15: COLD &HOT

1.9K 37 1
                                    

Akala ko okey na. Akala ko maayos na ang lahat, pero nagkakamali ako. Hindi ko alam bakit bigla nalang siya naging malamig sa akin. Tinapos ko na nga ang dapat tapusin sa amin ni Mason pero siya naman ang prinoproblema ko ngayon. Anong problema ng lalaking yun?




Aktong paalis na siya para puntahan si Nadine (WTF!) nang mapatigil siya ng makita ako. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero kitang-kita ko sa mga mata nya na galit siya. At alam kong galit sya sa pagsisinungaling ko. Gusto ko munang magexplain pero mas gusto kong malaman kung bakit sila magkikita ni Nadine.Magsasalita na sana ako pero agad siyang umalis. Walang sabi-sabi, walang paalam, basta nalang niya akong nilagpasan.

Naghintay ako buong magdamag pero walang Daniel na umuwi.Lumipas ang isa nanamang araw at wala parin sya. WTF! Pangatlong araw na bakit hindi parin siya nagpaparamdam? Alam kong galit siya pero hindi ba nya muna ako hahayaang magexplain at kailangan mas unahin pa nya yung Nadia na yun? Nakakabwisit!




"Ma'am good morning po. Tumawag po sa akin si Sir Daniel at nagpapakuha po siya sa akin ng pamalit nya. Nasa opisina na po kasi sya ngayon ." sabi sa akin ng family driver nila. Wow! Bakit sya tinawagan niya?

"Ganon po ba? Ahmmm...ako nalang po ang magdadala."

"Ah eh kasi ma'am, bilin ni Sir ako nalang daw po ang magdala." napataas naman ako ng kilay. Wow again!

"Ako nalang po Mang Noel. Wag po kayo magalala at hindi yun magagalit. Magpahinga nalang po kayo sa quarters nyo."

"Hindi kana ba magpapahatid ma'am?"

"Hindi na po keri ko na po yun. Hehe!"

Agad ko din namang inayos ang dadalhin kay Daniel. Cold treatment huh?! Nakakainis talaga ang baliw na lalaki na yun! Nagkita lang sila ng Nadia na yun hindi man lang umuwi. Hindi man lang nya ako binigyan ng chance magexplain kahit alam ko din namang me mali ako.


Nasa tapat na ako ng office ni Daniel. Nakatingin lang sa akin ang secretary nya at halata sa mukha niya ang pagtataka dahil hindi pa ako pumapasok. Tatanungin na sana nya ako ng agad din naman akong nagsalita.

"Okey lang ako medyo namulikat lang bigla ang paa ko kaya hindi ako makagalaw. Hehe!" natawa naman sya sa sinabi ko

"Akala ko kung ano na ma'am eh. Hehe!" at nginitian ko sya sabay hawak ng door knob. Here we go!


Akala ko maabutan ko siyang busy sa mga paperworks nya pero hindi pala. Mahimbing siyang natutulog ngayon sa couch niya habang yakap yakap...






ang T-shirt ko?! Papaano napunta to dito? Napangiti nalang ako sa nakikita ko ngayon. Lumapit ako sa kanya at tumapat sa mukha niya.




"Nakakainis ka naman Daniel. Bakit hindi ka umuwi?" pabulong kong tanong sa kanya. Alam ko namang tulog na tulog siya at sure akong hindi niya naririnig mga sinasabi ko.

"Alam kong nagalit ka sa akin kasi nagsinungaling ako pero sana binigyan mo ako ng chance mag-explain. Tapos maririnig ko pang pupuntahan mo si Nadia, sa tingin mo anong mafefeel ko nun? Gumaganti ka siguro sa akin noh." sabay irap ko kahit naman walang nakatingin sa akin. Baliw lang ang peg. Haha!

Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now