21: Mason jar

1.5K 29 0
                                    

"Do you feel better now?" tanong sa akin ni Mason at nakikita ko parin ang pag-aalala sa kanyang mga mata



Tumango lang ako sa kanya at napabuntong hininga. Andito kami ngayon sa suite nya. Bakit kamo?



While I was crying like crazy a while ago, he offered me to stay in his suite para mapagusapan ang dahilan ng pag-iyak ko. Sa totoo lang, puro iyak ang ginawa ko at hindi na nasabi sa kanya ang dahilan ko. Na-appreciate ko naman ang hindi nya pagtatanong masyado at hinayaan lang akong umiyak sa balikat nya.

"That's good then. Anong gusto mong kainin? For sure hindi ka pa kumakain." at ngumiti sya sa akin

"Okey lang Mason. Hindi naman talaga ako nagugutom."

"No love. Oh sorry...I mean, Shane. Oorder parin ako, Hindi mo ba alam kung gaano ka katagal umiyak? Halos iiyak mo na nga lahat pati ata bituka mo ilalabas mo na eh. I would not ask you the reason, just please eat." and I saw how sincere he is

"Ok Mason. Kung yan ba ang makakapanatag ng loob mo. Salamat pala ah. Sorry at naabala pa ata kita."

"Never kang makakaabala sa akin Shane. Your my friend and I'm always here for you." hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaawa sa sinabi nya. Haaayyy.

"Thank you. Bakit ka nga pala nandito sa Singapore?" pag-iiba ko ng usapan

"Meron kasi akong nakita online na magandang sapatos at dito lang daw mabibili kaya ito, napalipad ako ng wala sa oras. Heheh! Masyado kasing matagal kapag pina-ship ko pa kaya ako na mismo ang pumunta."

"Hindi ka parin pala nagbabago. Mahilig ka parin sa sapatos at walang makakapigil sayo kapag gusto mo.Hehe."

"Oo nga ehh. Ganun parin naman ako Shane, kaso mukhang may mga bagay parin pala talaga na kahit gusto ko hindi ko makukuha." at nakita ko na parang nalungkot siya. Alam ko naman ang tinutukoy nya and as much as I want to comfort him, hindi pwede dahil ako ang dahilan.

"Haay nako! Wag na nga tayo magdrama dalawa. Hehe! Doon nalang tayo sa buffet sa baba kumain. Ako nalang ang manlilibre sayo since hinayaan mong madumihan ko ng luha at sipon yang damit mo."

"Haha! Sure. Yan ang Shane na kilala ko, laging nakangiti."





I just smiled at him. Hindi ko na hahayaang maapektuhan ako ng mga nangyari kanina. Naiyak ko na lahat kaya hindi na ako mag-iinarte. Lalong lalo na hindi ko dapat iyakan ang impaktang si Nadia. She's gonna be sorry for making me feel this way, and for Daniel? Well, it's still a question.











It's supposed to be my flight today pero pinigilan ako ni Mason. Niyaya nya akong mamasyal since alam nyang first time ko lang dito sa Singapore. He said that I need to enjoy so that I can forget my problems... temporarily.



I actually enjoyed his company. Lagi naman akong masaya kapag kasama siya pero noon yun, before that incident happened. Hindi ko akalain na malilibot namin ang Singapore for a whole day. Wala nga akong naramdamang pagod dahil sa nakakatuwa siyang kasama. I still can't believe how I fell out of the love to this guy. Well, things change. He has no guts to be a man that is the reason why I love him less.





What if he didn't make that decision to run away? What if he chooses responsibility instead of being a coward? What if?





"Uyy! Bakit nakatulala ka Shane? Pagod kana ba?"

"Ha? Hindi noh. Sobrang enjoy ko nga ehh. Grabe ang sarap pala mamasayal dito. Talagang babalik ako dito kasama si Thor at si..." natigilan ako dahil naalala ko nanaman siya

"Tara Ice cream. Meron ditong malapit na ice cream parlor. Alam kong magugustuhan mo doon." pag-iiba ni Mason ng usapan. Mukhang alam na nyang mayroon kaming hindi pagkakaintindihan ni Daniel.





Tumango ako sa kanya at ngumiti. Thank you Mason.











Nakabalik na ako dito sa Pilipinas at hindi ko parin alam papaano haharapin si Daniel. I was thinking on what to do the whole flight but nothing. Nothing came up on my mind. Gosh! Sa maldita kong to dapat nga sinusugod ko sya at pinagsisigawan pero I can't. I cant't do that to Daniel. He's too nice to be treated that way. I know he has his reasons, ako lang talaga ang nag-inarte.



Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni Thor. Tatlong araw lang ako nawala pero parang isang bwan na ang nakalipas. Miss na miss ko talaga ang anak ko. Matapos kong ibigay ang mga pasalubong ko ay agad din namang akong dumiretso sa kwarto. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nung hawakan ko ang door knob. Ang sabi kasi ng maid namin ay nandito na si Daniel at hinihintay akong makarating. Buti pa sya, alam nya na parating ako samanatalang ako walang kaalam-alam kung kailan sya uuwi noon.





Nang mabuksan ko ang pinto ay naabutan ko syang nakaupo sa mini sofa sa kwarto namin, Agad din naman siyang napatayo nung nakita ako. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang pag-aalala at kung ano pang emosyon na hindi ko mabasa.

"Shane..."sambit nya

I ignored him at dumiretso nalang sa banyo para makapagpalit. Hindi ko ata kayang marinig ang boses nya. His voice makes me weak which means easily forgiving him. I need to hear his reasons first.

Nang matapos ako ay nagitla ako ng makitang nasa harap lang siya mismo ng pinto ng banyo. He was staring at me as if I did something wrong or he did something wrong. I really don't know.

"Hon, can we talk?" tanong nya sa akin

"I'm not in the mood for a talk Daniel. I want to rest."

"I just want to explain myself hon."

"Not today. Hindi pa ready ang utak ko. Magpapahinga muna ako." at nilagpasan siya



Hinawakan niya ang braso ko at para akong napaso nung maramdaman ko ang kamay nya. Pilit kong inalis ang kamay niya at dumiretso na sa paghiga. Hindi ko na siya hinarapan matapos nun.













"I will never allow that guy to steal you from me Shane. I will freaking break him like a mason jar."





Mayroon siyang sinabi pero hindi ko na narinig dahil sa sobrang pagod.





Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now