Projecy

943 10 0
                                    

Projecy

"Hi! New student ako sa FEU non, tapos that time marami kaming new student, mga 10 ata. Tapos ako sobrang tahimik ko sa klase namin kasi hindi naman ako mahilig makipagusap. Tapos meron isang new student na lalaki na lagi akong inaasar, nung una tahimik pa siya pero nung mga ilang araw na ang ingay niya sobra tapos nang-aasar pa palagi. Syempre kapag inaasar ako hindi naman ako nagpapatalo!

Tapos makalipas ang ilang months sobrang dami naming projects tapos ang mas masaklap pa magkagroup kami palagi ni guy, e nabibwisit nga ako sa kanya. Tapos ayun lagi na kaming magkasama tapos ang saya pala niya kausap kasi ang kulit niya tapos sobrang sweet at bait pala niya. May itsura naman siya at maporma. Tapos every time na magkasama kami lagi kaming tinutukso ng mga letche naming kaklase.

Nung una, napakakomportable namin sa isa't isa tapos habang tumatagal parang naawkward kami sa isa't. Minsan tuwing magkasama kami lagi kong iniisip kung may gusto ba to saken kasi ang bait niya sakin pero inaasar niya parin ako. Lagi kami nag-aasaran.

Tapos syempre madami nagkakagusto sa kanya kasi medyo peymus siya sa kagaguhan hahahaha kaya kilala na siya kahit new student palang. Nung una akala ko wala siyang gusto sakin kasi syempre ayoko naman mag -assume hanggang sa sinabi sakin ng kaibigan ko na girl na may gusto si guy saken kaso huli na ang lahat nung sabihin niya sakin kasi hindi na kami nag-uusap ni guy. Tapos dun ko narealize na gusto ko siya. Gusto ko sana siyang tanungin kung totoo ba yung sinabi niya sa kaibigan ko pero huli na pala kasi may iba na siya.

Ayun, gusto ko lang ishare ang katangahan ko HAHAHA joke syempre nanghihinayang ako. Kaya sa mga may gusto dyan wag niyo ng patagalin pa, grab the oppurtunity kasi baka maunahan pa kayo ng iba. Kayo rin magsisisi kayo. HAHAHA"

Janella Dee
2015
Other
FEU Diliman

The FEU's Secret Files 3Where stories live. Discover now