unusual personality

1K 9 1
                                    

unusual personality

"Who knows this struggle? Ako kasi yung tipo ng tao na mabilis magalit at madalas galit. Daig ko pa yung tita kong matandang dalaga sa sobrang bugnutin at pagiging mainitin ang ulo.

Ako yung tipo ng tao na kung may range ang humor na Very strong; Strong; Normal; Low; Very low andun ako sa very low o mas mababa pa dun. Mahirap akong i-please. Madalas masungit kahit kanino. Palaging seryoso. Mahirap patawanin. Squidward nga ang bansag sakin ng boyfriend ko kahit babae ako eh. Ka-ugali ko daw kasi. Boyfriend ko palagi ang sumasalo sa madalas na init ng ulo ko na madalas siya rin ang dahilan. Short tempered ako. Isa sa pinaka ayaw ko ay ang pinaghihintay ako dahil gusto ko lahat on time.

Kahit mga close kong kaklase at ka-officemates ko sinasabing wag daw akong mag professor dahil kawawa daw ang mga estudyante. Nakakatakot daw akong maging boss dahil kawawa din daw ang ibang employees. Isa din sa pangit na ugali ko ay yung hindi ako nakikinig sa idea ng iba at gusto ko sila ang makikinig sakin.

Hindi ko rin ginusto 'to at tina-try ko din baguhin pero ganun na talaga. Ipinanganak na akong ganito na parang ipinaglihi sa sama ng loob."

anne
2009
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Onde as histórias ganham vida. Descobre agora