Lihim na pag tingin

949 6 0
                                    

Lihim na pag tingin

Masaya ako sa limang taon na pagiging magkaibigan natin. Masaya ako kapag nakikita kita. Kinikilig ako kapag katabi kita. Kung alam mo lang, mag damag kitang pinagmamasdan habang masarap kang natutulog. Naalala mo nung lumayas ka? Samin ka nakitira. Para tayong mag asawa. Inaalagaan kita. Ipinag luluto ng almusal, tanghalian, gabihan. Buong araw tayong magkasama.

Nag simula tong lihim na pag tingin na 'to nung niyakap mo ko nang mapa-away tayo. Ako dapat ang mababato ng bote pero dahil pinrotektahan mo 'ko, ikaw ang natamaan.

Nag dudugo ang ulo mo pero naka ngiti ka parin sabay sabing okay ka lang.

Yung yakap na yun ang simula ng nararamdaman ko para sayo.

Alam kong mali. Imposible. Pero umaasa parin ako na balang araw mag bago ang tingin mo.

Ngayong break na kayo ng girlfriend mo sana wag mong isiping wala nagmamahal sayo.

Makiramdam ka lang sa paligid mo.

May taong lihim na nag mamahal sayo. At ako yun.

Nandito parin naman ako.

Ako nalang, pre. Sana ako nalang.

Louie
2013
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now