38: Won

1.7K 28 0
                                    

Nakakailang sabunot na ako sa buhok ko. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap. As in sobrang hirap! Alam mo yung mayroon ka ng idea sa utak mo pero kapag gusto mo nang i-apply,Nga Nga!

"What's wrong Hon? Mukha kang galing sa Gera?" natatawa niyang sabi sa akin.

"Ha-ha-ha nakakatawa Daniel. Hindi mo ba nakikitang nahihirapan ako sa pagplaplano ng design, floor plan, theme at kung anu-ano pa."

"Bakit ba kasi hindi mo nalang tanggapin ang inaalok ko sayo na-." tiningnan ko siya ng masama dahil alam naman niya kung anong isasagot ko sa kanya.

"Sayang lang ang pera sa pagkuha ng interior designer. Tsaka baka mag-clash lang kami kapag iba ang gusto niya sa gusto ko. Alam mo yun?"

"Ohhh Chill lang hon. Yung ilong mo umuusok. Ok ok if you don't want it I'll not push you. Relax lang ok? Don't stress yourself." at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti nalang ako sa ginawa niya.

"You've been in the room since morning, why don't we go out for Lunch?" napabuntong hininga nalang ako dahil ang cute niyang tingnan.

"Ok."

"Good. Go fix yourself at ako ng bahala kay Thor."

"Yes boss." Natawa nalang siya sa akin at naglakad papunta sa pinto. Bubuksan na sana niya yung pinto ng bigla siyang tumingin sa akin.

"Nga pala Hon."

"Oh?"

"I love you..." at pinakita ang nakakatunaw niyang ngiti. Sasagot na sana ako kaso lang ay lumabas narin siya.

Kahit hindi naman ako ganun kagutom napilitan narin ako kumain kasi ba naman sa isang buffet restaurant kami dinala nitong walang kasing gwapo kong asawa. Oo na gwapo na talaga siya. Gusto ko na ngang baliin yung leeg ng mga babaeng nakatingin sa kanya ngayon ehh. Ang sarap sabihin na "Hindi kasama sa mga ulam yung asawa ko."

"Hon what's wrong? Medyo mahigpit na ang pagkakahawak mo sa bread knife." Ikaw! Bakit ba kasi naman pinanganak kang ganyan.

"Pwede ba sa susunod mag-cap ka o hoodie. Alam mo yun, mag-blend in ka. Medyo kitang-kita ka eh." nakasimangot kong sabi sa kanya at kaysa magtaka sa mga pinagsasabi ko ang lawak pa ng ngiti niya. Lumapit siya sa akin sabay akbay at bumulong na...

"You know what Hon. I was about to say something similar to what you said. You see that guys in front of us or even the guys beside them. They f*ckin keep on staring at you and I'm almost on the point of owning you right here." hinalikan niya ako ng marahan sa tenga. "Gusto kong makita nila na akin kalang...akin lang." Hinarap niya ang mukha ko sa kanya at hinalikan ako sa labi. Anak ng tokwa!!! Sigaw ko sa kaloob-looban ko.

"Ihhhh ang sweet naman ni Ma'am at Sir." biro sa amin ng Yaya ni Thor. Hindi ko tuloy mapigilan ang mas lalong mamula. Walang hiyang lalaki talaga to oohhh! Tumawa nalang si Daniel sa reaksyon ni Yaya at tumingin sa akin na para bang walang nangyari.

Ang init na masyado, kailangan ko ng dessert. Tumayo ako bilga at pumunta sa ice cream section. Dapat galit parin ako dahil gwapo siya ehh, pero binaligtad niya ang lahat. Haaiiissst.

"Naiinitan kaba Hon?" tumindig ang balahibo ko ng maramdaman ang labi niyang nakadikit na sa tenga ko.

"Oo! Kaya please. Tigilan mo na yan." natulala siya ng ilang segundo tapos ay tumawa na para bang walang bukas.

"Hahaha! Again, chill lang hon. Kukuha na nga lang kita ng ice cream para naman hindi kana ma-i-ni-tan."Bwisit ka talaga Daniel!

"Sige tawa pa Daniel. Sige tumawa ka pa." Ngumiti nalang siya bilang sagot sabay akbay sa akin.

"Ako na magdadala nitong mga ice cream."

8pm na kami nakauwi ng bahay dahil medyo nawili ako sa kakatingin ng mga furnitures. Yung biglang may papasok na idea sa akin tapos pinagtatagpi-tagpi ko sila sa mga furnitures na nakikita ko. Inaalok na nga sa akin ni Daniel na bilhin yung mga gusto ko pero tumanggi ako dahil hindi pa naman ako sigurado kaya kinuhanan ko nalang muna ng mga pictures para pag-isipan ko maigi.

Matapos kong patulugin si Thor ay nagpahinga narin ako sa kwarto namin. Si Daniel naman ang busy ngayon at nasa office niya. Dahil sa hindi ako makatulog ay pinuntahan ko siya sa office niya.

"Daniel anong ginagawa mo?"

"Just finishing some paperworks. Simula ng mawala ang sexy kong secretary mas gusto ko nalang dito sa bahay magtrabaho."

"Whatever." at bigla akong may naisip.

Lumapit ako sa kanya at inilayo ang hawak-hawak niyang papel."You know what, why don't you just do it later." Ako naman ang lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa ng marahan sa balikat at bumulong..."Why don't you just do something with me instead?"

Tumingin siya sa akin at may nakita akong parang kislap sa mga mata niya."Kung gumaganti ka sa akin Hon then it's better if you stop now."

Lumapit muli ako sa tenga niya at bumulong na..."Bakit di mo subukan para malaman mo kung gumaganti ako o hindi?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hilahin at pinaupo sa mesa na nakaharap sa kanya."Sabi ko naman sayo... tumigil kana Hon." Bulong niya rin sa akin pero nakaharap ang labi niya sa labi ko. Taena! Bakit ang hot ng move niyang yun.

"Ehh paano kung ayaw ko?"balik ko sa kanya kahit alam ko nanan na hindi niya ako uurungan. Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngisi sabay hila ng mga binti ko para mapulupot sa bewang niya.

"Sorry hon." nagulat ako sa sinabi pero matapos nun ay hinalikan na niya ako. Shit! Ginagalingan talaga niya. Ginagawa kong suporta ang nakapulupot kong binti sa kanya habang hinahalikan niya ako mula tenga, leeg pabalik sa labi ko. Oh my shit! Hindi ko na napigilan at mas diniinan ko pa ang labi ko sa kanya pero matapos ko na gawin yun...

Dahan-dahan niyang inalis ang binti ko sa kanya tapos yung kamay kong nakahawak sa braso niya. Naglakad siya papuntang pinto pero bago pa man niya hawakan yung handle...






"Sorry hon. I won." At tumawa ng todo ang bwisit!!!

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now