50: The Ending: Part 2

618 19 0
                                    

"Mason, bakit kailangang saktan mo pa si Nadia?"

"Sa totoo lang, hindi ako ang may gawa kung hindi itong bantay niya. Baka naiingayan o ano. Kilala ko yang si Nadia na bratinela. Kahit siguro ako hindi na makapagtimpi."

"Napakasama mo! Napakasama mo!"

"Oo na. Masama na kung masama. Ano kaya magandang gawin ngayon sa iyo? Mukha ka kasing naiinggit sa kaibigan mo, bakit hindi mo siya damayan?"

"A-anong ib-" Hindi na ako nakapagsalita dahil tinakpan nung kasama niyang lalaki ang bibig ko. Pagkatapos ay tinali ang kamay at paa ko.

"Akala mo ata buhay prinsesa kalang palagi Shane. Hayaan naman nating maramdaman mo ang sakit ng mundo."

May inabot sa kanya yung lalaki na paperbag at nagpipiglas ako ng makita ang laman.

"Oh? Takot ka sa kutsilyo Shane? Hindi naman ata masakit ito pero bakit hindi natin subukan sayo!" Sa isang iglap ay nasugatan niya ang hita ko.

Gusto kong sumigaw ng malakas! Pero hindi ko magawa.

"Wag mong gawin yan! Itigil mo yan please. Maawa ka!" Sabi ni Nadia."Maawa ka please!"

"Wow! Besties na kayo? Kung ganun ay gusto mo rin atang maramdaman ang naramdaman niya."

Nagpipiglas muli ako at pinilit na sumigaw para itigil nya ang gagawin niya pero wala akong nagawa. Tanging pagiyak lang ang nagawa ko ng marinig na sumigaw si Nadia sa sakit.

"Hmmm, mukhang kulang pa ng isa. Bagay atang sa mukha naman? Tapos isusunod ko ulit si Shane?" Aakto na siyang susugatan ang mukha ni Nadia ng bigla akong makarinig ng putok ng baril.

Ilang sandali lang ay bumagsak na yung lalaking nagtali sa akin. Pagtingin ko sa harap ng gate ay andun si Daniel, Dimitri at ilang pulis.

"Aba nga naman. Kumpleto ang tropa." Matapos niyang sabihin yun ay hinila niya ako papalapit sa kanya. Pinagtabi niya kami ni Nadia at tinutok ang kutsilyo sa dibdib niya.

"Itigil mo na ito Mason! Ganyan kaba kababaw na mga babae ang sinasaktan mo?" Sabi ni Daniel mula sa gate.

"Pati pala itong asawa mo Shane madrama rin." Bulong niya sa akin."Sa totoo lang kahit na mamatay ako, OK lang! Sino ba ang malulungkot? Hindi ako. Kundi kayong dalawa! Isasama ko silang dalawa sa akin at yun naman ang higanti ko sa inyo Daniel at Dimitri!"

"Please lang. Ano ba talaga ang kailangan mo Mason? Ibibigay ko lahat. Hwag mo lang sila sasaktan." Pagmamakaawa naman ni Dimitri.

"Kung ano man ang meron kayo, meron rin ako. Kaya naman kukunin ko nalang itong dalawang babae na ito na importante sa inyo. Magsama man kayo ng pulis wala ring silbi dahil nasa akin ang mga alas nyo. Kayo ang talo! Lalong lalo kana Daniel. Kukunin ko na ang asawa mo pati ang magiging anak niyo."

Nagulat nalang ako ng may nilabas pa siyang isang kutsilyo. Kung ang isang kutsilyo ay nakatutok sa dibdib ni Nadia, tinutok naman niya ang isa sa tyan ko.

"Tandaan niyo ito! Barilin nyo man ako! Sisiguraduhin ko na ang huling lakas ko ay para maisaksak itong mga ito sa kanila! At iyon ang Happily.Ever.After.namin."

Parehong namumutla ang mukha nina Dim at Daniel. Kahit ako, hindi ko alam ang gagawin sa sitwasyon na ito. Marahil kahit ang mga pulis rin.

Sa totoo lang ay kasalanan ko itong lahat. Ako ang dahilan kung bakit nagkaganito si Mason. Ako ang dahilan bakit puro poot siya at humantong pa dito. Ako ang dahilan kung bakit andito kaming lahat. Ako ang nagsimula, pwes ako ang tatapos.

Tiningnan ko si Daniel. At dahil alam kong kilala niya ako ay nababasa niya ang gagawin ko. Ilang beses siyang umiling, pero pinilit kong ngumiti sa kanya para mabawasan man lang ang mararamdaman pa niyang sakit. Bago pa man siyang magtangka na tumakbo papunta sa akin ay inunahan ko na siya.

Mahal na mahal kita Daniel.

Ang huling narinig ko nalang ay ilang putok ng baril at huling nakita ay ang bumagsak na si Nadia.

💐💐💐💐💐
Daniel's POV

Wala ng mas sasakit pa na makita na wala na ang mahal mo. Wala ng mas sasakit pa na unti-unti na siyang binabaon at hindi na mabibigyan ng pagkakataon na makita pa ang mundo. Wala ng mas sasakit pa na kahit gaano mo pinagkakaingtan ang isang tao, darating ang panahon na kukunin rin sila sayo.

"Daniel, tara na. Malakas na ang ulan." Sabi ni Dimitri.

"Mauna kana. Gusto kong maiwan dito hanggang sa matapos ang lahat."

"Kung ganun ay iiwan ko na itong payong sa iyo." Pilit niyang pinahawak ang payong sa akin at muli akong tinapik sa balikat bago tuluyang umalis.

Alam kong kahit siya ay nalulungkot sa nangyari. Alam ko na kahit sino sa pamilya ko nalulungkot sa nangyari. Bago pa man magsimula ang libing ay nahimatay na si Mom kaya kailangan siyang samahan nina Dad. Masyadong masakit sa kanila ito.

Kahit anong isip ang gawin ko, sa tingin ko wala na rin akong magagawa nang sandali na yun. Huli na. Huli kong nalaman. Nahuli pa ako ng dating.

Sadyang may katapusan para sa lahat.

Paalam, mahal ko.

Just Married A StrangerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora