Mapapansin Kaya?

6K 45 0
                                    

Mapapansin Kaya?

"May crush akong football player. Sobrang gwapo nya as in. He's like a god. Expressive eyes, ang tangos ng ilong, macurve na lips tas sakto yung kulay niya. And damn his messy hair. Ganda ng katawan, ang lakas pa ng dating. Filipino siya na half Spanish.

Lagi ko siyang pinapanood tuwing may laro sila at nagpapalate pa ng uwi minsan, mapanood lang siya. Pag ako lang minsan mag-isa, yung tili ko nasa loob ko lang tuwing siya na yung sumisipa sa bola. Alangan mag mukha akong tanga doon haha.

So kanina, pinapanood namin siya ng mga kaibigan ko. Naka-neon orange siya na sapatos at jersey. Bigla siyang sumipa nang malakas hanggang lumagpas ng football field yung bola tas dumeretso sa parking lot, tahimik lang kami ng kaibigan ko na sinundan yung tingin ang bola habang lumilipad ito tapos nung lumanding na, nagdalwang isip ako kung kukunin ko ba or ano. Kasi medyo malayo yung nabagsakan ng bola e. So binalik ko yung tingin sa kanya. Nanlaki yung mata ko, nakatingin na din siya samin. ""Thank you! Thank you!"" Sigaw niya habang kumakaway. Sht. Ang lalim ng boses. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinampas siya sa dibdib ng kateam mate niya at nagtawanan sila. Natulala lang ako. Umalis sila ng teammates niya para sa kabilang field mag practice.

""Hoy. Sarcastic yun brad. Hindi niyo kase kinuha yung bola. Ang yabang."" sabi ng kaibigan kong lalaki. ""Huh? Bat siya nagtethank you? Sa akin ba nakatingin?""
""Oo. Sarcasm yun.""

Leche ang yabang nga kasi di naman namin responsibilidad yun pero imbis na maturn-off lalo ko pa siyang nagustuhan. Parang pinagsisihan ko din na di ko pinansin kasi 'chance' din yun.

Isa pa ang masaklap. May kaibigan akong sobrang ganda. As in head-turner. May crush sya dun dahil inapproach niya nung mag-isa friend ko sa mini stop. So sabay sila nag dinner dahil ininterview niya pa tungkol sa buhay ng friend ko frown emoticon
Kaya kanina nung dumating na kaibigan ko habang nanonood kami sa kanya, sinusundan ng crush ko ng tingin yung kaibigan ko. Kulang nalang itago ko sa bag yung kaibigan ko pero ang tangkad niya. Model kasi. frown emoticon

Bat ba kase di ako maganda? Asar naman. Pag ako, gumanda? Humanda ka talaga sakin. Mapapasakin ka din huhu. Jk. Hopeless."

Megan
2015
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Diliman

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now