WALA KANG KWENTANG TATAY

1.5K 13 0
                                    

WALA KANG KWENTANG TATAY

SPG (maselang lenggwahe)

Sa huling pagkakaalam ko ay confession page to so pwede akong mag labas ng hinanakit ko dito sa tatay ko.

Unang una, gusto kong malaman mo na p*tangina mo! Wala akong pakialam kung tatay kita. Wala akong pakialam kung wala ako kung wala ka. Mas maganda nga yon eh, edi sana di kita tatay ngayon! At mas pipiliin kong maging hayop nalang kesa maging anak mo!

Ang kapal kapal kapal ng mukha mong lokohin si mama! Lahat ginagawa ni mama para sayo pero ikaw ginagawa lahat para sa mga kirida mo! At hindi kapa nakuntentong ginagago mo si mama, sinasaktan mo rin ng pisikal! Nag tatrabaho si mama para samin, para sa mga pangangailangan namin na dapat ikaw ang gumagawa! Sweldo ni mama samin lahat napupunta tapos hihingan mo pa? Sasaktan mo siya kapag hindi ka binigyan? E kinginamo san ba napupunta ang sweldo mo? Diba sa mga babae mo?! Napaka gago mo! Wala kang kwentang asawa, wala karing kwentang tatay!

Si kuya na binalak kang labanan dahil hindi matiis ang panggagago mo kay mama ayun mas piniling lumayas dahil sayo! Ayaw niyang makita yang pagmumukha mo! Hindi niya rin masikmura ang pananakit mo kay mama! Kaya ayoko naring umuwi eh at mas gusto kong mag stay sa dorm dahil ayoko rin makita yang mukha mo sa bahay! Ewan ko ba kay mama bat natitiis pang makisama sa tarantadong kagaya mo! Lasinggerong babaerong WALANG KWENTA!

Pangalawa, alam ko password ng facebook mo kaya lahat ng kagaguhan mo nasusubaybayan ko! Di kana nahiya kingina ka? Tanda tanda mo na pero mga babae mo kasing edad ko lang! Hinuhuthutan kana ng pera tuwang tuwa kapa?! Yang mga pawalk na model ng carshow yan yang mga hilig mo diba?! Nakakadiri KA! Hindi kapa mamatay!

Wag kang magtaka kung bakit hindi kita pinapansin dahil para sakin hindi ka nag eexist! Konting konti nalang ang pasensya ko sayo, konting provoke nalang at lahat to maririnig mo sa bunganga ko! Hindi kita sasantuhin kahit tatay kita dahil kahit kelan di ka naging tatay samin! Graduation ko na next year at atat na atat na kong bumukod kasama si mama para makalayo na kami sa anino mo! Balang araw kapag wala kanang pera at wala ng babaeng gustong pumatol sayo, luluhod karin saming mga anak mo!

boyet
2013
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum