36: T***a!

1.6K 33 1
                                    

Finally we're back to our normal life. Gising, pasok sa office, uwi, dinner tapos tutulog. Medyo nabobored na nga ako dahil wala naman talagang excitement sa pagiging sexytary este secretary ni Daniel. Kapag kasama niya ako sa meetings niya parang alien parin ang mga pinagsasabi niya. Haist. Ayaw ko na talaga.

"Hey hon?" naputol ako sa pagiisip ng marinig ang boses niya.

"Hmmm...ano yun?"

"Kanina pa kaya ako nagsasalita. Ang sabi ko tara na at umuwi. Mukhang malalim ang iniisip mo ah." halatang curious siyang malaman ang iniisip ko.

"Wala naman. Sige. Ayusin ko lang ang gamit ko."


Katulad ng madalas naming ginagawa, nang makarating na kami sa bahay ay sabay-sabay kaming nag-dinner. Matapos nun ay inasikaso ko na si Thor para makatulog.

"Tulog naba si Thor?" tanong agad ni Daniel  ng makapasok ako sa kwarto namin.

"Yes." at hindi ko narin napigilan ang paghikab ko.

"Matulog kana rin."

"Mamaya pa ako. Mayroon kasi akong nakalimutan na tapusin na file sa office kanina kaya tatapusin ko muna." bubuksan ko na sana ang laptop ko pero pinigilan niya ako.

"No need hon. Matulog kana. Bukas nalang yan, wag mo na gawin."

"Pero kaila-." pinutol niya ang sasabihin ko sa hindi ko inaasahang paghalik niya sa akin.

"Hon...just sleep." sabay ngiti ng loko sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako at umayos na sa paghiga. Sa totoo lang ay inaantok na talaga ako. Hindi ako pagod sa trabaho pero nakakaantok lang ang sobrang "BOREDNESS" dun sa office.



Maaga akong gumising para mapaghanda ng almusal sina Daniel at Thor. Pareho kasi silang maagang magising samantalang sina Mom, Dad at Sabrina almost lunch time na nagigising. Nang matapos narin kami ni Daniel at makapagpaalam na kay Thor ay umalis na kami para simulan ang exciting day sa trabaho. Meh! Sinong niloko ko? Haist.

Nang hindi kami kumaliwa sa usual na dinadaanan namin ay nagtanong ako."May dadaanan ba tayo?"

"Oo." seryoso niyang sagot.

"Saan? Hindi mo nasabi sa akin."

"You'll see." nakangiti niyang sagot sa akin.

Hindi na ako nagtanong ulit dahil baka naman early meeting lang. Tumigil kami sa isang malawak na lote na within the busy area parin of Makati.

"Anong meron Daniel?" hindi siya sumagot at bumaba ng kotse para pagbuksan ako. Lumabas naman ako at sinundan siya papunta sa empty lot.

"Hon, I'm not sure kung binaon mo na sa pinakailalim na parte ng utak mo ang araw na ito dahil sa hindi magandang nangyari noon sa parehong araw pero gusto ko paring gawin ito."

"Anong...anong sinasabi mo Daniel?" pagtataka ko.

"Happy 2nd Year Anniversary Hon." nakangiti niyang bati sa akin sabay abot ng isang envelope. Hindi ko parin akalain na nakalimutan ko na itong araw na ito.

"Nawala na sa isip ko na ngayon pala ang araw na iyon." sa totoo lang ay ayaw ko na talagang  alalahanin ang nangyari 1 year ago."Ano itong envelope na ito?"

"Open it para malaman mo." mukhang mas excited pa siya sa akin.

Pagbukas ko ay titulo yun ng lupa which I assume na itong kinakatayuan namin ngayon. Oh my freaking gosh at may pangalan ko pa yun.

"Alam kong bored to death kana sa office so naisip ko na best gift itong property na ito. Makakapagsimula ka ng bagay na mas gusto mong gawin."

"Cafe?" naiiyak kong sabi.

"Yes.I know your love to coffee and serving people is really a big part of you. Hahah." natatawa siya na para bang baliw ako dahil yun nga ang gusto kong gawin.

"Bakit mo ako pinagtatawanan? Pero Daniel...I think this is too much?" nahihirapan ko pang tanungin sa kanya.

Lumapit siya sa akin tapos ay hinawakan ang pareho kong kamay."Nothing is TOO MUCH for you hon. You are my wife, the mother of my kid, my weakness, my love. I know I had f*cked big time last year but I'm doing everything I can to get you back. To get your heart and trust back. Dahil mahal na mahal kita." Naiiyak ako shit! Naiiyak ako taena! Umiiyak na ako shemay!

Wala akong naisagot sa kanya kaya naman ay niyakap niya ako. Nagpatuloy pa siya ng pagsasalita.

"I know we haven't talked about what happened before, but let me just start with this. Let me have you do what you like or what you love. This is also me saying Sorry because I was able to accept Nadia's apology so easily. Let's just leave the past on the past and start again. Let's start again hon?" He said with his pleading eyes...with his gorgeous, pretty and mind blowing eyes.

"I...I..." I don't know. Hindi ko alam ang isasagot ng sandaling yun. Hindi sa nag-iinarte ako or what. Oo mahal ko siya, mahal na mahal pero paano kung mayroon pa palang siyang sikreto na hindi sinasabi sa akin. Paano kung mas may malala pa siyang ginawa dati. Paano kung...paano kung...

"Alam kong kapag nasusurpresa ka ay hindi ka agad nakakasagot. Mamaya na natin pagusapan. Ihahatid na ulit kita sa bahay dahil simula ngayon ay hindi kana ang maganda kong secretary. Your fired hon. Hahaha." Natawa nalang ako sakanya. Loko-loko talaga.



Nahatid niya na ako't lahat pero hindi parin ako nakapagsalita. Mamaya nalang siguro pag-uwi niya. Tama! Mamaya ko sasabihin ang dapat na sinabi ko kanina.

Hindi parin mawala ang ngiti sa labi ko habang naghahanap ng magandang concept o idea sa Cafe ko. My freaking own Cafe. Hihihi.


Mag-aalas onse na pero hindi parin umuuwi si Daniel. Madalas ay andito na kami ng 7pm o di kaya ay 9pm kapag me meetings. Nangangati na ang kamay ko kaya naman ay tinawagan ko na siya.

Ring.

Ring.

Ring.

Ring.

Ring.

Ring.

Ititigil ko na sana ng biglang may sumagot... At taena!!!






Bakit babae?

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now