Destined to be together

1.5K 16 1
                                    

Destined to be together

Naging kami for almost 4 years. But for some reason, nag break kami. Incompatibility. Immaturity din, kasi students pa kami nun. Selos dito, selos dun. Pareho kaming napagod at tuluyang nag hiwalay. Break up namin hindi din maganda. Pareho kaming galit sa isa't isa. (Siya: Break na tayo! Ako: Edi break!) Yan ang mga huling salita na nasabi namin sa isa't isa bago kami nag hiwalay.

Pero kahit hiwalay na kami never akong nag try mag mahal ulit. Tinry kong makipag fling pero wala, siya parin talaga. Walang babaeng makakahigit sa kanya. Kahit masungit siya, kahit chubby siya, kahit selosa. Siya parin talaga ang babae sa puso at isip ko.

Hindi ako nakipag relationship sa iba, pero siya, oo. Nagka boyfriend siya. Galit na galit ako nun. Basag basag lahat ng gamit sa kwarto ko. Pinag babato ko sa pader. Pati salamin nasuntok ko dahil sa galit. Ayun, dumugo lang ang kamao ko kasabay ng pag durugo ng puso ko. Gabi gabi akong nag iinom, nag rebelde ako, pinariwara ko ang sarili ko. Parang si popoy nung iniwan siya ni basha. Sobrang wasted diba? Pero kalaunan, naisip kong nonsense din naman magpaka rebelde dahil hindi parin naman siya babalik kahit anong gawin ko.

Sumama ako sa mom ko abroad baka sa way na yun makalimutan ko si chubby. Nag work ako dun for 2 years. Ayoko kasi nang walang ginagawa, naaalala ko lang siya. Worth it naman. Nakakalimutan ko siya kahit papano. Nakakakilala ako ng mga babae dun but I've never been into serious relationship. Since liberated sila, one week lang ang pinakamatagal na may nakasama akong babae. Pero love? Wala. Walang LOVE. Walang ganun. Nawala sa vocabulary ko ang love.

After two years bumalik kami dito sa Pinas. Yung grandfather ko kasi namatay. One month lang yung plan namin mag stay dito. Two days before kami umalis ulit, dumalaw ako sa FEU. Nakakamiss lang kasi. Pumunta ako sa building ko sa law. Dinalaw ko sa depatment yung mga prof ko. Nakakatuwa. Ang daming memories na nag fa-flashback. Pero habang naglalakad, lakad ako. Shit here we go again. Nakita ko yung freedom park. Naalala ko nanaman tuloy si chubby. Dun kasi kami madalas mag stay lalo na kapag hapon. May dala akong gitara, may dala naman siyang pagkain. Hehe. Napaupo ako sa ilalim ng puno eksakto kung saan kami nagtatawanan, nangangarap, nagpaplano. Nakakamiss. Naaalala ko nanaman siya.

Tumayo ako at pumuntang chapel para mag dasal. Tagal ko narin kasing hindi nakakapag simba. Ang layo kasi ng church sa bahay namin sa America. Pinagdadasal ko yung lolo kong namatay, pinagdadasal ko yung health namin ng family ko, nag repent at nag thank you. Pag dilat ng mata ko medyo marami ng tao. Pag upo ko galing sa pagkakaluhod, napansin ko yung babae sa tabi ko na nagdadasal. Chubby din. Maputi. Sabi ko pa, "kamukha niya ex ko." Tinititigan ko lang siya at hinihintay matapos. Hindi ko kasi masyadong maaninag yung mukha niya. Naka sideview kasi. Pag upo niya, shit is this real? Yung ex kong chubby. Wtf!

Sabi ko, "huy" tapos yung itsura niya e parang inaalala pa kung sino ako.

"James to!"

Siya: Ha? Hindi kita namukhaan!

"Hahahaha kamusta?"

Siya: Anong nangyari sa buhok mo?

"Ayokong pagupitan eh." (longhair na kasi ako at may bigote)

Siya: Hahaha! Nagmamasteral ako dito. Anong ginagawa mo dito?

"Wala napadalaw lang. Pupunta na kasi kami ng amerika sa saturday. Dumalaw lang ako dito. Kamusta kana?"

Siya: Okay naman. Kakatapos lang ng exam. Ikaw?

"Okay lang din. Namatay si lolo kaya kami napabalik ng pinas. Nice nag mamasteral kana."

Kamustahan, kwentuhan sa buhay buhay, hanggang sa nagkatanungan sa lovelife.

"Kamusta kayo ni Eiron?"

Siya: Di naman kami nag tagal nun. Hiniwalayan ko din.

"Wow! Mangiiwan ka talaga. Hahaha. Joke!Bakit mo naman iniwan?"

Siya: E kasi.. kasi hindi siya ikaw.

Parehong naging seryoso ang mukha namin. ilang minutong awkward at walang kibuan. Hanggang sa nagpaalam na siyang umalis. Hinayaan ko.

Pero hinabol ko....

Sinabi ko sa kanya lahat lahat. Lahat lahat! Lahat lahat at kung gaano ko siya kamahal at minahal.

Hindi ko na papahabain pa, medyo masakit narin kamay ko. Lol. What do you think happened next? Kung tayo, tayo talaga thingy.

Yes, kami na ulit ngayon. Hindi na ako sumama kina mommy bumalik ng states. Nag paiwan na ako. Bakit pa ako sasama?
E nandito ang buhay ko.

Thank you FEU Campus. Thanks FEU Chapel! Thank you God!

Sana ma-post, ipapabasa ko kay chubby kapag na-published na. I love you chubby! You are the best thing that ever happened to me.

james loves jessa chubby
2008
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon