29: Gotcha

1.8K 31 0
                                    

"Hey Hon, wake up. Pupunta tayo sa office." pang-limang beses ko ng narinig na sabi niya sa akin pero hindi ko parin siya nililingon.

"Do you want me to take you to the shower and bath you myself?" sigurado akong nakangisi siya habang sinasabi niya yun. Grrrr! Epal talaga!

"What's your problem Daniel? It's 7 in the morning! At ano naman ang gagawin ko sa office mo?" feeling ko naglabasan na ang ugat sa noo ko.

"You no longer work on the coffee shop so you'll work for me." napabuga ako ng hangin sa sinabi niya.

"Excuse me?"

"You'll work for me. Nilipat ko ang secretary ko sa ibang department kaya ikaw ang papalit sa kanya."

"Talagang sumusobra kana ha?! Ang sama mo talaga! Pinabalik mo ako dito ng sapilitan or should I say dahil wala akong choice, ngayon naman gagawin mo akong secretary mo?" biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Para siyang nasaktan o nalungkot sa sinabi ko pero bigla din naman yun nawala dahil ngumisi siya.

"Well again, you have no choice. Deal.With.It."

"I hate you to death Daniel. You're more evil than I thought." naningkit ang mata niya sa sinabi ko

"Well hon, people became evil just to get something they really want." tumayo na siya at lumabas ng kwarto.

"Let's see Daniel. Hindi mo laging makukuha ang gusto mo." bulong ko sa sarili




Agad din naman akong naligo at nag-ayos dahil dahil for sure magtatalo nanaman kami kapag hindi ako sumunod sa kanya. Nakakapagod kayang makipagsigawan sa kanya lalo na't lagi nalang ako talo. Hawak niya ako sa leeg kaya obligado akong gawin ang gusto niya.


Wala kaming imikan habang nasa sasakyan at ng makarating sa office niya.Ano naman ang alam ko sa pagiging secretary noh? Mas gusto ko pa nga sa brewery nila dahil at least dun may mga kape.


Umupo siya sa swivel chair niya at nagumpisang magbasa ng mga papel na naiwan doon.Ano nabang gagawin ko? Umubo ako ng slight para naman mapansin niya, "Hello? Andito ako." Aba! Patay malisya. Napagdesisyunan ko nalang na lumabas dahil andun naman talaga ang mesa ng secretary niya.

"Where are you going?" taas kilay niyang tanong.

"Eeerrrr...outside? Kung saan dapat ako."

"You know very well kung saan ka dapat and it's not outside." nakangisi niyang sabi sa akin. I rolled my eyes on him at lumabas nalang.




It was a heck of a boring day. I just answered calls, notate it then advised him. Kaya ayaw na ayaw ko sa office eh, ang boring. Nang mag-hapon na ay lumabas na siya sa office at sinabihan akong uuwi na kami. Sa wakas!


"What do you want to eat?" tanong niya habang pababa na ang elevator

"You decide. Ikaw naman palaging nagdedesisyon diba?" sarkastiko pero wala na akong pakielam

"What if I eat you instead?" tumaas ang balahibo ko dahil sa may tenga ko mismo niya sinabi yun.

Tinulak ko siya ng kaunti para naman hindi niya mahalata na pinagpawisan ako sa sinabi niya. "What if I kill you instead? Para wala na akong problema?"

Tumawa lang siya sa sinabi ko pero hindi parin inalis ang tingin sa akin. Kinuha ko nalang ang phone ko at nagkunwaring may chineck kahit wala naman. Hindi na kami nakakain sa labas dahil tumawag si mom at sinabing nagluto siya ng hapunan para sa amin.




Nang makauwi kami ay napasalmpak ako sa sofa dahil sa pagod. Pagod kakaisip ng gagawin dapat sa office niya. Pwede ka palang mapagod mentally kahit walang ginagawa physically. Haaays.

"You tired Shane? Marami kabang ginawa kanina sa office?" tanong sa akin ni Mom

"Wala naman po. Hindi lang po talaga ako sanay na nasa office." at ngumiti ako sa kanya

"Ito naman kasi si Daniel ayaw mapawalay sayo. Pagpasensyahan mo na ha."

"Gusto ko man pong sabihin na okey lang pero hindi po talaga okey." nahihiya ko pang sabihin pero hindi ko naman kayang magsinungaling

"Sorry Shane. Sorry sa nagawa ni Daniel. Alam kong hindi mo matatanggap na rason na ginawa niya yun dahil mahal ka niya pero yun talaga ang dahilan niya. Wala siyang ibang babaeng nagustuhan kundi ikaw lang. Hindi ko mapagkakaila na mali ang ginawa niya kaya ako na ang humihingi ng tawad para sa kanya." sincere talaga si Mom nang sabihin niya sa akin iyon.


Hindi ako nakasagot sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ba ang tamang isasagot sa sinabi niya sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpaalam na magpapalit lang para makakain na kami. Nang makarating kami sa kwarto ay naabutan ko si Daniel na nakaupo sa may edge ng kama. Tinitingnan niya ang...phone ko?!

"Anong ginagawa mo? Bakit hawak mo ang phone ko?" napabaling siya sa akin ng marinig niya akong sinita siya

"Why are you still texting him?" halatang galit siya. Sigurado akong ang tinutukoy niya ay si Mason. Wala naman sigurong masama kung magka-text kami dahil kaibigan ko naman siya.

"I don't see anything wrong with that. He's my friend and he helped me."

"He helped you? Na makalayo sa akin? Siguro ay may balak nanaman kayong tumakas kaya parati parin kayong nag-uusap." nag-igting bagang siya

"Mukhang nababaliw kana Daniel. Kung anu-ano nalang ang sinasabi mo."

"So it's true then? You didn't deny it?"

"My gosh Daniel! Isipin mo na ang gusto mong isipin mo! Tandaan mo ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung tumakas man ako o umalis, well it your fault!" lalabas na sana ako ng pinto pero mabilis niya itong hinarangan.

"Don't say that Shane. Please...please don't leave me.Hindi ko na kakayanin kung iiwanan niyo pa ako ulit ni Thor. I love you so much that it can make my mind go crazy... Crazy to do things just to have you." napasinghap nalang ako ng makitang may tumulong luha sa mata niya.

"Can you kiss me hon? Please...please kiss me." pagsusumamo niya habang hawak ang pisngi ko


Para akong na-hypnotize sa paraan ng pagtingin niya sa akin, parang dinadala ako sa ibang lugar. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero mas lumapit ako sa kanya. Naramdaman ko nalang na naglapat na ang aming mga labi. I was already in heat of kissing him ng naramdaman kong ngumisi siya at nagsabing...






"Gotcha hon." at tumawa pa ng nakakaloko




Bigla akong nag-init. 




Taena! Nag-init talaga ako sa galit! I hate you Daniel!!!


Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now