6: Gawin

2.5K 53 2
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa pesteng baliw na si Daniel

"Hon, coffee shop to diba? So oorder ako. Hehe!" pilosopo pa talaga


Nasa trabaho ako ngayon at ang makalulit na baliw ay andito nanaman para tumambay. Simula nung kissing action nila ng insan niya ay hindi siya pumalya sa pagpunta dito. Minsan hindi rin naman siya nagtatagal kasi kailangan niya daw bumalik sa office para tapusin ang mga paperworks niya. Bakit pa siya nageexplain? Pakielam ko ba.


"O anong order mo?"

"Grabe taray mo talaga sa akin hon. Hahaha! Hmmmm...how about a date?"

"Ano?! Wala akong oras sa biro mo baliw ka. Ano ngang order mo? Yung katulad ba ng kahapon?"

"Date nga hon. Babalikan kita dito after shift mo.Wag ka masyadong magpaganda ah."

"Ayaw ko nga!"

"Basta balikan kita. I love you." sabay kindat sa akin.


Mumurahin ko sana siya kaso bigla nalang siyang umalis. Hindi niya talaga ako binibigyan ng chance makapag-react kapag sinasabi niya yun. Kapag sinabi niya naman yun parang nagwawala ang puso ko. Feeling ko sasabog ito sa hindi ko malamang rason. Nakakabaliw na baliw!




Matapos ng shift ko ay agad akong nagpalit at nagayos. Ewan ko ba, parang sineryoso ko ang sinabi ni baliw na date. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na ang sasakyan niyang nakaparada sa harapan kaya agad akong pumunta dito. Pagkabukas ko ng pinto sa unahan ay agad bumungad sa akin ang isang makinis at napakagandang nilalang. Shit! May babae nanaman siya! Tiningnan lang ako ng babae at ngumiti. Plastik!


"Ahmmm Shane... sorry. Hindi ko nasabi sayo na sasabay si Nadia sa atin. Anak siya ng isa sa mga business partner ni papa."

"Ahhh okey. Sige sa likod na ako." as if naman may choice ako at Shane talaga ang tawag sa akin kapag kaharap ang babaeng to

Nang makapasok ako ay nagsalita naman yung Nadia... " I hope it's ok Shane? Si Daniel kasi pinilit pa ako, nakakahiya namang tumanggi."

(Nakakahiyang tumanggi? Baka gusto mo talaga.) "Okey lang noh. Gentleman kasi yang si Daniel kahit sino isasabay."

"Same mall din kasi ang pupuntahan niya kaya niyaya ko ng isabay." sabi naman ni Daniel



Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang . Alam ko namang nakikita ako ni Daniel kasi kanina pa siya nakatingin sa rearview mirror.Sa buong byahe ay sila lang dalawa ang nag-uusap about sa business or sa economic world. Langya! Malay ko sa mga pinagsasabi nila. Nakakabwisit lang itong si Nadia kasi kapag natatawa siya sa sinasabi ni baliw ay napapahawak siya sa balikat nito. F n F mo teh!


"Salamat Daniel and Shane ah. Sorry naistorbo ko pa ata kayo." pasweet na sabi nitong babaeng to

"That's fine Nadia. Una na kami ah kasi baka gutom na si Shane. Hehe!" inirapan ko lang si Daniel sa sinabi niya

"See you later then. Bye."


Dahil medyo badtrip ako inunahan ko na siya sa paglalakad. Hindi ko rin alam ang pupuntahan namin kaya pumasok nalang ako sa pinakaunang resto na nakita ko para matapos na itong so-called-date nato.


"You wanted to eat here?" tanong niya sa akin ng maka-upo kami

"Oo, dito nalang tayo sa Mcdo ng matapos na to."

"Hahahahaha!"

"Anong nakakatawa?!"

"Nung lumabas ka kasi sa shop, I can see that your excited about the date. Bakit bigla nalang nag-iba ang mood mo?"

"Wow ha! What made you say na excited ako? Napipilitan lang kaya ako."

"Wag kana magdeny hon. Tara na at mayroon akong reservation sa ibang resto."

"Ngayon hon tawag mo sa akin kasi tayong dalawa lang." bulong ko

"Hahahahaha!" tapos natawa nanaman siya

"Baliw kana talaga! Leche!"

"I'm loving you more when your like that hon. Let's go and have a good date." tapos hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin palabas ng Mcdo.


Oh my gosh! Hindi to kinakaya ng puso ko. Kung kanina halos mabaliw ako sa linya niyang 'I'm loving you more', ngayon naman magkaholding hands kami. Pinipilit kong alisin ang kamay ko pero ang lakas niya masyado.

Pumasok kami sa isang fine dining restaurant at talagang nakapakromantic ng vibe dito. Pinauna muna niya akong umupo kasi may kukunin lang daw siya.


"For you hon, kahit alam kong hindi ka mahilig sa flowers." sabay abot ng isang boquet ng flowers

"Alam mo pala. Bakit binigyan mo pa ako?"

"Haha! This scene should be romantic, you really something hon. Haha! Binigyan kita para kahit paano maalala mo ako."

"Paano naman kita maaalala?"

"Kasi lahat ng ayaw mo, ginagawa ko.  Sinong hindi makakaalala dun?" sabay ngiti sa akin

"Whatever!"

"Pero alam mo bang may gusto talaga akong gawin."

"Ano nanaman yun baliw?"

"Later hon. You'll know it later." sabay ngiti ulit sa akin


Infairness para talaga kaming nasa normal na date nitong si Daniel. For the first time we were not arguing kasi may isang topic kaming napagkasaunduan pag-usapan buong dinner. It was anime. I'm really a fan of anime kahit gantong may anak na ako at hindi ko rin inaakala na ganun din siya kaaddict dun. Hindi kasi halata sa personality niya.

Nang makauwi kami ay same routine ulit. Nagpalit lang ako tapos pumunta na sa kwarto ni Thor. Wala na kasi ang parents ni Daniel dito sa bahay kaya sa kwarto na ako ni Thor natutulog. Papikit na sana ako ng may biglang nagtext sa akin.


From: Daniel

I forgot to do something hon.


To: Daniel

Ano naman yun?


From: Daniel

Labas ka muna sa room ni Thor. May papakita lang ako. :))


To: Daniel

Kapag yan kalokohan Daniel, lagot ka sa akin.

 


From: Daniel

It's not. Promise. ;))

 

 

 

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay may biglang humawak sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. Magsasalita na sana ako pero hindi ko na natuloy dahil...


Hinalikan na niya ako sa labi. Shit!







" Sweet dreams hon..."


Just Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon