Nung una...

1K 27 2
                                    

Nung una...

Nung una ayoko talaga sa kanya. Ayoko sa kanya kasi ayoko siyang manamit. Ayoko siyang kumilos. Ayoko ng mga bisyo niya. Ayoko ng mga ginagawa niya. Kilala siya sa batch namin as the "happy-go-lucky-girl" "the-badgirl" "the liberated woman". Ako kasi yung tipo ng lalaki na pinalaki sa decent and religious family. Na-inherit ko yung pagiging conservative ng parents ko. "Tanga" nga lang ang badword na kaya kong sabihin at hindi ko pa masabi yun sa ibang tao kasi diba masama sabi sa bible. Bawal sa family namin yung ugaling-kanto like what we all know. Yung mom ko very religious, yung dad ko naman very respectable sa community namin kasi aside from being a professor ng theology sa UST nag she-share din siya ng words of God sa church namin. We never missed a sunday mass, ma-cancel na lahat ng lakad wag lang ang time for the church.

Going back to this woman, I can say that despite of her personality, she is intelligent and despite of her having the habit of absenteeism nakakasabay siya palagi sa lecture at matataas ang grades niya sa exams. She's also beautiful and for that reason, halos lahat ng lalake sa batch namin kahit taga ibang institute crush siya. Maraming lalake na umaaligid sa kanya na ini-entertain din niya. Kilala din siyang player, not a sport player but emotion player. Meaning, kapag ayaw niya na sa nagiging boyfriend niya, iniiwan niya na. I don't like her at first and I despise her very much. She's a yosi and party girl who dresses and acting like a slut and everyone in our batch knows that. (sorry I know I've been to judgmental)

Until one day, bago ako umuwi nakita kong may naiwan ng book sa classroom namin kaya kinuha ko agad. Binuklat ko yung book para malaman ko kung sino ang owner then nakita ko yung pangalan niya. Sa pagbuklat ko ng book may nahulog na papel. At nung pulutin ko nakita ko yung mukha ko na naka-drawing sa papel. Mukha ko na naka-salamin, curtain-hair, singkit, with my watch and my bag so alam kong ako talaga yun and at the bottom confirmed, nakita ko yung full name ko so ako nga yung nasa drawing. Napa-ngiti ako kasi akong ako yung drawing, napa-ngiti din ako kasi may taong nag effort para i-drawing ako.

Kinabukasan, binalik ko sa kanya yung book. Shock na shock pa yung mukha niya habang tinatanong kung binuklat ko daw ba. And I answered, "yes and I saw the drawing". Kinuha niya yung book at agad agad siyang umupo sa upuan niya. Sa araw araw na magkasama kami sa classroom never ko pa siyang nakita na ganun ang reaction. I don't know why and I don't know the reason behind that drawing. And all my questions have been answered nang sabihin niya sakin na she likes me. Naglalakad ako nun pababa ng stairs tapos nakasunod siya. She said "I like you". Nagulat ako kaya napatanong ako ng "bakit?" then she uttered "first day of the class palang crush na kita. ikaw lang ang nag-iisang crush ko. can we have a date?" And I answered "NO".

No because I didn't find her sincere. Feeling ko pinag ti-tripan niya lang ako gaya ng pantitrip at pamamahiya niya sakin sa loob ng classroom. Hindi ko alam ang rason pero ako palagi ang pinag-iinitan niya kapag nasa klase kami. So I answered no.

Kinabukasan, may pinapasolve na math question yung prof namin sa board. Hindi ako sure sa formula kaya hindi ako nag volunteer. Sabi ng prof namin exempted sa quiz ang sasagot kasi wala talagang may gustong mag volunteer. Hanggang nag taas siya ng kamay at sinabing "kapag nasagutan ko yan ma'am pwede bang si Miko ang premyo?" natawa ang lahat then sinagutan niya yung math problem na kahit akong math ang fave subject ay nahirapan. Everyone in the class was so amazed including me nang sabihin ng prof kong tama ang sagot sa napaka habang solution.

"Oh pano ba yan? Date tayo mamaya ha?" sinabi niya habang nang-iinis at ako naman Inis na inis kasi yung mga kaklase namin at pati prof namin inaasar ako.

To summarize the story, nag date kami kahit hindi bukal sa loob ko. She told me again that she likes me. Sabi ko, seryoso ka ba? Huh? O nantitrip ka nanaman? Seryoso ako, sabi niya. Seryoso din ang mukha niya kaya na-convinced akong totoo nga ang sinasabi niya. Nagulat ako kasi ang dami daming nanliligaw sa kanya sa classroom palang at mismong pati mga kaibigan ko gusto siya pero bakit ako? Ako na hindi naman nagpakita sa kanya na gusto ko siya, kahit sinasabi ng puso kong gusto ko siya pero sinasabi ng utak ko hindi. Oo, gusto ko siya. Pinipilit ng utak kong labanan yung pag tingin na yun noon palang. Defense mechanism nalang na tumingin sa negativity ng personality niya para hindi ako mahulog ng sobra sa kanya kasi alam kong walang pag asa.

Sinabi ko sa kanya lahat. "ayoko sa pananamit mo, ayoko sa mga bisyo mo, ayoko sa mga galaw mo" and she answered "i am willing to change for you". Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano. Hindi parin ako makapaniwala na siya at ako, na siya gusto ako, na siya handang magbago para saken. Pinagtapat ko sa kanya na gusto ko siya pero natatakot ako kasi alam kong masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko. But before that day ends, naging kami na. Nag bago siya gaya ng pinromise niya. Hindi na siya yung kaklase ko na badgirl (slutty). Tinigilan niya na rin ang pagyoyosi, pag paparty, pagmumura at pakikihalubilo sa mga lalake. She's a changed woman now. Nagbago siya para sakin and as a return, minahal ko siya ng sobra-sobra.

Sabay kaming naka-graduate ng college at sabay din kaming kumukuha ng Masters degree ngayon.

And I can say that my first impression doesn't last and first impression is not always the last impression. Nakilala ko ang tunay na siya at ibang iba sa tingin ng lahat ng tao sa kanya. Siya yung tipo ng babae na handang mag sacrifice makita lang niyang masaya ang mga tao sa paligid niya. And I can also say that I found the woman that I want to spend the rest of my life with. ❤️

Miko
2008
Graduate School
FEU Manila

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now