42: Careful

1.3K 28 0
                                    

"The car doesn't have a f*cking licensed plate! It seems that it was done to you on purpose. Whoever the hell that person is, gagawin ko ang lahat para mahanap siya!" Galit na galit si Daniel matapos niyang makausap ang pulis sa telepono.

"Hon, I'm OK now. So please calm down."

"I'm sorry for shouting hon. Hindi lang ako makapaniwalang may mga taong ganun." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Nothing bad happened to me and the baby so please stop stressing yourself. I'll be more careful next time."

"Hindi kana kasi dapat nagpupunta pa sa site. Hindi lang ang kalsada ang delikado pati narin doon."

"I want to be hands on sa cafe ko tsaka nasa safe na area naman ako. Again Daniel, mag-iingat ako kaya naman ikaw, pumasok kana dahil mayroon ka pang meeting with the new investors."

"Pwede ko naman ipa-reschedule. Hindi naman sila importante dahil mas importante ka." Napangiti naman ako sinabi niya.

"Ewan ko sayo. Pumasok kana nga. Tatawagan kita mamaya kapag nakarating na ako sa site." Nagulat nalang ako ng bigla niyang akong niyakap.

"Hon, ayaw kong mapahamak kayo nina Thor o ang new blessing natin. Mahal na mahal ko kayo."

"We love you too." Tapos ay hinalikan ko siya sa labi.

Matapos ang 15 minuto na pagkukumbinsi ko kay Daniel na pumasok na ay sa wakas napapayag ko narin siya. Nangako akong palagi akong tatawag sa kanya para malaman niya ang ginagawa ko. Pati nga ata ang pag-ihi ko kailangan ko pang sabihin sa kanya.




Nang makarating na ako sa site ay kinausap ko agad ang mga tauhan ko about sa progress ng construction. Everything was going according to plan sabi nila. I was busy looking into the floor plan ng lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan ko at sinabi na mayroon daw naghahanap sa akin.

"Ma'am andoon po siya naghihintay sa may likod. Hindi po sinabi ang pangalan eh basta po babae siya. Sinabi ko nga po na pumunta nalang dito pero ayaw niya."

"Hm...Sino kaya yun? Sige pupunta na ako." Inayos ko muna ang mga gamit ko bago puntahan ang kung sino mang naghahanap sa akin.

Nang makarating na ako sa likod na parte ng building ay wala namang tao. Naghintay pa ako ng 5 minutes pero wala namang dumating. Paalis na sana ako ng biglang may bumagsak mula sa taas ko at napatili ng makitang isang patay na pusa iyon. Dumating naman ang isa sa mga tauhan ko para tanungin kung anong nangyari pero hindi ako nakasagot dahil sa nakita ko. Nasusuka ako. At hindi ko na nga napigilan.

"Ma'am aalisin na po namin ito. Mabuti po kung pumasok na po kayo para makapagpahinga."

"Salamat." Sabi ko at bumalik na sa tent ko.

Hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi ko alam kung gawa yun ng tao o kapwa niya hayop pero nakakasuka talaga.Kukuhanin ko sana ang panyo ko sa bag ng may nahawakan akong papel. Hindi naman ako nagdadala ng papel sa bag ko ah.




CAREFUL




Yun lang ang nakalagay pero bigla akong kinilabutan. Para akong binabantaan, hindi lang basta sinasabihan na mag-ingat. Sa tingin ko ang pusang yun kanina ay sinadya talagang ihulog sa akin. What the hell is happening? Agad akong nagtanong sa mga tauhan ko kung mayroon silang nakita na lumapit sa gamit ko at sinabi nga nila na mayroon daw isang babae na pumunta dito ng umalis ako. Nang marinig nilang sumigaw ako ay hindi na nila napansin na umalis na pala yung babae.

Kapag sinabi ko ito kay Daniel, he would definitely freak out. Kailangan kong malaman kung sino ang gumagawa nito. Who the hell this sick of a person is! Naisipan kong hindi sabihin kay Daniel ang nangyari nang tinawagan ko siya. Well, sinabi ko yung part ng pusa pero hindi ang papel na nakuha ko sa bag at yung unknown na babae na bumisita sa akin.

Nang maisipan ko ng umuwi ay tsaka naman dumating si Daniel. Hindi naman niya sinabing pupunta siya dito ah.

"Bakit ganyan ang mukha mo hon? Ayaw mo ba akong makita?" Tanong niya matapos niya akong halikan sa labi.

"Ah no. Hindi mo naman kasi sinabi na pupunta ka dito."

"Surprise? Masama bang sunduin ang maganda kong asawa? Si Mang Canor na ang bahala sa kotse mo. Doon na tayo sa kotse ko sumakay."

"Sige."

Nang makasakay na kami sa kotse ay tinanong niya ako kung maayos na ba ang pakiramdam ko matapos ng nangyari at kahit hindi totoo ay sinagot ko siya ng, "Oo."




Nang makauwi na kami sa bahay ay agad kong pinuntahan si Thor sa kwarto niya. Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan para sa kanya at sa baby na nasa sinapupunan ko.

"Mommy look." Mayroon siyang kinuhang laruan sa bag niya na hindi naman pamilyar sa akin. Hindi ko natatandaan na bingyan namin siya nito ah. Nanlaki ang mata ko ng ma-realize kung ano iyon. Yung toy car ay same model ng kotseng muntik ng makabangga sa akin.

"Yaya! Yaya!" Sigaw ko.

"Yes po ma'am?"

"Saan nyo nakuhua ito?"

"Ah ma'am hindi ko rin po alam. Nagpunta po kami sa park kanina at iniwan ang bag sa may table, tapos po pagbalik naman ay andun na yang laruan sa loob. Hindi na po binitawan ni Thor kaya dinala nalang po namin dito."

Kinuha ko bigla ang laruan kay Thor at binigay sa yaya niya. "Pakitapon po please." Hindi naman siya nagtanong at ginawa rin agad ang sinabi ko.

Hindi ako makapaniwala na kahit sa anak ko ay makakalapit sila. Kung sino man sila. Hindi ako papayag na mayroon silang saktan na kahit sino sa pamilya ko. Kailangan kong mag-isip mabuti kung sino ang pwedeng gumawa nito. Sino ba ang nakaaway ko? Sino ba ang nakabangga ko dati?

"Hon, is everything OK here?" Tanong ni Daniel.

"Yes. Palabas narin kami ni Thor."

"Good. Nagpahanda ako ng merienda sa garden." Lumapit din naman siya sa akin para kargahin si Thor. Nakakatuwa silang panuroin dahil mapapansin na talaga ang pagkakahawig nila na hindi ko naman napansin dati nung hindi ko pa alam na siya ang ama ni Thor.

Sa dami ng nagawa ni Daniel sa akin, ang tulungan ako, ang alagaan ako, ang mahalin ako...wala talagang makakapantay sa kanya. Buti nalang at naging loyal siya sa akin kahit anong tangka pa ni Nad-

WAIT!

Siya lang ang mayroong dahilan. Siya lang ang alam kong hindi masaya para sa amin ni Daniel. Alam kong nagpapanggap lang siya na she's good term with Dim, pero alam kong gustong-gusto parin niya si Daniel.




"It's Nadia." Nabulong ko sa sarili ko nang makalabas na sa kwarto sina Daniel.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now