A woman with questions

1.5K 14 0
                                    

A woman with questions

Sino ba ang tunay na naging selfish saming dalawa? Ako na umalis para sa career ko o siya na ayaw akong hayaang umalis dahil takot siyang mag isa? Ayokong maging onesided kayo sa opinyon niyo. Hindi naman ako nag sulat dito para manlimos ng sympathy.

Ganito kasi yun, natanggap ako sa isang bangko at gusto akong pag aralin ng libre sa amerika. To improve and gain more knowledge about sa reserved position ko sa bank at syempre gusto kong i-grab ang once in a lifetime opportunity. Napi-picture ko na yung good results ng gagawin ko. Unang una: Para sa magulang ko so I can help and support them financially. Pangalawa: Para sa sarili ko, para ma-improve ko pa ang kaalaman ko. Pangatlo: Para makaipon sa future family namin ng long-time boyfriend ko. Sinasabi ko naman na okay lang mag LDR muna kaso ayaw niya talaga.

Ayaw niya dahil hindi niya kaya ng malayo ako. Ayaw niyang iwanan ko siya. Hindi niya raw kaya ang mag isa. Ginagawa naman niya ang lahat para makaipon para sa future namin at hindi ko maitatanggi yung hardworks niya. Puyat at pagod para sa plano naming kasal at bahay. May magandang work naman siya dito at may mataas na position. In spite sa mga paghihirap niya current work niya, nangako siya na mag do-doble trabaho pa siya (hahanap ng isa pang trabaho) kung gugustuhin kong makapag ipon kami ng mabilis wag lang akong umalis. Imagine, halos mamatay na siya sa current company niya mag te-take parin siya ng risk humanap ng isa pang trabaho, mag stay lang ako. Sanay na kasi siya na palagi kaming magkasama almost everyday so naiintindihan kong magiging mahirap para sa kanya kung iiwan ko siya for one year.

Pero at the end of the day, umalis parin ako at mas inisip ang sarili at gusto ko. Nagalit siya sakin at from the day na umalis ako, never niya na akong kinausap. Alam kong malaki ang tampo niya sakin. Makasarili daw ako. Hindi ko man lang daw inisip ang mararamdaman niya. Pera lang daw ang binibigyan ko ng importansya. Nag aral ako for one year sa Amerika at pag uwi ko...

.... meron na siyang iba.

Now, my question is: Is this a consequence for being selfish? Or he is the selfish and I don't deserve him?

confused
2006
Institute of Accountants, Business and Finance (IABF)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now