37: 2nd

1.6K 31 0
                                    

"Hello? Hello!!!" aba nga naman talaga at binabaan ako. Napaka talaga! Napaka! Tinawagan ko ulit ang phone ni Daniel pero nakapatay na. Aba nga naman talagang talaga oh! Makakatikim sa akin kung sino man ang sumagot ng tawag na yun.

Agad akong nagpalit ng damit at trinack ang sasakyan ni Daniel since nakaON ang GPS niya.

"Cole's Bar?" nagawa pa niya talagang makapag-bar at ngayong araw pa talaga na ito?!

Nagmaneho agad ako papunta sa lugar. Kung anu-ano na nga ang tumatakbo sa utak ko muntik pa akong makabangga ng aso. Nakakainis naman tong feeling na ito.

Nang makarating ako sa bar, tinanong ko agad sa receptionist kung may private meeting or whatever si Daniel Sy at sinabi niya ngang may isang VIP room na kasama siya sa guest list. Agad din naman nila akong pinapasok dahil sinabi kong asawa niya ako.

Nang naituro na niya ang kwarto ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Hindi ko inaasahang makita ang dalawang lalaki na mahimbing na natutulog sa mesa. Mas lalong hindi ko inaasahan na makita na sina Dim at Daniel iyon, pero ang nakapagpainit lalo ng ulo ko ay ng makita si Nadia na haplos ang mukha ng asawa ko at hindi sa fiancee niya. I just knew it.

"Sorry to interrupt. I'm here for my husband." mukhang hindi niya inaasahan ang pagdating ko kaya naman ay agad siyang napatayo. Lumipat siya sa side ni Dim looking all concerned kahit hindi naman talaga yun ang ginagawa niya kanina.

"They we're invited by Mr.Park, one of the investors but he already left. Nagpaiwan itong dalawa and when I came here both of them are drunk." wala akong pakielam sa mga sinasabi mo.

"So napagkamalan mong si Dim si Daniel ganun?" hindi mo ako mauutakan girl.

"No.No.No.You got it all wrong Shane. I'm just checking on him since I heard him ask for water. I was just making sure I heard him right." lokohin mo lelang mo Nadia.

"I'll take him home. Thanks for checking him then." sabi ko in the most sarcastic way.

Nagpatulong ako sa mga bouncer na ihatid si Daniel sa kotse. Good thing they were nice people. I was still pissed as hell nang makarating na kami sa mansion.

Nang inaalis ko na ang coat niya ay hindi ko inaasahan na itulak niya ako ng marahan."Please no, alam kong tempting ako pero may asawa na ako." sabi niya kahit nakapikit. Natawa nalang ako sa kanya.

"Okey lang, hindi ko sasabihin sa asawa mo." biro ko.

"Pero ako sasabihin ko. Hindi na ako magsisinungaling sa kanya." nahihirapan pa niyang sabihin dahil sa kalasingan. Natouch naman ako kahit paano sa narinig ko. Inalis ko nalang ang sapatos at medyas niya at hinayaang suot ang suit niya.






Kinaumagahan ay naabutan ko si Daniel na nasa pool. Inaalis siguro ang hang over niya. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at agad umahon.

"Hon, I'm really sorry about what happened. Dapat sinabi ko sayo about the invite of Mr.Park. Akala ko kasi makakaalis agad ako pero may di ako inaasahang nakita." biglang nawala ang ngiti sa mukha niya ng parang may naalala siya.

"Ano yun?"

"Wala hon. Still mad at me?" kissing the tip of my nose.

"Hindi. May kasama ba kayong babae kagabi?"

"Huh? Wala. All boys lang kami." So I guess it's Nadia who answered the call.

"Fine. Kumain kana ba? Pagluluto kita."

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin."Sorry kung hindi natin nacelebrate ang anniversary natin."

"Okey lang Daniel." maikli kong sagot. Umalis ako sa pagkakayakap niya at sinabihan na gagawan ko lang siya ng soup for hangover.

Nakita ko ang disappointment sa mukha niya. I'm disappointed too, Daniel.






I was busy all day planning about the cafe. Ang hirap pala kapag sarili mo ng business ang aasikasuhin mo. Si Daniel MIA. Bigla nalang nawala after lunch at hindi man lang nagsabi kung saan pupunta. Bahala siya. I decided to take a nap dahil yung utak ko hindi na makapag-isip ng maayos.

Nagising nalang ako dahil sa sakit ng bewang ko. Ang pangit pala ng pwesto ng pagtulog ko. Pagtingin ko sa oras ay alas-syete na. Naisipan kong lumabas na ng kwarto para ma-check si Thor.

Napahawak ako ng bibig ko ng makita ang buong hallway pababa ng hagdan na may rose petals at mga kandila na hugis puso sa dadaanan ko. Sinundan ko lang ang mga ito hanggang makarating ako sa pool area. May mga bulaklak din sa pool at floating candles. Ang gandang tingnan. Hindi ko inaasahan ang isang malaking screen sa may garden at ng magumpisa itong magplay ng video ay hindi ko napigilang umiyak.

Ito yung same na video last year kung saan ko nalaman ang lahat pero ng matapos nun ay napaltan ito ng salitang Mahal kita dahil...

Pinakita nito ang pictures ko nung college. Candid shots, I was smiling, talking to my friends, just walking and even when I'm eating. How did he got all of this?

Mahal kita dahil sa mga simpleng ginagawa mo pero may komplikadong epekto sa puso ko.

Mahal kita kahit sa pag-ngiti mo palang. Simple pero nakakabaliw.

Mahal kita kahit wala kang ginagawa. Mahal kita dahil ikaw yun at wala ng iba pang hihigit dun.

Mahal kita dahil ikaw si Shane...at walang makakapagpabago ng nararamdaman ko sayo.

Lumabas naman sa screen ang mga pictures namin nung kasal at nung magkakasama kami ni Thor. We really look so happy.

Namatay yung screen at biglang umilaw ang buong garden forming the words "Happy Anniversary Hon."

"I love you." rinig kong sabi niya sa likod ko. Hindi ko parin mapigilan ang umiyak pero natutuwa akong makita na matching suit sila ni Thor. Nagiging magkahawig na sila.





Pinunasan ko muna ang luha ko sabay hila ng collar ng suit niya..."I love you too." and kissed him like he was never been kissed before.

Just Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon