33: Gotcha Part 2

1.8K 32 0
                                    

6th day na namin dito sa Cebu at sa wakas pinasama narin ako ni Daniel sa site. Ang boring kasing mamasyal at mag-stay sa hotel mag-isa kaya pinilit ko talaga siya.


Nasabi niya sa akin na isang brewery ang itatayo nila at hindi lang ito basta basta dahil binase nila to isang brewey na nakita nila sa Japan. Madami pa siyang sinabi pero parang alien nanaman sa pandinig ko kaya pinigilan ko na siya sa pagkwekwento. Wala talaga akong hilig sa business, malas niya talaga at ako pa secretary niya.



Nang makarating kami sa site ay andun narin sina Dimitri at busy sa pakikipag-usap sa mga architect. Nang makita niyang parating kami ay tumigil siya sa pagsasalita at hinintay kaming makalapit sa kanya.

"It'a nice seeing you here Mrs.Sy." ngumiti ako sa kanya at tumingin kay Daniel pero may kuma-usap pala sa kanyang tauhan niya.

"Medyo boring na sa hotel eh kaya sumama na ako."

"Do you want me to show you around? I know you hate this kind of stuff but I'll make it fun." anyaya niya sa akin. Sasagot na sana ako ng may biglang humawak sa bewang ko.

"No need Dimitri. Ako nalang ang maglilibot sa kanya. Salamat nalang sa offer sa asawa ko." poker face niyang sabi.

"No prob. Sige punta narin ako kay architect Jim para i-discuss ang napagusapan kahapon. See you later then Mrs. Sy." ngumiti siya sa akin at umalis narin para pumunta somewhere.

"Kung hindi ako nagsalita nararamdaman kong papayag ka sa alok niya." sabi niya habang naglalakad kami papunta din somewhere.

"Nakakahiya naman kasing tumanggi. Tsaka alam ko namang marami kapang gagawin."

"Bakit wala ba siyang gagawin?" kumunot ang noo niya. "Konti nalang talaga Hon."

"Anong konti nalang?"

"Konti nalang talaga at ipapakita ko kung sino ang kinakalaban niya at..." tumigil siya sabay lapit sa tenga ko.



"Ipapakita ko kung paano ka mabaliw sa mga halik ko." sigurado akong namula ako at  hindi yun dahil sa init ng araw. Bwisit na Daniel to at ngumisi pa.

"Che! Tigil-tigilan mo nga ako Daniel." at nauna na akong maglakad sa kanya.


Dahil maraming tauhan ang kumakausap kay Daniel ay ako nalang mag-isa ang naglibot. Well, ang sabi niya ay dun lang daw ako sa nakikita niya magtigil pero nabored na ako kaya habang busy siya sa pakikipag-usap ay naglakad na ako paalis. Humingi ako ng site map sa tauhan niya para naman hindi ako maligaw. Malaki kasi itong lugar. Hindi ko ba alam kung anong klase tong brewery kasi naman parang pang resort ang laki.

May isa akong trail na sinusundan at nanlaki ang mata ko ng makita ang dulo nito.


"Wow ang ganda dito!" ang dulo kasi ay may railings na at overlooking sa lungsod. Feeling ko ito ang dahilan kung bakit nila napili itong lugar. Napakasarap pagmasdan ng lungsod lalo na't napakasariwa ng hangin dito. Ibang-iba sa Manila.

"Why did he let you walk around here alone? Medyo delikado dito." nagitla ako ng may nagsalita sa likod ko.

"Ginulat mo ako Dimitri, akala ko naman kung sino. Ah...eh... tumakas lang ako.Hehe. Alam ko namang madami kayong ginagawa dito kaya ayaw kong makaabala sa kanya."

"You should have said Yes kanina para naitakas agad kita. Hahaha."

"Baliw. Busy karin naman for sure at hindi naman ako bata para samahan pa. Kaya ko naman." at ngumiti ako sa kanya.

"I'm really dying to say this to you Mrs.Sy." for the first time ay nakita ko siyang seryoso.

"Ano yun?"

"Everytime you smile at me dear, I'm trying so hard to control myself...because I got this urge to kiss you. Pinipigilan ko ang sarili ko hindi dahil asawa ka ni Daniel but because I respect Daniel's dad. He's been a family friend for so long and I don't want to ruin that." natameme ako sa sinabi niya. Wow. First time na may nakapagsabi sa akin ng ganito. Wala tuloy akong maisip na sagot.

"Haha!  Ang cute mo talaga. Halatang gulat ka sa sinabi ko. Don't worry Shane, I'll do my best to stop myself." at ginulo niya ang buhok ko.

"Ayyy! Ang tagal kong inayos ng buhok ko ehh." at yun talaga ang nasabi ko. Haha. Hirap kaya mag-ayos ng buhok ang babae.

"Cute. Balik na tayo sa main site at baka hinahanap kana ni Daniel." ngingiti naman sana ako kaya lang pinigilan ko na. Tumango nalang ako sa kanya.  Tiningnan ko ang phone ko at shit! Nakasilent pala. Ang dami nanamang missed calls ni Daniel.



Nakabalik na kami sa hotel pero wala paring imik si Daniel sa akin. Naging ganyan na siya ng makita kaming sabay na bumalik ni Dimitri kanina. Sinabi ko naman sa kanya ang nangyari minus the pag-amin part ni Dimitri pero tango lang sagot niya sa akin.


Pumunta ako sa kwarto niya at naabutan ko siyang naghuhubad ng damit.Nagtanong parin ako kahit nakakadistract ang yummy abs niya. "Daniel, galit kaba? Diba naman nag-explain na ako."

"I'm not. Magpahinga kana Shane."

"Hindi ka nga galit kasi 4 words lang ang gamit mo at Shane pa tawag mo sa akin."

"Hon, not angry, ok?" Wow. 4 words parin.

"Mag-usap nga tayo. Ano nanaman bang nangyayari sayo?"

"Mamaya na. Maliligo ako." sabi niya without looking at me. Kanina pa to hindi tumitingin sa akin ha. Pwes makikita niya.

Hinubad ko ang blouse ko at sinunod naman ang skirt ko. Nang tumingin siya sa akin ay nanlaki ang mata niya pero umiwas din ng tingin.

"What are you doing Shane?"

"Maliligo ka diba? Then let's save water. Kahit nasa hotel pa tayo."

"Shane your killing me. Doon kana sa room mo maligo."

Hindi ako sumagot at hinila siya papasok sa banyo. Oh my gosh Shane! Nababaliw kana talaga.

Nang nadala ko na siya sa may shower area ay walang salita ko nalang siyang hinila papalapit sa akin para mahalikan...




Well, yun ang akala niya. Hahah!





Binuksan ko ang shower at nabasa siya.






"Gotcha hon." akala niya ba nakalimutan ko na ang ginawa niya dati. At lumabas na ako sa cr na tawa ng tawa habang siya ay hindi parin makapaniwala sa ginawa ko.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now