48: Ready or Not

777 28 8
                                    

"Dim, I know na hindi ka masamang tao. Please tulungan mo ako." Sabi ko sa kanya nang puntahan niya ako para pakainin.

"Masyado ka namang magtiwala Shane. Masyado ka namang makasigurado na mabuti ang isang tao. Sana ay inisip mo na wala ka dapat dito in the first place kung mabuti ako." Seryoso niyang sinabi. Nakatakip parin ang mga mata ko at nakatali ang mga kamay.

"I know Dim. I just know na hindi mo ako magagawang saktan." Hindi ko na napigilang umiyak. Alam ko sa sarili kong mabuti siya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya akala ko ay umalis na siya. Nagulat nalang ako ng biglang may nagpunas ng luha ko sa mukha.

"Stop crying." Magsasalita sana ako pero nagpatuloy siya."I'm not who you think I'm, kaya itigil mo na ang pag-iyak."

Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin. Mukhang aalis na nga siya ng tuluyan. Madalas niyang gawin yun tuwing hihingi ako ng tulong.

"Be ready." Hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon pero narinig kong sinabi yun ni Dim.



Matutulog na sana ako ng mayroon akong marinig na kung ano mula sa labas.

"Anong nangyayari dyan? May tao ba dyan?" Walang sumagot sa akin pero narinig kong nagbukas ang pinto.

"Sino yan? Ikaw ba yan Dim?" Wala nanamang sumagot kaya naman ay tumayo ako at sinubukang lumapit sa pintuan kahit hindi ko alam kung nasaan iyon.

Naglalakad na ako ng may humawak sa braso ko."Dim ikaw ba yan?" Wala nanamang sumagot at mas lalo pang hinigpitan ang hawak niya sa akin.

"Pwede bang sumag-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Marahan niya akobg hinila papunta sa kung saan at kahit nagpupumiglas ako ay mahigpit parib ang pagkakahawak niya sa akin.

Wait lang. Bakit pamilyar sa akin ang scent ng taong ito?

Mabagal lang ang paglalakad namin na para bang may iniiwasan kami na kung ano. Tinigil ko na ang pagpupumiglas dahil humihigpit lalo ang pagkakahawak niya sa akin at baka kung ano na ang gawin niy sa akin.

Bago kami tumigil ay nakarinig ako ng pagbukas ng kotse. Inalis niya ang kamay niya sa bibig ko pero nilagyan naman ng tali ang kamay ko. Inalalayan niya ako makapasok sa kotse at nang maisara niya ito ay agad na akong nagsisigaw. Sana naman may makarinig sa akin.

"Sino kaba? Dim, kung ikaw yan, please sabihin mo na."

Hindi nanaman siya sumagot. Kaya naman nang umandar na ang kotse ay hindi na ako tumigil kakasalita at kakatanong sa taong kasama ko.



Mukhang malayo layo din ang naging byahe namin at nang tumigil kami ay tinanggal narin niya ang tali sa kamay ko. Sumunod nun ay inalis niya na ang piring sa mata ko. Unti-unting nag-adjust ang paningin ko at bumungad sa akin ya ilang mga puno at isang cabin.

Nang naging maayos na ang paningin ko ay tumingin agad ako sa driver seat at nagulat sa lalaking kasama ko.

"P-paanong? Anong ginagawa mo dito?"

"Let me explain first, wag mo muna sana ako pag-isipan ng masama Shane. So bale ay mayroon akong convention dito sa SG. Sa totoo lang ay nakita ko kayo ni Dimitri sa isang restaurant nung nakaraan pero naisipan ko na hindi na lumapit. Hindi ko naman na inaasahan na makikita ko si Dimitri sa isa pang convention na pupuntahan ko. Nang magkasalubong kami ay bigla siyang umiwas kaya naman ay nagtaka ako. Hindi ko alam pero gut feeling ko ay may mali kaya naman I decided to follow him. He was on his way to his car ng biglang may kinausap siya sa phone. Narinig ko ang pangalan mo at mga salitang, kung nakakain kana daw at bantayan ka maigi. Doon na ako kinabahan kaya naman sinundan ko lalo siya. Medyo guarded yung tinitirhan niya kaya nakakasigurado akong naroon ka." Huminga muna siya ng malalim bago ituloy ang sasabihin niya.

"Kahit natatakot ako ay gumawa ako ng paraan para makapasok sa bahay na iyon. Binayaran ko ng malaki yung gardener nila at nakikipagpalit sa kanya tuwing gabi para lang makita ang kalgayan mo. Takot na takot talaga ako. Kahapon ay narinig kong parating raw si Daniel dito ngayon pero sisiguraduhin daw nila na mamamatay siya sa airport palang para hindi na kayo magkita. Kaya naman naisipan kong itakas ka ngayon. Una, para hindi nila maisipan na saktan si Daniel dahil magiging abala si paghahanap sayo. Hindi ko muna inalis ang piring mo at tinalian ka dahil baka magkaroon ng delay sa pagtakas natin dahil for sure puro tanong ka."

Naiyak ako sa ginawa niya kaya naman ay agad ko siyang niyakap."Maraming salamat Mason. Maraming maraming salamat."

"Wag kana umiyak. Dito na muna tayo magtago hanggang sa ma-contact ko si Daniel. Gusto man kita dalhin sa mga pulis natatakot lang ako sa pwede nilang gawin sa pamilya mo sa Pinas"

"Salamat sa ginawa mo. At salamat sa Diyos at narinig niya ang panalangin ko sa kanya. Buti at darating na ang asawa ko." Mayroong sinabi si Mason pero hindi ko masyado narinig dahil sa hina nito.

"Ano yun Mason?"

"Tara muna sa loob ng cabin. Magpahinga kana muna at hayaan mo na muna akong gumawa ng paraan para makausap si Daniel."

Bago pa man kami makapasok sa loob ay huminto na muna ako para malaman ang matagal ko ng gustong malaman.

"Nakita mo ba yung isa pang lalaki na kasama ni Dim?"

"Hmm..sa totoo lang ay si Dim lang nakikita ko at wala ng iba."

Hanggang ngayon hindi ko parin kilala ang nagsimula nitong lahat. Kailangan kong makausap si Daniel.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now