman akong sumama ni Dad so ito ako ngayon. Hehe. Oo nga pala, napaka napaka napakaganda mo ngayon. As always."

"Tigilan mo ako Dim. So Wednesday palang may cast na siya?"

"Yes. Kasama nga niya ako sa hospital eh." Pero imposible yun dahil nangyari yung incident sa pusa nung Wednesday. Anong ibig sabihin nito?

"Sigurado kaba?"

"Sure na sure. I'm with her since morning hanggang sa makauwi kami nung gabi. May problema ba?"

"Ah eh wala. Natanong ko lang. Nasaan nga pala siya?" 

"She's with Dad and there talking to Daniel. Bakit ka nga pala nandito lang mag-isa?"

"Hindi ko lang feel. Halos mabaliw na ako mag-isa buti nalang at sumulpot ka."

"Haha! You know that I'll always be at your service."

Mayroon pa sana akong sasabhin pero natigilan ako ng maramdaman ang isang kamay sa likod ko."Hi Hon. Sorry if ngayon lang ako nakabalik." Sabi ni Daniel.

"It's fine." Sa totoo lang hindi ako FINE. Nasa harap ko narin kasi si Nadia na mayroon ngang cast sa braso niya. Nagpapanggap ka lang bang babae ka?

"Hi Shane. Wow! You look great. Pregnancy is bringing out the glow in you."

"Ahm Thanks. You look pretty too. Kamusta na ang braso mo?" Kunwari concern ako kahit hindi naman.

"It still hurts pero kaya pa naman." Wala akong na maisip na sabihin sa kanya kaya naman siniko ko si Daniel para tulungan ako. Tumungin siya sa akin at buti nalang na-gets niya yung ngiting ginawa ko.

"Why don't we take our seats? The bidding is about to start." Sabi niya.

Dahil nasa ibang table sina Dim ay umalis narin sila. Nagpaalam naman muna ako kay Daniel dahil kailangan kong pumunta sa restroom. I was on my way ng marinig ko ang message notification sa phone ko, sigurado akong 8080 nanaman ito. Nang i-open ko ang message ay napakunot ako dahil galing sa unknown number ang text.





FROM: 0977******

Keep guessing because you guess it wrong.





Who the hell is this person! How did he or she know? Siguro ay nakikinig siya sa usapan namin ni Dim kanina or ni Nadia. Ibig sabihin ba ay narito lang din siya sa event? Pero sino sa mga tao dito?

Kailangan kong magpakatatag. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Nilakasan ko ang loob ko kaya kahit nanginginig na ang kamay ko ay tinawagan ko ang number na nagpadala ng message.

Ring

Ring

Ring

Hello mommy!

Nabitawan ko ang celpone ko ng marinig ang boses ni Thor. Shit! Mamatay ako kapag may ginawa siyang masama sa anak ko.Tatakbo na sana ako palabas pero bigla namang may humawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta Shane? Bakit namumutla ka?" Tanong ni Dim na halata ang pag-aalala sa mukha niya.

"I need to go home. Can you tell Daniel na umalis na ako. Mayroon lang emergency sa-."

"I'll drive you home. Hindi ko hahayaan na umalis ka mag-isa." Hindi narin ako tumanggi sa kanya dahil kailangan ko na talagang makauwi.

Nang makasakay na kami sa kotse ay ako na ang nag-message kay Daniel na umuwi na ako. Tumatawag ako sa mansion pero walang sumasagot pati rin ang yaya ni Thor hindi sumasagot sa tawag ko. Please wala sanang mangyaring masama sa kanila. Please po.


Nang tumigil na ang kotse ni Dim ay agad akong lumabas at dumiretso sa bahay. Walang nagbukas ng pinto at wala rin tao sa baba kaya naman lalo akong kinabahan. Aakyat na sana ako sa hagdan ng marinig ang ilang tao na nagtatawanan sa may pool area. Agad akong pumunta doon at nang makita ko silang lahat ay hindi ko na napigilan...napaluhod ako at umiyak.

"Mommy!" Rinig kong sabi ni Thor.

Agad din namang lumapit sa akin sina Mama at tinanong kung anong nangyari sa akin. Hindi ko sila masagot. Hindi ko masabi na may nagtatangkang masama sa akin. Gusto ko lang talaga malaman kung bakit niya ginagawa ito. Bakit sa akin pa?

Isang notification nanaman ang natanggap ko sa phone ko. Kahit patuloy parin ako sa pag-iyak ay binasa ko ito.





FROM: 0977******

Ooopsie. You guess it wrong again. :)

Just Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon