Inked

944 13 0
                                    

Inked

"Kanina, papunta kami ng hospital ng 3y/o kid ko. Nasa jeep kami tapos mejo masikip, kalong ko yung baby ko mejo natatakpan yung kamay at legs ko (nakashorts kase ako), bigla may sumakay banda Welcome Rotonda na guy, maputi tas nakasando tas full sleeves na tattoo. Mejo bago pa yung tats nya kase nagbabalat pa yung ibang part, yung katabi kong matandang babae, umurong palapit saken, ako naman tamang tingin sa mga design ng tats ni kuya, bigla lumingon saken yung ale sabay sabi, ""Nakakatakot. Saka sayang yung balat."" Ako naman nagsmile lang.smile emoticon
Nung bumaba na si kuya, mejo lumuwag na sa jeep, pinaupo ko na yung baby ko tapos nag abot ako ng bayad, pinaabot ko sa ale, pagkuha nya ng bayad napatingin sya sa wrist ko may mga tattoo din, tapos napalingon sya saken, tinignan ako mula ulo hanggang paa, napatingin din sa mga tattoo ko sa legs at binti, aba biglang hinigpitan yung hawak sa bag nya. Ayun, nagsmile ako ulit. grin emoticon

Di naman po porke may tattoo eh masamang tao na eh. Sadyang art lang talaga yun at may mga meaning para samen yung pinapalagay naming tattoo. Wala lang, ang judgemental lang ni Nanay. Hindi naman sa mga guhit sa balat nakikita ang ugali ng isang tao e. Madami akong friends na burdado, mas mababait pa sa mga kakilala kong malinis ang balat. Basta ako, balak ko din mag full sleeves, soon. smile emoticon Nakakatuwa nga, naaappreciate sya ng kids ko eh. Kahit yung parents ko nagalit nung unang beses ako nagpatattoo, ngayon tinatanong na ko kung magkano pagawa ko. Hahaha! Sana mastop na yung discrimination sa mga may tattoo dito sa Pinas. smile emoticon"

Mrs. Star
2006
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now