Depression

1.5K 21 1
                                    

Depression

Hindi namin ito pinili. Hindi ito pag e-emote o nag lulungkut-lungkutan lang. Isa itong sakit. Sakit na walang lunas. Kami yung mga tao na mas gusto nang mapag isa. Naniniwalang hindi kailangan ng ibang tao para sumaya. May bigat sa dibdib na araw araw naming dinadala sa pag dilat palang ng mga mata namin sa umaga. Madalas, gising na pero ayaw parin bumangon. Iniisip, "paano kaya matatapos ang araw na 'to?" Nawawalan ng gana sa mga bagay na dating nakakakuha ng interes ko. Yung mga bagay na araw araw kong ginagawa, para bang nahihirapan na akong gawin. Mga bagay na para sa iba nakakatuwa pero para sakin? Wala lang.

Uupo sa sofa at iniisip, "ano bang gagawin ko ngayon?"

Ang bigat ng katawan kapag gumalaw. Lethargic. Makikita mo ang mga kaibigan mong masaya pero mas pipiliin mong yumuko nalang at mag panggap na hindi sila nakita, madalas itatago pa ang sarili para hindi nila mapansin. Hindi mo gusto, hindi mo alam kung papaano sasabihin sa ibang tao ang dinadala mo kasi para sa kanila, masayahin kang tao. Alam mong hindi ka nila maiintindihan. May lungkot na hindi ko maipaliwanag at hindi ko alam kung paano mawawala. Nagpapanggap kang naka ngiti sa ibang tao pero alam mong sa sarili mong hindi ka masaya.

Madalas makakatulog ka nalang dahil sa pag iyak. Kinabukasan, ganun parin. Paulit ulit. Araw araw kahit walang ginagawa, nakakapagod. Minsan walang gana sa pagkain, may araw naman na parang gutom na gutom ka at para bang pagkain lang ang nagpapasaya sayo kahit kaunti. Madalas narin mainis sa mga bagay bagay malayo sa kung ano ako dati. Depression is more than just a sadness. We feel like we're living in a dark place, alone. Helpless, empty and lifeless. Para kaming baso sa edge ng isang mesa na kaunting urong nalang ay tuluyan ng mahuhulog at mababasag.

Hindi ito nag uugat sa isang problema, hindi ito dahil sa problema, nakadikit na ito sa buhay namin sa araw araw. Ganito na kami. Pero umaasa kami na balang araw, mawawala rin ito. Na magiging normal ulit kami. Sa ngayon, hindi namin alam kung kailan at kung papaano.

Para sa inyo, madaling mag bigay ng mga salitang dapat naming gawin kasi hindi kayo ang nasa sitwasyon. Hindi kayo ang nakakaramdam ng sakit. Hindi namin kailangan ng mga salitang panghihikayat at wag niyong ipilit na gawin namin yan at magagalit kapag hindi pinakinggan. Alam na namin yan. Naisip na namin yan, bago niyo pa isipin. Alam namin ang nararamdaman namin. Hindi kami mangmang. Mag dasal? Ginagawa na yan ng iba sa amin, yung "ibang" naniniwala parin sa kanya, kasama ako.

Ibinahagi ko ito para malinawan kayo sa pakiramdam ng isang taong may depresyon, hindi dahil nanghihingi ako ng words of encouragement, kundi pag unawa.

xxxxx
2009
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Место, где живут истории. Откройте их для себя