Forever

1K 12 0
                                    

Forever

Last Thursday galing kami sa isang simbahan na malapit sa Malacañang/Mendiola.

Habang naglalakad pauwi kasama ang mga kaibigan, napansin namin sina lolo at lola na magkahawak kamay.

Ang sarap lang isipin na kahit matatanda na sila ay masaya pa rin silang ipakita sa lahat ang narating ng kanilang pagmamahalan.

Hindi ko napigilang mapakanta habang nasa likod nila ako. Sobrang nakakatuwa. Sobrang nakaka-inspire.

"Kung tayo'y matanda na.
Sana'y di tayo magbago.
Kailanman. Nasaan man.
Ito ang pangarap ko.
Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin
Hanggang sa pagtanda natin?
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo,
Kahit maputi na ang buhok ko?"

Bawat isa sa atin ay nangangarap na makaramdam ng tunay na pagmamahal.

Masarap ang magmahal at masarap lalo sa pakiramdam na may taong nagmamahal sa iyo. Pero napakasarap isipin na hanggang sa paglipas ng panahon ay naroroon pa rin ang pagmamahalan sa kabila ng napakaraming pagsubok ang dumaan.

Maraming hindi naniniwala na may forever pero ang Forever ay nakakamit dahil sa tatag ng samahan na sinangkapan ng pagtitiwala, pagbibigayan, tunay na pagmamahalan, at ng kakayahang unawain ang isa't isa.

D. Rossetti
20**
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon