32:

1.9K 33 0
                                    

"Ano ba naman pumasok sa isip mo at isinama mo ako? Ang sabi ko kagabi,  ayaw kong sumama diba?!" naiinis kong sabi sa lalaking katabi ko ngayon. Hindi ko siya kilala ngayon dahil bwisit ako sa ginawa niya.

"I just can't leave you there hon. I'll be gone in a week and for sure hindi mo ako papakinggan kapag sinabi kong 'wag kang pumasok sa office. Alam ko naman kahit napipilitan ka ay dedicated ka sa trabaho mo."  cool lang niyang sabi habang nagbabasa ng magazine dito sa eroplano.

"Pero sana naman pinaltan mo ang suot ko. The heck Daniel! Nakapajamas lang ako at andito tayo ngayon sa isang business class na plane. Nakakainis ka!"

"Nakajacket ka naman kaya hindi halata.Naisip ko na kapag pinaltan pa kita ng damit ay baka matagalan tayo at mahuli sa flight natin." kumindat siya matapos ay ngumisi sa akin.

"Very funny Daniel. Very funny. I hate you, do you know that?"

"I'm very aware of that hon...and you know I love you right?" umiwas ako ng tingin pero narinig kong natawa siya.

"Bakit hindi pa tayo umaalis?" halos 15 minutes na kami dito sa loob pero hindi parin kami umaandar.

"We're still waiting for someone. I'm not sure who, pero we still have 10 minutes left to wait."

"Okay."

Buti nalang at iilan lang kami dito sa eroplano. Mga 8 lang ata kami. Yung iba ay nakita ko na sa mga events na napuntahan namin. Natatakpan naman ng malaki kong jacket ang suot kong pajama kaya hindi narin nila nahalata, pero yung buhok ko sabog sabog. Bwisit na Daniel to.

"Sorry for the wait guys." parang pamilyar sa akin ang boses na iyon.





"Dimitri?" "Dim?" sabay pa naming sabi ni Daniel ng makita siyang dumating.

"Well hello Mr. and Mrs.Sy." medyo nailang ako dahil sa mas matagal siyang tumitig sa akin.

"Akala ko ay hindi ka makakasama at ipapadala nalang ang VP nyo?" tanong ni Daniel. Buti nalang at nagsalita siya.

"Last minute changes. Alam mo naman na hands-on ako sa mga new projects kaya inayos ko ang schedule ko para makasama."

"I see." maikling sagot ni Daniel. Naupo narin si Dimitri at sinabihan na kami ng mga flight attendants na magsisimula ng magtake-off ang eroplano.

Habang nasa byahe ay nalaman ko na si Dimitri pala ay bagong business partner nila Daniel. Kahit na ayaw niya sa kanya ay wala na siyang nagawa dahil nakapirma na ito ng kontrata sa kanila. Ang ama ni Daniel  ang malapit dito at naging dahilan kung bakit naging parte siya ng kompanya.

Nasabi din sa akin ni Daniel na nakiusap ang ama niya sa kanya na 'wag galawin si Dimitri dahil malaking tulong ang kompanya nila sa kanila. Kahit kating-kati na siyang sapakin ito ay hindi niya magawa dahil sa respeto sa ama niya. Natatawa nga ako sa itsura ni Daniel dahil halatang nagpipigil siya. Ang sexy talaga niya magalit...ehem..ibig kong sabihin ang sexy ko talaga.






Nang makarating kami sa Cebu ay agad kaming dumiretso sa hotel. Ang sabi ni Daniel ay pupunta sila sa site mamayang alas-dos ng hapon dahil gusto muna nilang makapagpahinga. Mayroon pa kaming apat na oras, buti naman.

"Daniel!!!" sigaw ko mula sa kwarto ko. (Nasa president suite kami kaya may sarili pa kaming mga kwarto.)

"Yes hon?" halatang nagtataka siya sa pagsigaw ko.

"What the heck is this? Bakit mas madami ang undergarments ko kaysa sa mismong damit? Ang manyak mo talaga!"

"Hahaha. Sorry hon. Yung iba kasi dyan ay hindi ko pa nakikitang suot mo kaya dinala ko. Malay ko ba kung topakin ka. Haha."

"Walanghiya!" at binato ko sa kanya ang sapatos ko. Lumabas nalang siya na tawa ng tawa. Baliw talagang lalaki! Bakit ba kasi ako nakapag-asawa ng baliw, manloloko, manlilinlang, gwapo, hot, sexy...my gosh! Mas baliw ata ako.



Makalipas ng apat na oras ay lumabas ako sa kwarto ko at kasabay ko din siya."Saan ang punta mo?" tanong niya

"Errr...sasama sa inyo."

"No. Stay here. Ayaw kong may mag-enjoy dahil kasama ka."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Just stay here hon. Mabilis lang din naman kami kaya makakabalik ako before dinner." hinalikan niya ako sa labi sabay alis. Hindi man lang ako pinagsalita.

Nang makaalis na siya ay naisipan ko nalang magstay sa isang cottage malapit sa beach. Suot ko ang paborito kong black two piece na pinartneran ko ng isang maong na shorts para hindi naman masyadong bulgar... pero ang dami paring nakatingin sa gawi ko. Haaiiisssttt.

"God. Your damn sexy." tinanggal ko ang shades ko para tingnan ang nagsalita.

"Hahah. Thanks for the compliment Dimitri. Anong ginagawa mo dito? Akala ko ay pupunta kayo sa site?"

"We were about to pero may nakalimutan ako sa room ko kaya pinabalik ko ang secretary ko. I was waiting in the car ng makita kita. Hindi kaba pinasama ni Daniel?"

"Ahh ehh...hindi naman. Ayaw ko lang talaga kasi wala akong alam sa project nyo." at ngumiti ako sa kanya.

"If you keep on smiling while wearing that...I'd definitely just stay here."

"Baliw ka talaga." ano pa bang sasabihin ko? At thank you! Tumunog ang phone niya.

"Andyan na pala ang secretary ko. See you later Mrs.Sy." nagpaalam narin ako sa kanya. Napakapilyo talaga ng lalaking iyon. Haha.



Sa pagkakaalala ko ay pumikit lang ako ng ilang minuto, pero nakaisang oras at kalahati na pala akong tulog dito sa cottage. Tatayo na sana ako ng mapansin ang towel na nakatakip sa katawan ko. Wala naman akong dala na gantong towel ah.

Nang tingnan ko ang phone ko ay may 20 missed calls na ako kay Daniel kaya naman ay agad ko siyang tinawagan.

"Where the heck are you?! Tawag ako ng tawag sayo ah." bungad niya sa akin.

"Andito sa may beach. OA mo naman para namang mawawala ako." nang wala akong narinig na sagot sa kanya ay tsaka ko lang narealize kung bakit.

"Hey. I'm just here at the beach. Paakyat narin ako para makapagpalit." at nagsimula na nga akong maglakad pabalik sa room.

"Gusto mo bang sunduin kita?"

"No need. Dito na ako sa elevator." at ako nalang ang nag-end ng call.

Nang makarating ako sa suite namin ay naabutan ko siyang kunot noong naghihintay sa sofa. Hindi ko nanaman tuloy mapigilang hindi matawa. Ang cute...este nakakatuwa talaga siyang magalit.

Lumapit ako sa kanya at pinitik siya sa noo."Tigil-tigilan mo nga yang pagkunot mo ng noo. Magmumukha kang matanda niyan." at tinawan siya. Aalis na sana ako ng hinigit niya ako pabalik kaya naman ay napaupo ako sa kanya.

"Please don't do that again." ngumiti ako sa kanya at tumango. Paano ko naman gagawin yun kung may pang-blackmail siya sa akin.

"Medyo malagkit na ako. Maliligo na muna ako then pwede na tayong mag-dinner."

"Hon." sabi niya matapos akong tingnan mula ulo hanggang paa.

"Ano?"




"Can I...eat you instead?" at isang malakas na batok ang binigay ko sa kanya.

Umalis na ako sa pagkakaupo sa kanya at agad na pumunta sa kwarto ko. Bwisit na lalaki yun wala paring tigil sa pagtawa.

Just Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon