41: Take care

1.5K 27 2
                                    

Hindi ko mapigilang umiyak. Ang sakit sakit sa puso ng nakikita ko ngayon. Bakit kailangan pang mangyari yun? Bakit nila naisip yun? Ilang tissue na ang naubos ko dahil sa eksenang nakikita ko ngayon ng bigla namang nawala ang lahat.

"Bakit mo pinatay?"

"I told you not to watch this kind of shows or drama or whatever you called it." Sabi ni Daniel na parang anak ang sinasabihan.

"Buksan mo na ulit. Tatapusin ko lang yung episode. Nasa climax na ako ng Goblin eh, namatay na yung bidang babae so wag mo na akong pag-isipin pa ng susunod na mangyayari."

"But it's unhealthy."

"It's not. Tigilan mo ako sa pagiging over protective mo. Buksan mo nalang ang t.v. Umiiyak lang naman ako dahil sa palabas hindi dahil emotionally wreck ako or kung anong iniisip mo. I'm fine Daniel." Napabuntong hininga nalang siya at sinunod ako. Nang magbukas na ulit ang t.v ay ngumiti ako sa kanya bago ko senyasan na tumabi sa akin.

Nang makatabi na siya sa akin ay agad niya akong niyakap sa bewang at hinalikan sa pisngi."I just wanted to make sure that you'll be ok."

"I'm fine Daniel. Our baby will be fine and healthy. Don't think too much."

"Hayyy...fine. After that matulog kana. We need to get some stuffs for the baby."

"Huh? But we don't even know the gender yet."

"So? Basta bibili na tayo ng gamit ni baby. Excited na ako." Napailing nalang ako sa kanya.

Nung time na sinabi ko na We're having a baby ay sobrang priceless ng reaction ni Daniel. Nakakatawa pa dahil akala niya ay may kung sino na akong gusto o ano. Hindi niya alam pakulo ko lang yun. Kaya naman ng nasabi ko na mayroon kaming bagong blessing ay hindi niya napigilang umiyak. Agad niya rin akong nilapitan at niyakap. Sa wakas daw ay makakasama na niya ako sa lahat ng stages ng pregnancy ko and would make sure to take care of me. Sina Mom, Dad at Sab were so happy for me as well.




Kinabukasan ay natuloy kami sa mall para mamili ng gamit ni Happiness. For now, I will call our baby number two Happiness dahil yun naman talaga ang totoo. Siya ang reason for our happiness.

"Hon, medyo madami na ata ang nabili natin. Dagdagan nalang natin kapag alam na natin ang gender." Ilang paperbags na kasi ang nasa cart namin at may balak pa ata si Daniel na dagdagan.

"Sorry hon. It's just that I'm really excited for this new experience with our second child."

"I know Daniel, pero wag ka namang over.Hahah! Why don't we take our lunch na? Medyo gutom na kami ni baby eh."

"Sure...my beautiful wife." Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Palabas na sana kami ng department store ng may mabangga akong tao.

"Sorr-" Isang letter nalang sana at masasabi ko na yung dapat kong sasabihin pero buti nalang at nakita ko agad ang mukha ng nabangga ko.

"Ow...Hi Daniel and Shane. I wasn't looking, sorry ah." Tama! Ikaw ang mag-sorry, hindi ako.

"Oh Hi Nadia." Bati ni Daniel. Hindi na ako nagsalita at napilitan nalang na ngumiti para malaman niya na OK lang na nabangga niya ako kahit sa totoo lang ay hindi.

"What's the occassion? Dami nyong napamili ah." Tanong niya after tingnan  ang mga gamit na nasa cart namin.

"Well, Shane here is pregnant and I'm just being an excited Dad." There was a 3 seconds pause bago naka-react si Nadia.

"Wow! Congratulations Shane. I'm so happy for the both of you." Her smile and the way she said it was almost convincing. Marahil ay hindi nakita ni Daniel pero there's something sa mga mata niya na hindi ko maipinta. She's not genuinely happy.

"Thank you." Maikli kong sagot.

"Ahm...I don't want to bother you guys kung may pupuntahan pa kayo, so I guess I'll just see you around. And Shane..."

"Yes?"

"Always take care of yourself." She said smiling tapos ay umalis na. Wala namang masama sa sinabi niya pero bakit parang may naramdaman akong kakaiba?

"Hey hon?"

"Hm?"

"Ang sabi ko tara na kumain. May problema ba? Bakit bigla kang natulala?"

"Ayy pasensya na. Wala naman. Tara na gutom na talaga ako."



Days passed and naging busy ako from taking care of Thor, planning my cafe, having my weekly check-up's and finding a good design for our nursery room. It was actually a good thing dahil gusto ko may ginagawa ako at ayaw ko naman na isipin ni Thor na dahil mayroon na kaming new baby ay less time na para sa kanya.




I'm currently on the site of my cafe to check the contruction. Dapat ay kasama ko si Daniel pero ang tagal matapos ng meeting niya kaya naman nauna na ako sa kanya. I was told na roughly 2-3 weeks ay tapos na ang lahat then we can start on the interior. I'm really happy that everything is going as planned. Thank you God for all the blessings!

After 2 hours ay naisipan ko narin umuwi dahil tuturuan ko pa si Thor. Dahil sabi ni Wayz ay traffic ang normal route na dinadaanan ko, I decided to try the alternate route. Puro eskinita ang daan pero nakadaan naman ako dito before so okey lang. I was almost in the intersection ng biglang may nag-overtake sa akin na dahilan naman para bigla kong kabig pakanan sa steering wheel.

Muntik na...muntik na talaga...muntik na akong mabangga sa poste. Buti nalang nakapag-break agad ako. Agad kong hinawakan ang tyan ko to make sure na hindi ako natamaan and I cried knowing na okey lang ako at si baby. Tumingin ako sa bintana ko and was shocked to see na yung kotse na nag-overtake sa akin ay nandun parin. Hindi ko makita ang driver dahil tinted masyado ang salamin niya. It's as if na pinapanuod niya ako kung anong mangyayari sa akin. Hindi man lang siya bumaba para humingi ng pasensya o ano, agad nalang niya pinaharurot ang kotse niya.




"I'll f*cking kill that person! Ipapareview ko yung CCTV para malaman ang plate no. ng kotse and I'll sue them or even take actions with my hand." Halos labas na ang ugat sa ulo ni Daniel dahil sa sobrang galit matapos kong ikwento ang nangyari.

"Hon, nothing bad happen. Please calm down. I just wanted to rest. Medyo nakakastress kasi yung nangyari." Sabi ko habang inaayos ang kumot sa katawan ko.

"Sorry for shouting hon. Magpahinga kana.I'll take care of everything. I love you." Then he kissed me on my lips.

"I love you too hon." Sabi ko bago ko ipikit ang mga mata ko.




I really hope that nothing bad will happen...again.

Just Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon