47: Hush

1K 20 3
                                    

Minulat ko ang aking mata at tanging puting pader, kama at pintong for sure na sarado lang ang nakita ko. Ilang araw naba akong narito? Isa? Dalawa? Tatlo? Nakakasigurado akong kapag kwinento ko sa iba ang dahilan kung bakit ako narito, ang masasabi lang nila ay “Ang TANGA mo naman!”

“Oo tanga nga ka Shane.” Bulong ko sa sarili ko.

Sa totoo lang ay natatakot na ako. Takot na takot, hindi para sa akin kung hindi para sa baby ko. Kung wala pa siguro ang baby ko ay magiging mapusok ako para lang makatakas, pero hindi ko yun magawa dahil ayaw kong maging dahilan pa iyon para mawala siya. Ayaw kong ako pa mismo ang maging dahilan para mawala siya.

Matutulog nalang sana ako ulit ng biglang may sunod sunod na malalakas na kalabog ang nanggaling sa pintuan.

“Ano yan!” Sigaw ko.

Pero patuloy parin ang pagkalabog ng kung sino man mula sa labas.

“Hoy! Ano bang nangyayari dyan?”

Lumapit ako ng kaunti sa pinto pero para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makarinig ng ilang putok ng baril.

“An-anong nangyayari?” Natanong ko nalang sa sarili ko.

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Ang tanging tumatakbo sa isip ko ay kung mamamatay naba kami? Parang bulang naglaho lahat ng iniisip ko ng marinig ang boses niya. Siya ba talaga iyon?

“Shane! Shane! Andyan kaba sa loob?” Rinig kong sigaw niya sa labas.

“Daniel? Hon! Oo!” Agad kong sagot sa kanya.

“Lumayo ka sa pinto hon. Bubuksan namin.” Agad ko naman itong ginawa at ilang minuto lang ay nasira na nila ito.

Mas lalong bumuhos ang luha ko ng makita ang lalaking pinakamamahal ko. Bakit ba hindi nalang ako nagtiwala sa kanya? Bakit ba hindi nalang ako humingi ng tulong sa kanya?

Agad akong niyakap ng mahigpit ni Daniel. “Are you ok Shane? May ginagawa ba silang masama sayo?”

“W-wala. Paano mong nalaman na nandito ako?”

“Let’s get you out here first, then I’ll tell.”




Pagkarating namin sa hotel ay agad akong sinalubong nina Mom and Dad. Sumunod namang lumabas sa isang room si Sab na hawak si Thor. Niyakap ko silang lahat at nagpatuloy na ang buhos ng luha sa aking mata. Ilang minuto ang nakalipas at dumating naman ang sarili kong ama na tulad ko ay lumuluha din.

"Buti at ligtas ka Shane. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin."

Tumango lang ako sa kanya dahil hindi ko magawang makabigkas ng kahit na anong salita.

"I think Shane needs a rest." Rinig kong sabi ni Daniel bago niya ako yakagin papunta sa kwarto.

Nang makaupo ako sa kama ay tsaka ko lang nagawang makapagsalita."P-paano mo nalaman na narito ako? At s-sino yung lalaki?"

Huminga muna siya ng malalim bago tumabi sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing." I track your phone. Simple lang diba? Kahit naka- off ang phone mo, I can still track it. It was something na tinuro sa akin ng friend ko na techy. Napansin ko kasi na medyo nagiging malihim kana kaya I decided to that. At buti nalang ginawa ko yun. Hindi mo alam Shane...hindi mo alam kung gaano mo ako pinagalala. Para akong mababaliw." Pinunasan niya ang tumulong luha sa mata niya."Hindi ko rin alam ang gagawin ko kapag nawala ka at si baby." Sabay hawak niya sa tyan ko."Alam mo na my world exist because of you. Hindi ko matatanggap kapag nawala ka na wala man lang akong nagawa."

Agad ko siyang niyakap. Bakit nga ba hindi ako nagtiwala sa kanya?"I'm sorry Daniel. I'm sorry." Yun lang ang kaya kong masabi dahil tama naman talaga. Mali ko ito. Mali ko ang hindi pagsasabi ng totoo sa kanya lalo na at buhay ko na ang pinaguusapan dito.

"Hush hon. It's Ok now. Your safe. The baby is safe."

"Si Dim? At yung lalaki na kasama niya? Anong nangyari sa kanila?"

"Wala na si Dim." Malungkot niyang sagot.

"A-anong nangyari?"

"Nagtangka siyang maglaban." Maikli niyang sagot.

"Yung lalaki na kasama niya? Anong nangyari sa kanya?"

"Kasama na siya ng mga pulis at sisiguraduhin ko na habang buhay siyang makukulong."

"Si-sino siya?"

"Siya si-"







Nagising ako ng marinig ang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko."Wake up Shane. Wake up sleeping beauty."

"Anong ginagawa ko parin dito?"

"Well, I hate to say this but you never left. Buong araw ka lang tulog." Sabi sa akin nung lalaking dahilan ng lahat.

"Huh?" Bigla akong napaluha. Panaginip lang pala. Panaginip lang pala lahat.

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now