Binaon ng buhay

1K 16 0
                                    

Binaon ng buhay

"Nag boracay kami ng boyfriend ko. Treat niya kasi anniversary namin. Hala ang kapal ng mukha. Kada may dadaan na sexy, humahaba ang leeg! Eh nahuli ko habang nag se-selfie ako. Isasama ko sana siya sa picture kaso nakita ko sa phone ko mismo na busyng busy siya sa kakasilay sa pwet ng mga babae dun. Gigil na gigil ako kingina! Kumakagat kagat labi pa siya.

Pero huminahon ako at sabi ko try ko sa kanya yung ibabaon sa buhangin para may pang DP siya. Pumayag nman si kupal at ayun binaon ko sa makapal na buhangin saka ko iniwanan.

At nung binalikan ko nung hapon nag-mamakaawang tulungan ko na daw siya makaalis sa buhangin dahil kinakati na daw sya. Sabi ko "ayan napapala mo sa kakasilay mo sa iba! Ano masarap bang maging tinapa?" Tapos umiyak di na daw siya uulit, e di ko naman matiis kasi kahit kupal yon mahal ko yun, edi tinulungan ko ng makaalis.

Ganyan naman kasi kayong mga lalake k*ngina nyo! Titino lang kayo kapag iniwanan na kayo! Pweh!"

kylie
2009
IAS
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now